[71] #100STHHOneLastTRY

44.2K 1K 1K
                                    



Chapter 71

Hope's POV

"Hope, excited ka na ba anak?" Tanong sa akin ni Mama.

"Kinakabahan ako, Ma." Nginitian lang niya ako. "Tama ba 'tong ginagawa ko? Ma ang bata ko pa. Kakagraduate ko lang ng high school, magpapakasal agad ako? Ano ba 'tong ginagawa ko Mama. Alam kong bobo ako, pero kabobohan ba 'tong ginagawa ko? Ma?" Hindi ko alam bakit ako nagpapanic, kinakabahan ako, hindi ako mapakali.

Dalawang araw na lang kasi kasal ko na.

"Anak. Normal lang sa edad mo na kabahan. Normal lang yan ilang araw bago ang kasal. Naramdaman ko din yan sa papa mo."

"Pero paano nawala, Ma? Mahal ko si Enzo pero natatakot ako. Ano ba 'tong pinapasok ko?"

"Anak, hindi din madali para sa amin ng Papa mo na payagan kang ikasal. Sa tingin mo ba papayag kami? Pero... noong kinausap kami ni Enzo, noong pinaliwanag niya sa amin yung kalagayan niya, noong sinabi niya kung gaano ka niya kamahal, ano pa bang magagawa namin? Tanda ko kapag nagvivideo call tayo yung background ng kwarto mo poster ni Enzo." Ay, aray ko po Ma ibisto ba naman daw ako? "Dati 'pag nagkekwento ka hindi mawawala si Enzo. Kaya noong nalaman namin lahat, hindi namin alam kung matatawa kami, masusurprise o magtataka kung saan ka kumuha ng anting anting o gayuma eh." Medyo alam ko na ata kung saan ako nagmana?

"Kidding aside, anak... ang tanong lang naman diyan ay mahal mo ba si Enzo?"

"Opo, Ma. Sobra. Hindi na lang siya poster sa kwarto ko... siya na talaga ang katabi ko sa kama." Tapos biglang sumama ang tingin sa akin ni Mama.

"ABA'T!!!"

"Joke lang! Ikaw naman! Joke lang!" Hindi niya alam dalagang tunay na talaga ang anak niya.

"Basta, mahal mo ang isang tao, gusto mo siyang makasama habambuhay, ba't ka pa nangangamba? Magpapakasal lang naman kayo. Pagkatapos noon, pwede mo pa rin naman gawin lahat ng gusto mo gawin. Pero this time, nandiyan siya. Hindi ka na magiisa. Never ka na magiisa. Kasi may kadugtong ka na, may kabiyak ka na."

Napapangiti ako sa lahat ng sinasabi ni Mama. Kabiyak. Kahati ng puso. Kasama sa lahat. Yun lang naman ang gusto ko eh.

"Pero, Ma... paano kapag... paano kapag nawala na siya, Ma?" Tapos yun na, tuloy tuloy ng tumulo ang luha ko. "Ang saya isipin na nandiyan lang siya, ang sarap isipin na hindi na ako magiisa. Pero paano kapag nasanay ako na nandiyan siya tapos biglang mawala siya? Ma, anong gagawin ko? Tama ba 'tong gagawin ko? Parang sasaktan ko lang ang sarili ko." Niyakap na lang ako ni Mama. Ramdam kong medyo nanginginig din ang boses niya.

"Anak, hindi natin alam ang mangyayari. Pero magtiwala tayo. At hanggang nandito pa siya, mahalin mo siya. Mahalin mo siya ng buong buo para wala kang pagsisihan. Mahalin mo siya hangga't may pagmamahal ka pa, kasi mabuti ang panginoon, hindi ka niya pababayaan. Hindi ka niya bibigyan ng kung ano mang problema na hindi mo kayang harapin. Magtiwala ka lang."

Nagiiyakan na kami doon ng biglang pumasok si Papa at Ate.

"Anong drama 'to?" Biglang sabi ni Papa. "Ang hirap talaga na ako lang ang lalaki sa bahay na 'to... puro drama drama drama!" Reklamo ni Papa.

"Eh kung umalis ka na kaya sa pamamahay na 'to para wala ng drama drama drama?" Sagot naman ni Mama.

"Ikaw naman Mama hindi ka na mabiro. Ano ba namang saya ng buhay kung walang drama? So, ano ba ang eksena dito at nagiiyakan kayo?"

"Si Hope kasi natatakot na magpakasal."

"Aba bakit Hope? May multo ba sa simbahan? May aswang ba don?" Sinamaan ko lang ng tingin si Papa.

100 Steps To His Heart [Published Book]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon