T.A.N.G.A (one shot)

22 5 1
                                    

"Anak, dalian mo naman, matatraffic tayo nyan sa katagalan mo kumilos eh" sigaw ni mama

Ano ba naman tong nanay ko, nagmo moment ako dito eh.

"Oo na po mama andyan na po" sabi ko

Habang nasa byahe, nagpapaganda ko kasi ba naman pupunta kami sa bahay nung crush ko hihi. Teka ako nga pala si Mandy Morcillas, ang babaeng walang ibang ginawa kundi magpacute magpapansin at magpaka tanga sa lalaking gustong gusto ko o sabihin na nating mahal na mahal ko.

"Anak andito na tayo, tama na yang pagpapaganda mo, magandang maganda ka na dahil mana ka sakin" natatawang sabi ni mama

"Haha oo na lang mama, tara na dali." excited kong sabi

Nag doorbell ako sa bahay nila Jack, yung mahal ko. Agad naman kaming pinapasok nung kasambahay nila. Nakita ko agad si Jack dun sa salas nila at nilapitan ko,

"Hi Jack" masayang bati ko sa kanya. Actually close kami nito eh at alam nyang patay na patay ako sa kanya.

"Oh kasama ka pala ng mama mo, kamusta ka ?" sabi nya

"Hehe ayos na ayos, nakita kita eh" sabi ko

"Sus ayan ka na naman Mandy ha, tigilan mo yan hahaha" natatawang sabi nya

"Haha baka kasi sakaling umubra na" sabi ko

"Haha tara na nga lang kain tayo dun sa kusina" sabi nya

"Haha tara tara, gutom nadin ako eh" sabi ko

Habang kumakain, naisip ko syang tanungin.

"Jack, may girlfriend ka ?" tanong ko

"Wala, bakit mo natanong ?" sabi nya

"Kasi gusto kita, alam mo naman yun matagal na" sabi ko

"Madami pa namang iba dyan Mandy, di lang ako ang lalaki sa paligid mo, marami ka namang manliligaw bakit hindi na lang isa sa kanila ang sagutin mo ?" sabi nya

"Hindi ko kasi kailangan ng iba Jack, ikaw ang kailangan ko at ikaw ang gusto ko." sabi ko

"Sorry kung di ko padin masabi Mandy" bulong nya pero naintindihan ko

"Ang alin Jack ? alin ang hindi mo masabi ?" tanong ko

"Wala, sige na kain ka lang dyan" sabi nya

At ito kumain nga lang ako at hindi ko na muna inintindi yung sinabi nya. Nagkwentuhan lang kami ng nagkwentuhan hanggang sa nag alas sais na ng gabi at kailangan na naming umuwi.

"Jack, Tita uwi na po kami, ba bye" paalam ko sa kanila ng mama nya

Nakauwi na kami at dumiretso na ko sa kwarto ko dahil napagod ako sa byahe at antok na antok talaga ko.

Kinabukasan...

Maaga akong nagising dahil gagala ako sa mall mag isa, oo mag isa dahil yung mga kaibigan ko mga nag out of town dahil nagbabakasyon.

Sa mall..

Pagkapasok na pagkapasok ko sa mall, si Jack agad nakita ko, at may kasama syang isang babae na matangkad, maputi at maganda. Sino kaya yun ? Sinundan ko sila kahit saan sila nagpunta para lang malaman kung sino ba yung babae sa buhay ni Jack. Hindi ko talaga kilala kasi first time ko lang sya nakita.

Nagulat na lang ako ng nasa harapan ko na pala sila.

"Uy Mandy anong ginagawa mo dito ?" tanong ni Jack

"Malamang naggagala hahaha" sabi ko

"Hahaha sabi ko nga, tara sama ka samin" yaya nya sakin

"Ah sure tara" sabi ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

T.A.N.G.A (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon