Di mo man pansin
Ngunit ikaw ang sinisigaw nitong damdamin
Gusto ko mang' umamin
Ngunit ayokong mapalayo ka saakin
Laging nakasulyap sayo
Hinihintay kung titingin ka rin ba sa direksyon ko
Dahil sa isang tingin mo
Buo na ang araw ko
Walang ibang hihilingin
Ikaw at ikaw parin
Kahit na alam kong saakin ika'y walang pagtingin
Dahil iba ang sinisigaw ng iyong damdamin
Kay bilis pagtagpuin ng tadhana
Kay bilis ding magiging alaala
Salamat naren dahil naging parte ka ng aking daigdig
Kahit na alam kong sating dalawa'y ako lang ang Magisang Umiibig.