Nang imulat ni Lara ang kanyang mga mata, naramdaman niya ang malambot na kama sa kanyang likuran. Inilibot niya ang kanyang paningin. Ngayon ay nasa isa siyang malaking kwarto. Bumalik sa kanyang ala-ala ang mga pangyayari, ang paghabol sa kanya ng mga tauhan ng kanyang Tita Rea at ang pagkamatay ng kanyang mga magulang at ng kanyang kuya. Napatingin siya sa pinto ng bumukas iyon 'O ineng gising kana pala' sambit ng babaeng kaharap niya ngayon, mahahalata mo na ito'y may katandaan na. 'Ayos naman po, sino po ang nagdala sa akin dito? At sino po pala kayo?' tanong ni Lara sa matanda. 'Tawagin mo na lamang akong Nanay Sally, kaya ka napunta dito e natagpuan ka ni Manong Oscar doon sa bukid na duguan, akala nga namin e wala ka ng buhay ng idala ka rito, O kamusta na nga pala ang mga sugat mo?' may pagaalalang tanong ng matanda. Tiyaka lamang niya napansin ang sugat niya sa kanang braso na ngayon ay nakabenda na. 'Maayos naman na po, salamat po pala' sagot niya. Muling bumalik sa kanyang isipan ang sinabi ng Ama 'Anak lumaban ka para sa amin ng Mama at Kuya mo' 'Pa, natupad ko na po nakaligtas po ako pero hindi ko po maipapangako sa inyo na maipagpapatuloy ko ang buhay ko ng wala kayo' sa isip ni Lara. 'Halika ka na tayo'y kumain na kailangan mong magpalakas, at ikuwento mo na rin sa akin kung ano ba talaga ang nangyari sa'yo'.
Nakaupo sila ngayon sa harap ng bilog na mesa na kinalalagyan ng mga pagkain. Nanatili lang na tahimik at tulala si Lara at parang walang ganang kumain. Ikinuwento niya ang lahat ng pangyayari sa matanda, at ito nama'y lubos na nanlumo sa mga narinig. Habang kinukuwento ito ni Lara ay hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha. Sobrang sakit ng kanyang nararamdaman. Hindi naman maitago ng matanda ang habag na nararamdaman niya sa batang si Lara ng ngayon ay lubos ng ulila.
Kinagabihan nga ay umugong ang balitang pagpatay sa pamilya David. Nasa sala noon si Lara at Nanay Sally ng ipalabas ito. Hindi naman mapigilan ni Lara ang mga luhang gustong kumawala sa kanyang mga mata habang nakikita sa telebisyon ang katawan ng kanyang mga magulang na halos hindi mo na makilala dahil sa brutal na pagkakapatay dito at mas lalo siyang nanlumo sa sinapit ng kanyang Kuya awang-awa siya rito. Napuno ng sakit ang kanyang dibdib, at halos maiyak na rin si Nanay Sally sa mga nakikita. Bumuhos na ng tuluyan ang mga luhang kanina pa nagbabadya sa mga mata ni Lara. Sobrang sakit na halos siya ay pinapatay na rin. Palakas ng palakas ang hagulgol ni Lara, na napayakap nalang ng mahigpit sa matanda. Lalo pang nadagdagan ang bigat sa kanyang dibdib ng malaman na nakatakas ang kanyang Tita Rea at mga tauhan nito na ngayon ay pinaghahanap pa rin. Pati na rin siya na hinahanap na rin ngayon ng mga awtoridad. Nang marinig ito ni Nanay Sally ay walang patumpik-tumpik niyang sinabi na 'Hindi, hindi ka magpapakita sa kanila Lara. Mananatili ka sa akin, aalis tayo rito sa lugar na ito sabay patay sa telibisyon. Nagtaka naman si Lara kung bakit ganito na lamang ang pagmamalasakit na ipinapakita sa kanya ng matanda. Sumang-ayon naman siya sa kagustuhan nito. Pipilitin niyang magpatuloy sa buhay sa kabila ng mga nangyari. Ngunit hindi niya masisigurado kung magagawa niya ito ng tuluyan dahil na rin sa sakit na nararamdaman ngayon. Napagpasyahan nilang magpahinga na, nais pa nga siyang samahan ni Nanay Sally sa kanyang kuwarto ngunit hindi niya na ito pinayagan para na rin makapagpahinga ito ng maayos. Sinabi rin nito na bukas na bukas rin ay aalis sila ng bansa. Napagalaman ni Lara na hindi na nakakasama ni Nanay Sally ang kanyang mga anak dahil na rin may mga sarili na itong mga pamilya at nasa ibang bansa pa at ang asawa naman nito ay matagal ng sumakabilang buhay kaya ganoon na lang rin siguro ang pagmamalasakit sa kanya ang matanda dahil nangungulila ito sa kanyang mga anak.
Pumasok na siya ng kwarto, hindi niya na maramdaman ang sakit at kirot ng kanyang mga sugat dahil mas masakit pa ang nararamdaman niya ngayon na pilit na dinadala ng kanyang dibdib. Naupo siya sa kama at sumandal kinuha niya ang kumot at ipinatong sa kanyang binti.
Sobrang sakit, na halos kinukuwestyon nya na ang Diyos kung bakit binuhay pa siya. Bakit hindi nalang siya pinatay din. Mas gugustuhin pa niya iyon kesa maramdaman ang sakit na dinaranas niya ngayon. Ang sakit isipin na wala na ang kanyang mga magulang, lolo't lola at ang kanyang nagiisang kuya. Hindi siya tumitigil sa pag -iyak, mugtong-mugto na ang kanyang mga mata.
Habang umiiyak ay nakita niya ng paulit-ulit sa kanyang isipan ang sinapit ng kanyang pamilya. Ang sakit na nararamdaman niya ay hindi niya na mapigilan. Sakit na nagiging poot at galit. Poot at galit sa mga taong gumawa nito sa kanila. Poot na nagaapoy sa kaniyang dibdib. Naitikom niya ang kanyang mga palad habang pinupunasan ang mga luhang ayaw tumigil sa pagagos. Poot at galit na halos lamunin na ang kanyang buong pagkatao.
BINABASA MO ANG
Acts Of Vengeance
Mystery / ThrillerNOT SUITABLE FOR YOUNGER READERS. READ AT YOUR OWN RISK.