1

18.3K 339 20
                                    

A/N: babies, ang kwentong ito ay NAKAKALITO! But forwarned is forearmed. Dahil diyan, habang nagbabasa, siguraduhing bukas ang utak sa mga posibilidad. Remember, the first few chaps could make you loose your mind! Maguguluhan kayo, magwawala kayo at paniguradong maiiyak kayo dahil hindi niyo mapagtatagpi-tagpi ang kwento! Bwahahaha.. *evil laugh*

---------------------------------------------------------

God it was the same dream all over again.

Agad na napabalikwas ng bangon si Ichiro ng magising mula sa kanyang nakahihindik na bangungot. Tagaktak ang pawis sa kanyang mukha at maging ang kanyang manipis na t-shirt na ginagamit sa pagtulog ay basang-basa na din. Pakiramdam niya ay may nakapulupot na galamay sa kanyang katawan dahil sa kumakapit na ang kanyang basang damit dito.

Pareho pa rin ng dati. Mananaginip siya ng sobrang sama, pagkatapos sa paggising niya ay wala man lang siyang maaalala na kahit na ano tungkol doon.

Paulit-ulit at walang palya ang panaginip. Gabi-gabi pa rin ang dating niyon. Ngunit ngayon, hindi niya alam kung bakit ano ng kakaiba, basta't mas malala ang nagiging dating nito sa kanya.

Mas nakakatakot. Mas nakakasindak.

Pinapalagay niya na marahil ay dahil iyon sa mga pagbabago na dumarating sa kanilang buhay. Ang mga kapatid niya ay may sarili nang mga pamilya, at lahat sila ay masasaya na ngayon. At natatakot siya na baka isang araw, may mangyari upang mawasak ang kaligayahan na meron sila.

Kagaya na lang nung---

Napahawak siya sa kanyang ulo dahil biglang nanakit iyon. May mga pagkakataon ding ganito. Kapag may naaalala siya, biglang nananakit ang kanyang ulo ng matindi kaya hindi niya itinutuloy ang kanyang iniisip. Nasa likod lamang iyon ng kanyang isipan. Nakabantay. Nagmamasid. Naghihintay ang tamang pagkakataon kung kailan siya lalabas upang wasakin ang kaunting katahimikan niya sa buhay.

"I am loosing my mind. Nababaliw na ako kagaya ng ama ko." kausap niya sa sarili.

Napasabunot siya sa kanyang buhok bago tumayo upang kumuha ng maiinom sa double-door niyang refrigerator. Ang mahinang liwanag na nagmumula sa loob niyon ay bahagyang sumilaw sa kabuuan ng madilim niyang bahay.

Sinisiguro niya na ang bawat bahay na nabibili niya ay studio type na tinatawag---iyong tipong isang malaking kahon lang at walang partisyon ang bawat kwarto. Kung mangailangan man ng partisyon, ang ginagamit niya ay hindi kahoy o semento, pinipili niya iyong makakapal ngunit naaaninag na salamin.

Kagaya ng bahay kung saan siya namamalagi ngayon, ang banyo lang ang may nakatabing na salamin. Ang kanyang kama ay nasa gitna niyon, medyo elevated dahil nasa taas ng dalawang ipinagpatong na sahig. Ang ilalim ng mga sahig sa kama niya ay naglalabas ng kulay lilang ilaw na nagliliwanag lamang kung pinapatay niya ang main lights ng unit. Ang living room ay nakapwesto ilang hakbang malapit sa tabi ng pinto at ang kusina ay inihihiwalay sa bahay dahil sa maliit na Isle na naisip niyang ilagay upang doon kumain. Ang kanyang mga bintana ay nagmumula sa pinakataas ng bahay malapit sa bubong hanggang sa sahig at kadalasang kapag binubuksan niya ang mga iyon, halos kalahati ng bahay niya ang nakabukas.

Ayaw na ayaw niyang natutulog sa kwarto at lalong ayaw niya kapag hindi niya nakikita ang kabuuan ng lugar kung saan siya nakatira.

He is weird that way and he doesn't even know why.

Binalingan niya ang digital clock na nakalagay sa tabi ng kanyang kama at kagyat na napaungol.

Alas tres ng umaga.

Sa dami ng kailangan niyang gawin bukas, bago pa man siya makaabot sa party na kailangan niyang puntahan, paniguradong ubos na kanyang lakas.

Alam niya din naman na kahit pilitin niyang matulog ngayon, paniguradong hindi na ulit siya makakatulog.

Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon