Lara's POV
Mabilis lumipas ang mga araw. Hindi ako lumalabas ng kwarto mula ng maganap ang pangyayaring iyon. Nababahala na si Nanay Sally sa kalagayan ko. Habag na habag siya ng marinig ang balitang wala na si Jane. Ang nag-iisa kong kaibigan. Kahit nung burol at libing niya ay hindi ako pumunta. Napupuno ako ng galit. Sobrang naging mabait sa akin ni Jane. Dahil sa akin nawala siya. Kaya hindi ako papayag na hindi ako makaganti sa mga hayop na iyon.
Inalam ko kung sino-sino ang mga gumawa 'non sa kanya. Carl, Darryl, Erik, France, at Geo. Iisa-isahin ko kayo. Inalam ko ang bawat detalye sa buhay nila kung saan sila nakatira at kung ano-ano pa. May binayaran ako para alamin ang mga ito. Lingid ito sa kaalaman ni Nanay Sally. Mapatawad niya sana ako sa gagawin ko. Galit ang namumutawi sa dibdib ko ngayon. Walang puwang ang awa ni katiting.
Ngayon gabi ko gagawin ang una kong hakbang sa paghihiganti ko. Ang una kong biktima. Carl Vergara. Mahilig sa gimik, kadalasan sa bar. Inayos ko na ang sarili ko. Humarap ako sa salamin. Sigurado akong di siya makakatanggi sa karisma ko. Nakasuot ako ngayon ng simpleng dress na sobrang hapit na mahahalata mo ang kurba ng katawan ko. Kinuha ko ang dalawang patalim at nilagay sa taling nakakabit sa magkabila kong hita. Kinuha ko ang Cellphone ko ng mag ring iyon. 'Hello, andito na siya ngayon Ma'am' sambit ng baristang binayaran ko para sa mga impormasyong kailangan ko. 'Okay, salamat' binaba ko na at muli kong sinulyapan ang sarili ko sa salamin. 'Let the battle begins'
Umalis ako ng bahay ng walang nakakapansin. Pinara ko ang unang taksing dumaan sa lugar namin. Bago ako bumaba kinuha ko ang maliit na salamin sa pouch na dala ko at tska naglagay ng red lipstick. Sabik na akong mapatay ka Carl Vergara. Pagpasok ko agad akong pumunta sa bar area kung asan nandoon ang baristang binayaran ko. Agad akong nag-order ng maiinom, pangpagana lang. Inabot ko na ang perang ipinangako ko sa uto-utong baristang ito. Hihintayin kong mapansin ako ni Carl sigurado naman akong hinding-hindi niya ako makikilala. Pinanood ko lang siyang sumayaw at sumabay sa malakas na tugtog. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya agad naman akong napangisi ng sundan ko ang mata niya kung saan siya nakatingin. Sige masilaw ka sa binti ko hayop ka. As expected lumapit siya sakin at nginitian ako at sa inaasahan ko rin hindi niya ako nakikilala. Sige lang magpakasaya ka muna ngayon. 'Hi, Im Carl' sabay kindat niya at lahad ng kamay sa akin. Kinuha ko naman 'to 'Im Sam' pagiiba ko ng pangalan. 'Ang ganda mo' sabi niya pa sabay lapit pa sa akin ng kaunti at sabay hawak sa binti ko. Masyado kang mabilis hayop ka , well gusto ko rin yan para hindi na ako mahirapan kating-kati na ang kamay ko para patayin ka. Lasing na lasing na rin siya dahil sobrang pungay na rin ng mata niya. Nandidiri na ko sa mga hawak niya. 'Babe wag dito please' pagpigil ko sa kanya ng hahalikan niya na ako. 'Okay Babe saan mo gusto tara?' sambit niya. Mapapatay muna kita bago ka makaisa sakin hayop ka. 'Kahit saan mo gusto' sambit ko na ikinatuwa naman niya. Agad naman kaming nagtungo sa sasakyan niya.
Ako na ang nagdrive para maging madali na sa akin ang gagawin ko. Ang alam niya pupunta kami sa pinakamalapit na motel. 'Babe I want you now please' sambit niya. Ako din gustong-gusto rin kita. Gustong-gusto na kitang patayin hayop ka. 'Maghintay ka lang, gusto mo dito na natin gawin?' Dito ko nalang gagawin kating-kati na talaga ang kamay ko. Hininto ko ang sasakyan sa madilim na parte ng daan.Tinted rin ang sasakyan ng gago kaya magiging madali para sa akin to. Lumipat siya sa backseat at sumunod ako.
Agad niya akong hinila at hinalikan, napakandong naman ako sa kanya kung saan-saan na rin dumadapo ang kamay niya. Nandidiri na 'ko. Konting tiis na lang paliligayahin muna kita. Naramdaman ko na mas mariin ang bawat paghalik niya. Mas nasasabik. Napahawak na lang ako sa likod ng kanyang ulo. Pilit 'kong sinabayan ang diin ng bawat halik niya. Naramdaman kong Ihihiga niya na sana ako ng pigilan ko siya. 'Huwag kang masyadong magmadali' usal ko sa kanya. Hinubad ko ang polo na suot niya tska siya inihiga.
Sabik kong kinuha ang kutsilyo sa kanang binti ko na ikinagulat naman niya. 'Ano yan? anong gagawin mo sa akin?' parang nawala ang pagkalasing niya ng makita ang patalim sa mga kamay ko. Bago pa siya makagawa ng kilos ay tinarak ko agad ang patalim na hawak ko sa kanyang pusod. Napahiyaw siya ng ibaon ko ito ng tuluyan. 'Hayop ka! Wala kang awa kinuha niyo sa akin ang kaisa-isa kong kaibigan' Sambit ko kasabay ng pagtulo ng aking mga luha 'W-ala a-kong alam sa sinasabi mo' hirap na usal niya 'Wala? Sa kababuyang ginawa niyo sa kaibigan ko?' sambit ko habang pinipilit pigilin ang mga luha ko hindi ako maaaring maging mahina ngayon para ito sa kaibigan ko. 'Si Jane, pinatay niyo siya mga hayop kayo!' galit na sigaw ko pa sa kanya 'L-ara?' gulat pang sambit niya 'Oo ako nga' sambit ko habang dahan-dahan pang idinidiin ang patalim sa pusod niya. Hindi na rin siya makabangon pa dahil sa sakit na dulot ng pagkakasaksak ko kanya isipin mo pang lasing siya. 'Ma-awa ka' mahinang sambit niya. 'Maawa? Maawa ba kamo?'
sambit ko habang kinukuha ang isa pang kutsilyo sa binti ko. Hindi ko na siya hinayaan pang makapagsalita. Nakaluhod ako habang hawak ang patalim. Naririnig 'kong pabilis ng pabilis ang paghinga niya. Biglang lumitaw sa aking isipan kinahantungan ng katawan ni Jane, dahil dito mas lalo akong nagalit. Pinuno ko ng saksak ang kanyang mukha. May pwersa ang bawat pagbaon ng patalim. Nagmistulang kuko ng pusa ang hawak 'kong kutsilyo dahil sa mahahabang sugat na natamo niya. Mulat siya at nakikita niya kung gaano katindi ang gakit ko. Dahil dito naisipan 'kong puntiryahin ang kanyang mata. Buong lakas 'kong tinarak ang kutsilyo na bumaon naman sa mata ganoon rin ang ginawa ko sa kabila. Madaming dugo na rin ang tumalsik sa akin. Nanginginig ang mga kamay ko ng makita ko ang kabuuan niya ngayon. Agad akong lumabas ng kanyang kotse at pinunasan ang mga dugong tumalsik sa akin. Sinigurado ko rin na walang bakas ng fingerprint ko ang naiwan sa loob na kotseng iyon.Madali akong umalis sa lugar na iyon sinigurado kong walang nakapansin sa akin. Dumating ako sa bahay na parang walang nangyari. Tinignan ko ang orasan ko sa kwarto it's exactly 1:00am in the morning. Jane simula pa lang 'to.
One down. Four people to go.
BINABASA MO ANG
Acts Of Vengeance
Misteri / ThrillerNOT SUITABLE FOR YOUNGER READERS. READ AT YOUR OWN RISK.