“Tumilapon ng ilang dipa ang lalaki at parang lantang gulay na humandusay sa kalsada. Bali ang tadyang at umaagos ang dugo sa ulo mula sa pagkakabagok. Ittakbo sana siya sa kalapit na ospital ng drayber ng dyip kaya lang ay hindi ito nakaligtas sa galit ng taong – bayan.
Singbilis ng mga pangyayari ang pagdami ng mga tao sa pilligid at pagresponde ng mga reporter. Sinubukang makapanayam ng mga reporter ang drayber ng dyip ngunit umungol lamang ito, hindi makapagsalita dahil duguan at magang – maga ang mukha. Nadismaya ang reporter sa naging tugon nito sa kanya kung kaya’t tinanong n lamang nito ang isa sa mga dumumog sa drayber.
“bakit ho ninyo binugbog ang lalaking ito?” tanong ng reporter.
“eh nabangga niya ho kasi yung lalaking biglang tumawid” sabay kamot ng ulo.
“may tumawag na ba ng ambulansya?”
“meron na ata”
Isang oras ang lumipas, wala pa ring dumarating kung kaya’t minabuti ng reporter na tumawag sa ospital. Wala pa raw tumatawag sa kanila. Makalipas ang ilang minuto ay sabay na dumating ang ambulansya at mga pulis. Walang anu – anong dinampot ng mga pulis ang duguang drayber at dinala ito sa bilangguan. Nilapitan ng duktor ang lalaking nabangga. Hindi na ito humihinga. Dumami lalo ang mga tao sa paligid.