Pumunta kami dito sa likod ng venue, dito sa garden..
Ilang minuto rin kaming tahimik, walang umiimik.. Nakakabinging katahimikan.. Di ba sya magsasalita?!
"Kung wala ka namang sasabihin, aali---"
"Musta kana?" Panimula nya.. Tss. Di ba halatang okay ako?
"Oka---"
"Bakit ka nagbago?" Pinutol nya yung sasabihin ko. Seryoso sya, ganyang ganyan sya noon kapag may nagawa akong di nya nagustuhan dati.
"Nagbago ako kasi nasaktan ako.. Maraming nasira, lalo na sa tiwala.. Kelangan kong baguhin yung dating ako para sa susunod hindi na ako masaktan ng sobra sobra.." Naguluhan ata sya sa sinabi ko. Well, wala syang alam eh..
"Anong nangyare? Galit ka ba sakin?"
"Hindi ako galit sayo, dahil hindi naman ikaw ang nanakit sakin, hindi ko kayo idadamay.. Pero asahan mo na, mahirap ng ibalik yung tiwala ko sa mga lalaki.." Naging bestfriend ko sya.. Pinagkakatiwalaan ko naman sya, tsaka napatunayan ko narin na iba sya sa mga manlolokong lalaki noon pa.
"Ano bang nangyare?"
"May mga bagay na dapat hindi na inaalam.. Dapat ibaon nalang sa hukay at wag ng pagkaabalahan.." Tinignan nyako sa mata ng parang nagtatanong..
Ganyan din sya dati sakin, samin.. Kapag tumingin na sya ng ganyan, hindi kana makakapag sinungaling.. Pero dati yun.
"Im not scared Jaed." I smirked. Tumawa narin sya ng mahina..yung tawang nagpainlove sakin.. Pero dati nayun..
*Kringggg*
*Kringgg*
*Kringgg*
Chineck ni Jaed yung phone nya, may tumatawag.. Sinagot nya.
"Hello love? Yes.. Otw nako.. I love you.." And then he ended the call.
"May gf kana pala?" Tumango sya.. "Nagdadalaga na ah!" Binatukan nyako. Samantalang dati pagkain lang ang mahal nya..
"Yeah.. Si Roan.." He smiled genuinely. He's inloved. "Pano bayan? Di na kita isasayaw ha? Hinahanap nako eh.. See you next time." Tumango ako.
"Sige.." Tumakbo na sya paalis.. Grabe I really missed this guy.
~*~
Cole's POV
Pagkatapos kong kumain dito, pupuntahan ko sana si Ven para bawiin yung sinabi ko kanina kasi niloloko ko lang naman sya, parehas lang naman silang mala dyosa yun ngalang mahal ko yung ate nya..
Papunta nako sana sa pwesto nya kanina pero bigla konalang sya nakitang lumalakad at sumusunod sa isang lalaki..
Sino yun?
Sinundan ko sila hanggang sa likod ng venue, dito sa garden. Mag uusap sila?
Close? Bihira yun ah.Mas lumapit ako para marinig ang pinaguusapan nila, nagtago ako sa likod ng halaman. Jusko bakit bako sumunod? Oo baka kasi may gawing masama yung lalaki kay Ven. Magagalit sakin si Aiko pag may nangyaring masama sakanya..
Tinignan ko yung lalaki.. Hmm, gwapo sya pero mas gwapo naman ako.. Matangkad, parehas lang kami.. Medyo maputi pero mas maputi ako.. Mukhang good boy, pero mas gusto parin ng mga babae ang badboy.. Bakit koba pinagkukumpara? Tss.
Umalis yung lalaki at naiwang magisa si Ven.. Lapitan ko kaya? Sige na nga.. Lumapit ako sakanya ng dahan dahan. Mukhang di pa nya napapansin yung pressence ko.
BINABASA MO ANG
She's The Man Hater Since Then
Fiksi RemajaHIGHEST RANK REACHED: #41 in TEEN FICTION Broken by ONE, now hates EVERYONE. One thing about me? I. HATE. BOYS No Boys No Problems Maybe other thinks, they can't live without boys. But me? I can't live when there are boys. Maybe Gays. But not...