My Annoying Roommate

555 27 21
                                    

#MyAnnoyingRoommateShortStory

#MyfirstDARAEXOshortstory 

#BaekDarashortstory


A/N: Hi annoying people (JOKE haha!), GUYS! Please check out the video below! I made a short trailer just for you guys, because i love ya'll haha! I hope you'll like it! Available na iyang video dito sa wattpad and on Youtube. And please don't forget to check out also my other videos i made for my other stories! Thanks!



Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


  ⇒ MAR⇐  






May kwento ako—grabe ang gwapo ko.


Hahaha. Makapal ba ang mukha ko? Sorry mga tols, gwapo talaga ako at aminado naman ako tungkol don, pinapaalam ko lang sa inyo.


Oo ito na, may kwento nga ako. Hinding hindi ko makakalimutan 'to.


Ang kwento ko, ay ang tungkol sa pagiging gwapo ko-


Oopps! Bawal magalit mga tols, baka nagwawala na kayo dyan. Haha, oo sige na, maayos na po ako.


Ito na nga ang kwento ko,




Magiisang taon na akong nagdo-dorm non, may bahay naman kami kaya lang kapag nag dorm ako mas malapit 'to sa school namin. Isa akong 3rd year high school, matalino, medyo matangkad, may pagka-kpop style at higit sa lahat gwapong gwapo! Pero ang totoo nyan? Isang hamak na simpleng binata lang ako, hindi ako laging sumasama sa mga kaibigan ko, hindi ako lakwatsero, lagi akong nasa dorm buong araw kapag wala namang klase, kapag gabi naman—lol, malamang nasa dorm talaga ako. Hindi din ako loner—gwapo lang talaga ako. Hahahaha, okay move on na nga muna ako dyan, nagsasawa na ako sa pagiging gwapo eh. May mga kaibigan din naman ako, sa katunayan nga nyan sa school—halos lahat ng mga classmates ko kabarkada ko eh, hindi lang kasi ako sumasama talaga sa kanila kapag tapos na ang klase.


Magiisang taon na nga ako dito, at ang dahilan kung bakit lagi akong nasa dorm—ay dahil lang naman sa isang, MAKULIT, NAKAKAASAR, PAPANSIN, WALANG MODO, MAKAPAL ANG MUKHA—at masasabi kong maganda din naman siya, walang iba kundi ang NAKAKAASAR KONG ROOMMATE sa kabilang kwarto.

My Annoying RoommateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon