Prologo

12 0 1
                                    

Hingal na hingal siyang dumating sa kanilang bahay kumuha siya ng baso at inabot ang pitsel na may tubig.

Nangiginig ang kanyang mga kamay.
Basang basa na ang kanyang puting damit dahil sa kanyang pawis isama pa ang mga dugong tumalsik sa kanya.

Malinaw na malinaw sa kanyang isipan.
Ang abandonadong lugar.
Mga kutsilyo,lubid at mga baril.

Napaluhod na lamang siya at umiyak.
Wala na ang kanyang mga magulang.
Pinatay sila.
Pinatay sila kasama ang kanyang nagiisang Kuya.

Malinaw na malinaw sa kanya ang mga pangyayari.

Naramdaman niya ang kirot ng kanyang mga sugat.
Nakikita na ang kaunting bahagi ng kanyang buto sa braso dahil sa matinding pagkakahiwa dito.

Napakasakit. Napakakirot.
Hindi na siya makapagisip.

Hinihiling niya na sana ay hindi siya nasundan ng mga ito.
Hirap siyang tumayo siya sa kanyang pagkakaluhod at pinunasan ang mga luhang halos sakupin na ang kanyang buong mukha.
Kailangan niyang maging malakas at maging matapang.

Paulit ulit niyang naririnig sa kanyang isipan ang naghihingalong boses ng kanyang Ama.

'Anak tumakbo kana ! Huwag mong hayaang pati ikaw ay mapatay nila maging malakas ka maging matapang ka Anak para sa akin at para sa Mama at Kuya mo Ma-hal na mahal k-ita A-nak'

----------

First time ko lang po gumawa ng story. Sana magustuhan niyong lahat. Please Vote. Salamat!

Acts Of VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon