Kabanata 11 - Ikatlong Biktima

3 0 0
                                    

Lara's POV

'Sino ang gustong sumunod?' tanong ko sa tatlo pang natitira. 'Tama si Geo Lara wala ka ring pinagkaiba sa amin mas hayop ka!' matapang na sagot ni Erik pero hindi katulad ni Geo hindi ito nakatingin sa mga mata ko. 'Talaga? Thank you I take that as a compliment' sagot ko naman kaya napatingin siya sakin. 'Hindi ka nga talaga namin kilala Lara, sino ka ba talaga? sambit pa uli nito.

'Katulad niyo hindi ko rin kilala ang sarili ko hindi ko rin alam kung sino ba talaga ako' bigla akong nakaramdam ng panghihina. Napaluhod ako. 'Hindi niyo alam kung ano ang pinagdaanan ko.' Naramdaman ko na naman yung sakit. Pinaramdam niyo ulit sa akin yung  sakit na naramdaman ko 2 years ago.  Pinaramdam niyo ulit sa akin kung gaano kasakit mawalan ng mahal sa buhay. Hindi ko na nga yata talaga kilala ang sarili ko.

Noong nawala sila, parang nawala na rin ako. Masyado akong nabalot ng sakit 2 years ago pinatay sila. Ang mga magulang ko lolo't lola at ang nag-iisa 'kong kuya. Pinaramdam niyo ulit sa akin yung sakit na ayoko ng maramdaman pa.' sambit ko at hindi ko na napigil pa ang luha sa aking mga mata.

Tumayo ako, at pinunasan ang pisngi ko. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay napapalitan ng galit. Galit na hindi ko makontrol.

'Kayo ang may kasalanan nito, kung naawa lang kayo noon sa kaibigan ko hindi ko ulit mararamdaman 'to. Dahil sa kanya unti-unti ko ng natatanggap ang pagkawala ng pamilya 'ko. Akala ko makakalimutan ko na ang bangungot ng nakaraan ko. Pero hindi pala, dahil may mga katulad niyo!' hindi ko maipaliwanag kung paano unti-unting namumuhay sa dibdib ko ang galit.

'Lubos akong nagpapasalamat kay Jane kasi, kahit sa sandaling panahon naramdaman ko na may tao pang gustong tumanggap sa akin kaya gagawin ko rin ang lahat para mabigyan siya ng hustisya' sambit ko sabay hatak sa upuan ni Erik papalapit sa akin.

'Hindi ko kayo mapapatawad sa ginawa niyo sa kanya!' mariin 'kong sambit habang kinukuha ang patalim sa leeg ni Geo. 'Nagkamali kami, alam namin 'yon handa na sana kaming sumuko pero hindi namin inaasahan na ganito pala ang kalalagyan namin' sambit niya na parang tanggap na ang mangyayari sa kanya. 'Hahahaha, totoo ba? Wag niyo akong lokohin' sabay saksak ko sa tagiliran niya. 'Ngayon niyo pa talaga nakita ang pagkakamali niyo? E bakit hindi niyo yan ginawa nung may napatay din kayong estudyante dahil dyan sa pambubully niyo ha!?' sabay sampal sa kanya ng malakas. 'Wag mo ng subukang umarte pa Erik, hindi ako naaawa sayo masyado kang matalino para gumawa pa ng kuwento at dahil dyan eto ang bagay sayo' sambit ko sabay tarak ng isa pang patalim sa kanyang sintido na binaon ko pa at idiniin sabay dahan-dahang inikot. Halos lumuwa ang mata niya dahil sa sakit. Bumubuhos na rin ang dugo niya sa tagiliran. Wala akong pakielam kung matalsikan ako ng dugo niya. Wala rin akong panahon para maawa. Naramdaman kong humihinga pa siya kaya kinuha ko ang baril ko at itinapat ng malapitan sa kanyang noo tska ipinutok. Pagkatapos 'non ay itinulak ko ang silya kinauupuan niya. Tuwang-tuwa 'kong tinignan ang kabuuan niya. Namatay siyang dilat ang mga mata.

Acts Of VengeanceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon