A/N: please read the babala part mga lovelies. Very first page po. This story defies the norm of the usual love story.And be warned.
I thank you. 😘😘
-------------------------------
Prologue
June 1995
He heard it first.
The pounding of flesh against flesh. The cries of pain or passion intermingled with grunts of effort. The harsh strike of wood as the bed and the wall beat against each other while the occupants continued what they were doing.
His mom and his dad were inside that room.
Natutulog na si Kathy sa kanyang kwarto habang siya naman ay nakasiksik sa kanyang maliit na kama at pinipilit ang sarili na tumigil sa pakikinig.
Itinakip niya ang kanyang dalawang palad sa magkabilang tainga ngunit sadyang malakas ang dating ng ingay, nakakabingi, nakakatakot.
Hindi niya alam kung gaano na sila katagal doon sa loob, pero para sa kanyang batang puso, parang ang tagal-tagal na. Sobrang tagal na.
Gusto niyang pasukin ang loob. Gusto niyang saktan ang papa niya, gusto niyang itigil ang lahat, kaso hindi niya magawa. Wala siyang lakas ng loob para gawin kung ano ang gusto niya.
Marahil ay inisip ng mama niya na tulog na silang pareho ni Kathy, pero ngayong gabing ito, hindi siya makatulog.
May kakaiba sa hangin. May nagbabadyang kasamaan kaya't nanatili siyang nakamulat. Hanggang sa magsimula na nga ang ingay.
"Pyre.. Pyre.. No! Yes! Ah God.." boses iyon ng mama niya.
Pero bakit ganun? Parang namamaos, parang nahihirapan?
Bakit pakiramdam niya ay takot na takot siya sa hindi maipaliwanag na paraan?
Sinabi ni Tito Iñigo na kailangan niya daw alagaan ang mommy niya pero hindi niya magawang lumabas. Hindi niya alam kung anong gagawin. Nakakapangilabot ang mga tunog na naririnig niya sa kabilang panig ng pader.
"Mama.. I'm sorry. Mama.." umiiyak siya habang nakikinig sa mga tunog na iyon.
"Please.."
"Do you want me to stop?" tanong ng papa niya.
"No... Yes.. I don't know. Fuck you."
"Oh I will. I will definitely fuck you."
Hindi niya maintindihan kung ano ang ibig sabihin nun pero nang gabing iyon din, may nangyari sa kanya.
Ang munting puso niya ay unti-unting nababalot ng hindi niya maipaliwanag na bagay. Parang malamig, isang kakaibang bagay na tinutulungan siyang kalimutan ang takot at ang sakit na dinaramdam.
"Rena.. Rena.. I'll kill you. I'll kill you, you fucking bitch! Ahhhh..." sigaw ng papa niya.
"Stop... Please.. Papa stop.. Mama stop.. Please.." ang malamig na bagay sa kanyang dibdib ay nagsimulang lumaki. Lumaki ng lumaki hanggang sa wala na siyang maramdaman. Parang namamanhid ang kanyang buong pagkatao.
Lalong bumilis at lumakas ang pagbayo sa pader. Ang mama niya ay naririnig niyang nagpapakawala na ngayon ng maliliit na halinghing. Isang malakas na sigaw ang bumasag sa katahimikan na kahit si Kathy ay kumilos din at nagising.
Hanggang sa biglang natigil ang lahat. Wala nang tunog, wala nang ingay, walang nang nagsasalita.
Kahit ang hangin ay animo'y natigil sa pag-ihip.
"Mama?" bulong niya.
Wala na.
Humikbi si Katherine. Hikbi na nauwi sa marahang mga sigok hanggang sa maging isang malakas na malakas na ngawa.
"Stop it Katherine. Stop your crying immediately!" sigaw niya.
"I want my mama. I want mama." iyak nito.
"Shh.. He will hear you." bulong niya dito.
"Who will?"
"Just stop okay? Go to sleep. I'll see if I can wake mom up. Dito ka lang." mariin niyang saad sa kasama.
Hindi niya naman talaga kapatid si Kathy, dinala lang ito dito bigla ni Tito Iñigo ilang linggo na ang nakararaan. Namatay daw kasi ang tunay nitong ina kaya't kinupkop na nila. Tinuring itong anak ng mama niya kaya itinuring niya na din itong kapatid.
Ngunit may pagkakataon, gaya ngayon na kung saan, sadyang nakakairita ito kaya't nakakalimutan niyang maging mabait.
"Yes Ichi.. Bilis."
Dahan-dahan siyang tumango saka naglakad palapit sa pinto. Nag-alangan pa siya nang pipihitin niya na iyon kaya't nagalit siya sa sarili. Hindi siya duwag. Tinuro ng mama niya sa kanya na mas mabuti nang mamatay kaysa maging duwag. Wala daw sa dugo nila ang pagiging mahina ng loob.
Lumabas siya at naglakad patungo sa kwarto ng mama niya. Tumigil siya sa harap niyon pero hindi siya pumasok. Sa halip, sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, sumilip siya sa maliit na butas sa seradura at sinipat ang loob.
Ganun pa rin ang itsura ng kwarto. Wala man lang kahit isang bagay na wala sa ayos. Lalo siyang kinabahan.
Kahit sa bata niyang isip, ramdam niya na hindi natural ang mga bagay-bagay. Sa lakas ba naman ng ingay kanina, bakit wala man lang kahit anong kilos na namamataan sa loob?
Sa kanyang pagsilip, biglang may anino na tumabing sa kanyang paningin. Nagsalita ang anino.
"I'm sorry Rena. I'm sorry that it has come to this. May you rest in peace." pagkatapos ay binuksan ng anino ang bintana. Ngunit bago iyon lumabas at mawala sa kailaliman ng gabi, tumigil ang papa niya at inilibot ang paningin sa paligid. Pagkatapos ay tumingin ito sa maliit na butas na kung saan siya nakasilip.
Imposibleng makikita nito ang kulay abong mata ng kanyang anak, ngunit nawala ang pagdududa sa isip ni Ichiro ng biglang ngumiti ito at sumenyas sa kanya na huwag maingay dahil tulog na ang mama niya.
Napasinghap siya sa nakita. Mukhang tulog na nga ang mama niya dahil hindi na ito kumikilos. Baka napagod dahil sa ginawa nito ng papa niya.
Bumuntong-hininga siya bago naglakad pabalik sa kwarto. Tulog na ulit si Katherine sa sarili nitong kama. Ang mumunti nitong bibig ay bahagyang nakabuka.
Mabigat ang mga hakbang na lumapit siya sa sariling kama at nahiga.
May kakaiba.
Ngunit hindi nagtagal at bumigat din ang kanyang mga mata. Unti-unti na siyang hinihila ng pagtulog sa mundo ng mga panaginip.
Ang hindi niya inaasahan ay ganito: na sa paggising niya, wala na siyang ina at ganun din, na wala na siyang maalala.
Na kahit ano.
***
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)
General Fiction"I don't even know what kind of game you said." he stated matter of factly. "Ang mechanics ng game ay ganito, magsasalitan tayong magsalita ng mga bagay na hindi pa natin nagawa. Halimbawa, 'Never have I ever played hockey'. Ganun ka-simple!" "Gan...