Dahil Mahal Kita

14 0 0
                                    


"Dahil Mahal Kita"

Dahil mahal kita, gagawin ko ang lahat para ika'y mapasaya.

Dahil mahal kita kinalimutan ko ang mga bagay na saki'y nagpapaligaya.

Kasi nga mahal kita, Mahal...kita.

Pasensya ka na "Mahal Kasi Kita."

Mahal ko ikaw ang mundo ko.

Kahit na alam kong hindi ako ang mahal mo,

Pinili ko paring manatili sa tabi mo.

Mali ba to? Anong magagawa ko? Nagmahal lang ako.

Ikaw yung bituin sa langit na kahit anong pilit kailanma'y di makakamit.

Alam kong mas sasaya ka sa kanya, kaya mas pinili kong ipikit ang aking mga mata para maibsan ang sakit na nadarama.

Mahirap man pero kailangang tiisin, ang sakit na namumuo sa aking damdamin.

Nagtatanong sa sarili ano ba talaga ang meron satin?

Nais kitang yakapin at tanungin kung mahal mo ba ako?

Kaso natatakot ako na baka mawala ka sa bisig ko at maglakad palayo.

Maglakad palayo sa buhay ko, maglakad palayo kung saan nandon ang taong mahal mo.

Dahil mahal kita, kaya't ikay ihahatid patungo sa piling ng taong mahal mo.

Oo ihahatid kita, kahit mahapdi at kahit napakasakit kasi nga mahal kita kaya't ito'y aking ipipilit.

Kahit na hindi ko gusto, at kahit na ang puso ko'y nagdurugo sa sakit,

Titiisin ko para sayo aking mahal,

Pagkat alam kong hindi ikaw ang itinadhana sakin ng Maykapal.

At bago ko tapusin ang isinulat kong to,

Nais kong sabihin sayo na ikaw parin ang laman nito.

At kahit lumipas ang ilang daang siglo ika'y mananatili dito.

Kahit na sabihin mong hindi ako ang mahal mo, Ikaw parin ang

iibigin ko.

Pasensya ka na "Mahal Kasi Kita." 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 04, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dahil Mahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon