Ang Lampa Kong Boyfriend

140 2 0
                                    

Si Charlene Dela Vega ay maganda, sexy, matalino,mayaman at isang... ahh..gangster? Papatol sa nerd at lampang lalaking tulad ni John James Cruz? Parang imposible ata? Pero sabi nga nila, there's no such thing as impossible lalo na sa pagmamahal."Expect the unexpected" sabi nga ni Charlene. Pero...

Magwowork nga ba ang relationship nang isang gangster at isang lampa? 

Charlene's POV

"Pano nga ba ako napasok sa gusot na ito? Dati, isa lang akong cold at matapang na gangster pero ngayon, hindi ko na ata kaya pang maging ganun pa. Kelan pa nga ba ako naging sweet at matatakuting gangster?" tanong ko sa sarili ko habang naglalakad papuntang gate. 

"Babe!" 

Napatingin ako at nakita ko si John James Cruz. Ang aking gwapo at hmmn.... lampang boyfriend na papalapit saken. 

Napangiti ako pagkakita sa kanya.

"Tanda ko na pala, simula nang mahalin ako ng isang John James Cruz at mahulog ang loob ka sa lalaking kasinglampa niya. Pero lampa man siya at gangster ako, wala naman akong nakikitang problema don kasi nagmamahalan kami." sagot ko sa sarili ko. 

Hindi ako makapaniwala na nang dahil sa isang stupid dare ng kapatid kong si Angeline, mararanasan kong magmahal, masaktan at mahalin ng isang katulad ni James. 

1 year ago...

Time Check-10:00 PM

Ang agap pa pala. Asan ba yung mga kasama ko?

Tumingin ako sa bar stool, ayun ang buso kong kapatid na si Angeline may nanlalandi na naman sa kanya. Sa dance floor, ang kakambal ko na si Sharlene at ang friend kong si Stephanie, nakikipagsayaw na naman kung kani kanino. At si Jeni? Ayan, sa tabi ko, nakasimangot. Pumunta lang ata dito kasi pinilit namin. 

Tinap ko siya sa shoulder. 

"Labas muna ako." sabi ko sa kanya. 

"Sama na ko." sagot niya. Tumango ako at tinext na yung tatlo para sabihing lumabas muna kami ni Jeni.

Pagkalabas namin may pinagkakaguluhan ang mga tao. At nakita namin na may binubugbog na lalaki ang isang gang. Kaawa awa naman.

Nilapitan namin ni Jeni. 

"Ano ba kayo? Binubugbog niyo yung walang laban." sigaw ko at inawat ang mga nambubugbog. Halata namang napagtripan lang yung lalaki eh. 

Tatlo lang sila kaya alam kong kaya ko. 

"Wag ka ng makialam pa miss para hindi ka madamay." sabi nung isang lalaki na may tattoo sa leeg.

Tumawa lang ako.

"Talagang hindi niyo siya lulubayan?" tanong/hamon ko.

Nagsmirk yung lalaking may scarf.

"Lulubayan namin siya kung.... sasama ka samin." sabi niya.

"Deal..." I answered with a grin. Mapapractice ata ang skills ko ngayon.

"Miss..." tawag nung binubugbog kanina. Lumingon ako sa kanya. In fairness, cute siya.. Ahaha, kelan pa ko lumandi?

"Bakit?" tanong ko naman.

"Wag ka nang sumama, baka kung mapano ka." sabi niya. Ngumiti ako.

"Mamaya ka na magpasalamat." sabi ko.

Hinawakan ako nung brown ang buhok. Ayoko pamandin nang hinahawakan ako. 

Sinipa ko nga sa ehem ehem part niya. Reflex actions I think? Ayun, nagtatarang dun.

"Matapang ka ah." sisikmuraan sana ako nung may scarf but I easily avoid it at inikot ang kamay niya papunta sa likod ko. 

"Aahh..." sigaw niya sa sakit. 

Susugod na sana yung may tattoo kaso pinangharang ko yung kasama niya.

"Hind nila kilala ang binabangga nila." sabi ni Jeni ng tumatawa. Nasa labas na din pala sina Angeline, Sharlene at Stephanie. 

Nakitawa ako.

"Sino ka ba?" tanong nung naka scarf.

Ang angas pa din niya ah?

"Siya lang naman ang leader ng gang namin..." sabi ni Stephanie.

"Siya si Charlene Dela Vega." sabi ni Jeni. Nakita ko namang namutla yung hawak ko.

"ah, sorry....sorry miss... Hindi ka namin nakilala. Bitawan mo na ko please?" sabi niya. 

Tumawa lang ako. Sinuntok ko siya sa stomach at sinipa ng malakas. Talbog siya papunta dun sa kasama niya.

"Gusto niyo din niyan?" tanong ko. Umiling sila at nagtakbuhan, iniwang nakadapa yung kasama nila. Tsk~

"Uh, salamat ah?" sabi nung lalaki. Tumango lang ako.

"Mag-ingat ka sa susunod ah?" paalala ko. Ewan ko ba, sa kanya lang ata ako nice.

Sa condo ng magkakapatid...

"Uh...frustrating much?" I asked myself as I sip my vodka.

"Bakit ate?" tanong ni Angeline. 

"Iaarrange marriage kasi ako nina papa." sagot ko.

"Kanino naman?" si Sharlene. I shrugged my shoulders.

"Hindi ko kilala?" I answered. 

"No escaping na ba yan ate?" tanong ni Angeline. 

"Ikacancel lang nila yun pag may boyfriend ako." sagot ko naman.

"E di humanap ka ng boyfriend." sagot ni Sharlene.

"In 2 days? Was that even possible?" I answered.

"Yung guy na lang kaya sa bar kanina?" suggestion ni Angeline.

And then it hit me. Why not? 

I finally smiled sweetly.

"Good idea..." I answered and Angeline smirks.

"Gusto mo ba ng dare, ate?" tanong ni Angeline.

"Anong dare yun?" I asked back. She smiled sheepishly. Ang creepy ah..

To be continued...

A/N: Did you like it? It sucks, I know. Ginawa ko lang naman to dahil hobby ko ang magsulat. So be a fan, pavote at pacomment? If you like? Pretty much appreciated po khit pagbabasa lang..hehe... byei!!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Lampa Kong BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon