Kabanata 1 - Pamilya

15 0 0
                                    

Nagising si Lara na nakagapos ang kanyang kamay at paa sa isang upuan. Inalala niya lahat ang mga pangyayari. May mga armadong kalalakihan ang kumuha sa kanya kasama ang kanyang pamilya at dinala dito sa abandonadong lugar na kinaroroonan nila ngayon. 'Sumama na kayo ng maayos para walang masaktan' sabi ng isa sa mga lalaki. 'Sino ba kayo ha?Anong kailangan niyo sa amin?' may kabang sagot ni Mr.David dahil na rin sa baril na nakatutok sa kanyang ulo. 'Ano bang kailangan niyo Pera? Ano ? Sabihin niyo kung magkano at dodoblehin ko hayaan niyo lang kaming makaalis ng pamilya ko' nagmamakaawang sambit ni Mrs. David sa mga ito habang yakap ang dalawang anak na walang tigil sa pag-iyak dahil sa takot. 'Sumama nalang kayo ng maayos bumaba kayo sa sasakyan niyo ngayon din maglakad kayo naghihintay sa inyo ang puting van malapit doon sa punong iyon' sambit ng isa pang lalaki sabay turo sa tinutukoy nito. 'Huwag kayong magkakamaling sumigaw o gumawa ng anumang di namin magugustuhan kung ayaw niyong mapadali ang inyong buhay' sagot pa ng isa.

Walang ibang mahihingan ng tulong ang pamilya David dahil na rin sa kadiliman sa kalsadang iyon ginabi na silang umuwi galing sa bahay ng mga magulang ni Mrs. David. Sinunod na lamang nila ang utos ng mga ito. Sama-sama silang naglakad kasama ang mga lalaki patungo doon palinga-linga ang mga ito sa paligid tantya ni Mr. David nasa limang lalaki ang nakasunod sa kanila ngayon na may matitipunong katawan nakasuot ng itim na jacket at bonet at may dikalibreng mga baril.

Nang maka'pasok na sila sa van 'Saan niyo ba kami dadalhin? Ano bang kailangan niyo sa amin? Sino ang nag-utos sa inyo nito? Huwag niyo ng idamay pa ang pamilya ko!' pasigaw na sabi ni Mr.David na nangangamba sa kaligtasan ng kanyang pamilya. 'Pasensya na Mr.David trabaho lang' tska nila tinanggal ang kanilang mga suot na bonet at nagsuot ng mouth mask at nag-ispray ng kung ano mang likido na nakapagpatulog sa mag-anak.

Nakita ni Lara ang kanyang kuya Lance na nasa ganoon ding posisyon kagaya niya 'Kuya ! Kuya gumising ka Kuya' pasigaw na iyak ni Lara upang magising ang kanyang Kuya Lance hindi naman siya nabigo at nagising ito.
Nakita nila ang kanilang mga magulang sa kanilang harapan na nakagapos ng lubid ang mga kamay sa isang bakal ngunit nakatayo. 'Ma , Pa asan po ba tayo bakit nila tayo dinala rito ? takot na sambit ni Lance sa kanyang mga magulang.

Napapaligiran sila ngayon ng mga baril at kutsilyo na nakasabit sa pader ng abandonadong lugar na iyon. 'Anak hindi ko rin alam kung nasaan tayo at kung anong gagawin nila sa atin dito' sambit ni Lea sa kanyang anak na hindi ipinapakita ang takot na nararamdaman niya sa mga sandaling iyon. 'Lara anak ayos ka lang ba ? Wala bang masakit sa iyo ?' nagaalalang tanong ni Peter sa kanyang anak. 'Wala po. Pa umalis na tayo dito natatakot na po ako baka kung ano pong gawin nila sa atin dito.' mangiyak-ngiyak na sagot nito sa Ama. 'Oo mga anak makakaalis tayo dito tumahan na kayo' may lakas ng loob na sambit ni Peter sa kanyang mga anak. 'Lea tutal ikaw ang malapit dyan sa pader makakaya mo bang abutin ang kutsilyong iyon?' sabi ni Peter sa asawa sabay turo sa mga kutsilyong nasa pader. 'Susubukan ko' sagot ng asawa pagkatapos ay sinubukang abutin ang isa sa mga kutsilyo gamit ang kanyang kanang paa ngunit nahulog lamang ito. 'Subukan mo ulit' utos ni Peter sa asawa. Sinubukan uling kunin ni Lea ang kutsilyo at sa pangalawang pagkakataon ay nagawa niya ito 'Huwag mong bibitawan iabot mo sa mga kamay ko'utos ulit ni Peter sa asawa. Naiabot naman ito ni Lea sa asawa. Ginamit ito ni Peter upang putulin ang lubid na nakatali sa kanyang mga kamay kahit hirap na hirap na ay di pumasok sa isip niya na sumuko para sa kanyang pamilya. Nang matanggal niya ito sunod niyang tinanggal ang lubid na nakatali sa kamay at paa ng kanyang anak na si Lara. Sabay takbo at yakap naman nito sa kanyang Ina. Natanggal narin ni Peter ang kay Lance. Sunod na sana niyang tatanggalin ang lubid sa kamay ng asawa ng may marinig silang mabagal ngunit may diing mga palakpak galing sa taong papasok sa pinto ng lugar na iyon nasa likod nito ang mga lalaking kanina ay dumukot sa kanila.

'Napakagaling. One Big Happy Family' sarkastikong sambit ng babaeng nasa harapan nila ngayon habang pumapalakpak. 'Mama?' nagugulumihanang sambit ni Lara at Lance sa babaeng nasa harapan nila ngayon.

Acts Of VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon