Claire: 15 yrs old, maganda matalino, pero kilalang gangster. Isa syang leader ng isa sa pinakamahusay sa gang sa pilipinas, ang "No Escape" ang tawag sa kanya ng group ay "silverheart". May mabuting kalooban pero hindi halata
Sam: maganda, mabait, matalino, may pagkachildish pero mabaitClaires povs
Ipinatawag ko ang lahat ng members sa binuo kong gang dahil may isang gang na humahamon sa galing namin, dahil lumalaban kami ng patas. At isa pa, hindi pa kami nagagalusan kahit isang beses. Mga 10 minuto sila dumating. at ng makompleto na kami ay nag umpisa na akong magsalitaClaire:Maghanda kayo dahil may makakalaban tayo na magaling, pero mas magaling parin tayo tandaan nyo yan! Walang makakatalo satin!
Jake: pwede ba magpahinga muna? Kakalaban palang natin kahapon ahh
Claire: Dba sinabi ko na maghanda kayo! Kaya ayon ang susundin nyo!
Sila: sige silverheart! Aayusin na namin ung sarili namin
Claire: Yan! Ganyan! dapat lagi kayong ganyan! Para di tayo nagkakaproblema! Sge na!
Noong matapos na kami ay pumunta na kami sa lugar kung saan kami lalaban, at ng maaninag na namin ang kalaban ay naghanda na kami at sumugod na sila.
Sila: yyyyaaaaahhhhhhh
No escape: YAAAAHHHH
Ang laban namin ay leader sa leader at kung sino gusto mong makalaban sa kanila. Nagsimula na ang laban at matapos ang ilang minuto ay natapos na ang laban at nanalo na naman kami ng walang ni isa sa amin ang nagagalusan o nasasaktan.
*
KINABUKASAN*
Nang papasok palang ng paraalan si sam ay nakita nya ang babae na nakasandal sa pader at may hawak na kung anong pamalo na nakalagay sa balikat nya. Nakatingin lamang sya sa harap na tila may hinihintay
Claire Povs
Naghihintay ako dito mag isa malapit sa school namin at ang hinihintay ko ay isang grupo na gusto akong labanan pero di ko alam kung ano ang dahilan. Ng ilang minuto ang lumipas ay dumating na sila at walang hawak na kahit ano mang armas. Tsk tsk ang inaakala siguro nila matatalo nila ako, pwes kahit lima sila kayang kaya ko silang labanan lahat. Pacool na naglalakad ang mga lalakeng ito, at habang papalapit na sila ng papalapit ay biglang sumugod ang nasa unahan at bigla akong inatake, akmang susuntukin ako sa muka pero nasangga ko ito ng kamay ko at sya ang nasikmuraan ko, pero di parin siya nadadala kaya pinukpok ko sa ulo niya ang hawak ko. Ng bumagsak na siya nagsimula na akong palibutan ng tatlo niyang kasama pero napabagsak ko sila. Hinahanap ko ang isa nilang kasama kase lima sila, pero ng umikot ako sa likod ay nakita ko syang may hawak na baril at nakatutok sa ulo ng babaeBoy: ibigay mo sa akin ung cd na kinuha ng mo, kung hindi, tutuluyan ko tong babaeng to!
Claire: ahh so yun pala ung kailangan nyo, eh bat di mo sinabi agad edi sana........ (ngumiti ako sa kanya)
Ng saksakin sya ng lalaking nasa likod nya saka ko sinabing
Claire: edi sana pinatay kita agad
Ang sinasabi kong lalake na nasa likod niya ay myembro rin ng no escape kaya tinulungan nya ako. Ng mabitawan na ng lalake ung babae ay agad tumakbo papalapit sa akin ung babae na umiiyak