Hingal na hingal siyang dumating sa kanilang bahay kumuha siya ng baso at inabot ang pitsel na may tubig.
Nangiginig ang kanyang mga kamay.
Basang basa na ang kanyang puting damit dahil sa kanyang pawis isama pa ang mga dugong tumalsik sa kanya.Malinaw na malinaw sa kanyang isipan.
Ang abandonadong lugar.
Mga kutsilyo,lubid at mga baril.Napaluhod na lamang siya at umiyak.
Wala na ang kanyang mga magulang.
Pinatay sila.
Pinatay sila kasama ang kanyang nagiisang Kuya.Malinaw na malinaw sa kanya ang mga pangyayari.
Naramdaman niya ang kirot ng kanyang mga sugat.
Nakikita na ang kaunting bahagi ng kanyang buto sa braso dahil sa matinding pagkakalaslas dito.Napakasakit.Napakakirot.
Hindi na siya makapagisip.Hinihiling niya na sana ay hindi siya nasundan ng mga ito.
Hirap siyang tumayo siya sa kanyang pagkakaluhod at pinunasan ang mga luhang halos sakupin na ang kanyang buong mukha.
Kailangan niyang maging malakas at maging matapang.Paulit ulit niyang naririnig sa kanyang isipan ang naghihingalong boses ng kanyang Ama.
'Anak tumakbo kana ! Huwag mong hayaang pati ikaw ay mapatay nila maging malakas ka maging matapang ka Anak para sa akin at para sa Mama at Kuya mo Ma-hal na mahal k-ita A-nak'
Nakarinig siya ng mga yabag paakyat ng hagdan mga dalawa o tatlong tao. Mukhang nasundan siya ng mga tauhan ng kanyang Tita Rea.
Dali-dali siyang tumakbo sa likod bahay hindi siya maaaring maabutan ng mga ito magiging matapang siya katulad ng sinabi ng kanyang ama.
Bago niya pihitin ang pinto para makalabas nahagip ng kanyang mata ang isang kutsilyo.
Naisip niya na hindi siya makakaligtas sa mga ito kung tatakbo lang siya ng tatakbo. Kailangan niyang maging malakas para mabuhay.Pagkatapos makuha ang kutsilyo nakarinig siya ng putok ng baril na umalingawngaw sa buong bahay 'Andito siya dalian niyo' sambit ng isang lalaki.
Dali-dali siyang lumabas ng bahay dala-dala ang nagiisang panangga.
Ibinuhos niya ang natitirang lakas upang mas bumilis ang kanyang pagtakbo.Narinig niya ang sinabi ng isa sa mga lalaki 'Wala ka ng pupuntahan nagiisa ka nalang' sunod sunod na nagpaputok ang mga ito.
Naririnig niya ang kabog ng kanyang dibdib sobrang lakas na animong nakikipagsabayan sa mga putok ng baril na kanyang naririnig.
Wala na siyang pupuntahan isang mataas na pader ang nasa harapan niya ngayon nararamdaman niya ang mainit na tubig na umaagos sa kanyang magkabilang pisngi 'Paano na paano na ako?' pabulong niyang sambit sa gitna ng kanyang pagiyak. 'Ma-hal na ma-hal k-ita Anak' muli niyang narinig ang boses ng kanyang Ama.Nang marinig iyo'y naitaas niya ang kanyang ulo galing sa pagkakayuko. Nakita niya ang nagiisang puno na halos kapantay ng mataas na pader maaari niya iyong akyatin.
'Magpakita kana wala ka ng matatakbuhan pa Hahaha' animo'y isang demonyong sigaw ng isa sa mga humahabol sa kanya, narinig niyang malayo pa ang mga ito.Dali-dali siyang lumapit sa puno na nagiisang pag-asa niya upang makatakas sa mga hayop na lalaking iyon. Buong lakas niya itong inakyat hindi na niya ininda ang kirot sa kanyang kanang braso na hanggang ngayon ay hindi tumitigil sa pagdurugo.
Nasa pinakahuling sanga na siya ng puno itinaas niya ang isa niyang paa upang maabot ang pinakataas ng pader mabuti na lamang at hindi ang kanyang mga paa ang naisipang hiwain ng taong walang habas na pumatay sa kanyang pamilya.Kahit walang lakas ang kanang braso ay naiakyat niya ang kanyang sarili sa pader na iyon 'Mukhang natakasan tayo' sambit ng isa sa mga lalaki 'Napakatanga mo wala na siyang mapupuntahan himala pa siyang makatakas sa taas ng pader na ito' sagot ng isa pang lalaki na hindi napapansin ang nag-iisang puno sa tabi ng pader na nasa madilim na bahagi ng bakuran napakadilim na rin kasi dahil mag aalas dose na rin ng gabi.
Dali-dali na siyang tumalon na hindi iniisip ang kanyang babagsakan nagpasalamat siya ng maramdamang sa dayamihan siya bumagsak
'Tara na mukhang natakasan tayo' narinig niyang sambit ng isang lalaki na sa tingin niya ay ito ang namumuno sa kanilang tatlo 'siguradong hindi na rin iyon magtatagal masyadong malalim ang hiwa sa kanang braso niya mauubusan iyon ng dugo' may pagkukumnbinsing sabi nito sa kanyang mga kasama na sinangayunan naman ng dalawa pang kalalakihan.Nang marinig iyon ay nabawasan ang kaba sa kanyang dibdib. Sobra na siyang nanghihina sa tingin niya ay hindi na kakayanin ng kanyang katawan na tumayo pa at tumakbo idagdag pa ang kirot na nararamdaman niya sa kanyang braso.
Umupo siya't kinuha ang kutisilyong ngayon ay nasa tabi niya na kanina niya pa hawak hiniwa niya ang dulo ng kanyang damit upang makakuha ng telang maaari niyang itapal sa kanyang braso na sa tingin niya ay sasapat na upang tumigil ang pagdurugo ng kanyang sugat nagdidilim na ang kanyang paningin, ng maitali ito ng mabuti tuluyan ng nawalan ng malay ang unica ija ng pamilya David.
BINABASA MO ANG
Acts Of Vengeance
Mystery / ThrillerNOT SUITABLE FOR YOUNGER READERS. READ AT YOUR OWN RISK.