Lingid sa kaalaman ng magkapatid ay mayroong kakambal ang kanilang ina ito nga ay si Rea. 'Oh so hindi pala alam ng mga mahal kong pamangkin na may kakambal ka Lea? Bakit ? Hahaha' baling nito sa kakambal na pagkatapos ng mahabang panahon ay ngayon lang ulit nito nakita. 'Para ano pa Rea? para malaman nila na isang baliw ang kakambal ng kanilang Ina? Hayaan mo na kami masaya na ko kasama ang pamilya ko!' galit na sagot na Lea sa kapatid. 'Hindi ko hahayaang maging masaya kayo! Pagkatapos mong agawin sakin si Peter? sabay baling naman nito sa asawa ng kapatid 'Oh Peter my dear di ka pa rin nagbabago ipaglalaban mo pa rin kung anong gusto mo' sabay ngisi nito 'Itali niyo ulit si Peter hayaan niyo muna yang mga bata' utos nito sa mga tauhan.
Kahit nagpupumiglas ay hindi nakaya ni Peter ang lakas ng tatlong lalaki na pilit siyang ibinabalik sa pagkakatali. 'Walang hiya ka Rea ! Bakit mo ba ginagawa sa amin to?Ano pa bang gusto mo?' paiyak na sigaw ni Lea sa kapatid iniisip niya kung bakit nagkaganito si Rea. 'Isa lang naman ang gusto ko diba ang mapasaakin ulit si Peter Hahaha' sagot naman nito. 'Kahit kailan ay hindi ako naging iyo Rea naging magkaibigan tayo pero hanggang doon lang iyon ibang-iba ka sa kakambal mo magkamukha nga kayo pero malademonyo ang ugali mo' nanggagalaiting sigaw nito sa kapatid ng asawa. 'Demonyo? Dahil ba pinatay ko ang bestfriend ko? Hahaha masyado siyang sagabal sa mga plano ko naitulak ko tuloy sa septic tank Hahaha' masaya pang sabi nito at nilapitan ang mga pamangkin. 'Hi Lance binatang-binata kana sayang ka naman' malungkot kunyaring sabi nito sa pamangkin. 'Anong ibig mong sabihin Rea? Huwag na huwag mong gagawan ng masama ang mga anak ko magkakapatayan tayo' matapang na sigaw ni Lea basta para sa mga anak niya gagawin niya ang lahat. 'Itali niyo yang dalawang bata' utos nito na sinunod naman ng mga tauhan nito. 'Rea parang awa mo na huwag ang mga anak ko' hindi na napigilang maiyak ni Lea dahil sa sitwasyong kinahaharap nila ngayon. 'Don't cry my little sis I'll be gentle let me handle this' sagot nito habang hinahasa ang kutsilyong kinuha nito sa pader. 'Ako lang ang gusto mo Rea diba ? Huwag mo ng idamay pa ang pamilya ko!' wika ni Peter na kinakabahan sa susunod na gagawin ni Rea. 'Siya na ring sinabi mong demonyo ako , paninindigan kona' sambit naman ni Rea na ngayo'y papalapit sa pamangkin.
Dahan-dahan niyang pinadaan ang kutsilyong hawak sa leeg ng pamangkin. Walang magawa si Lance dahil alam niyang isang maling galaw niya lang ay katapusan na niya. 'Rea tama na, wag ang mga anak namin wag mo silang idamay dito mga bata pa sila' paiyak na sigaw ni Lea 'Masyadong kayong maingay busalan niyo nga ang bunganga ng mag-asawang 'yan baka di ko mapigilan ang sarili ko't mapatay ko sila agad' agad naman sumunod ang mga tauhan nito at binusalan ang mag-asawa na ngayon ay puro ungol nalang ang nariring sa kanila.
'Hi Lance ready ka na ba?' sambit ni Rea sabay saksak sa binti ng pamangkin ng hawak niyang kutsilyo at pababa itong hinila. Napahiyaw naman sa sakit si Lance na hindi alam kung saan ibabaling ang kanyang ulo. Walang magawa ang mag-asawa sa nakikita unti-unting dinudurog ang kanilang puso sa bawat hiyaw ng anak. Ginawa ulit ni Rea ang pagsaksak sa kabilang binti ni Lance at dahan-dahang ibinababa ang kutsilyo.Wala siyang pakielam kahit matalsikan siya ng sumisirit na dugo mula sa pamangkin. Wala ring magawa si Lara sa nakikita sobrang sakit para sa kanya na makita ang kuya niya na unti-unting pinapatay sa harap niya. Hindi pa doon natapos ang pagpapahirap ni Rea kay Lance. Pinadaan ni Rea ang dulo ng matalas niyang kutsilyo sa pisngi ng pamangkin na parang sinusundan ang bakas ng luhang umaagos ngayon sa mukha ni Lance ganun rin ang ginawa nito sa kabila pa nitong pisngi. Walang awa niya itong ginagawa ng nakangisi pa at parang sayang-saya sa pagpapahirap sa pamangkin. Sobrang sakit ang nararamdaman ngayon ni Lance puno na rin ng dugo ang buong mukha niya at nanginginig pa ang kanyang mga tuhod. Hindi niya inaasahan na pagdadaanan niya ang ganitong sitwasyon. Pinunit ni Rea ang damit ni Lance gamit ang kutsilyo sabay lumayo siya ng bahagya at inihagis ang kutsilyo na tumusok naman sa gitna ng tiyan ni Lance habang umaalingawngaw naman ang halakhak ni Rea sa buong silid na iyon. Wala ng mailabas na boses si Lance sa sobrang sakit na nararamdaman. Nararamdaman na rin niya ang pag-agos ng dugong lumalabas sa kanyang katawan. Hindi pa nakuntento si Rea at kumuha pa ng isa pang kutsilyo at muli itong inihagis sa pamangkin na tumusok naman sa kaliwang dibdib nito. Nawawalan na siya ng hangin. Nararamdaman niya na ilang sandali na lamang ay mamamatay pa siya. Pero hindi pa doon natatapos ang kabrutalan ni Rea. Kumuha pa siya ulit ng lima pang kutsilyo at isa-isang ihinagis sa pamangkin. Ang una ay tumusok sa leeg ni Lance, pangalawa ay sa noo. Unti-unting naglakad si Rea papalapit sa pamangkin at hinugot ang kutsilyong nasa leeg nito sumirit ang napakaraming dugo na hindi na kinaya ni Lance na ngayon ay unti-unting nawawalan na buhay. Itinarak pa ni Rea ang hinugot na kutsilyo sa ibang parte ng leeg ni Lance at ang natitirang tatlong kutsilyo ay tinarak naman nito sa magkabilang braso ng pamangkin at ilang sandali pa nga ay nalagutan na ito ng hininga na ikinatuwa naman ni Rea.
Napakasakit sa mag-asawa na makita ang kanilang anak sa ganoong sitwasyon na halos hindi na nila makilala. Wala silang magawa sa kahayupang ginagawa ni Rea. 'Sinong gustong sumunod?Hahahaha' sambit ni Rea sabay baling sa kapatid. 'Ummmp Ummmp Umppp' ungol naman ni Lea sa gitna ng kanyang pagiyak. 'Awww my little sis nakakaiyak, oh before I forget may nakalimutan pala akong sabihin wala na sila Mommy at Daddy' sambit ni Rea na ikinabigla ng lahat.
BINABASA MO ANG
Acts Of Vengeance
Mystery / ThrillerNOT SUITABLE FOR YOUNGER READERS. READ AT YOUR OWN RISK.