Chapter 8.3

707 54 6
                                    

Joao's POV:

Naglalakad ako papasok sa kwarto ko nang makasalubong ko si Kisses na kalalabas lang galing sa kwarto ni MayMay,
As i look at her, mukhang doon sya nagbanlaw ng tubig sa room ni MayMay at doon nagbihis, nginitian ko siya and she did the same.

Everytime she smiles parang lumiliwanang ang paligid, she's too beautiful.

"Off to sleep?"

Tanong ko sa kanya,

"Nagpapatuyo pa ko ng buhok"

Nakangiting sagot niya sakin sabay taas ng saglit nung dala dala niyang towel at pinunasan niya ulit buhok niya,

Masyado akong na mesmerize sa ngiti niya at hindi napansin yun,

"I see"

Maikli kong sagot and showed her a slight smile, hindi ko alam kung anong meron sakin ngayon on why i'm acting this way.

Napansin nya ata kinikilos ko kaya napatigil siya sa pagpunas sa buhok niya at napababa ang mga kamay niya,

"Okay ka lang?"

Nag aalala niyang tanong, napatawa ako ng mahina

"Okay lang, bakit ba?"

"Wala lang, parang ang tamlay mo"

Nakasimangot niyang sagot sakin, nginitian ko siya sabay yuko at napatingin doon sa towel na dala niya

"Napagod lang siguro"

"Di ka naman nag swimming ah?"

"Di nga noh? Haha, ewan, haha"

Hinigit ko siya papalapit sakin at kinuha yung towel na dala dala niya, pag angat ko para tignan siya ay nagtataka siyang nakatingin sakin.

Napatingin ako sa magaganda niyang mata, i'm getting jealous, the way she looks at me is different from how the way she looks at Edward.
Pakiramdam ko malulunod ako sa mga tingin niya kaya pinayuko ko siya, pagyuko niya ay ako ang nagpunas sa buhok niya.

Nabigla ako ng hawakan niya ang kanang kamay ko na nakapatong sa ulo niya, nag angat siya ng tingin at tinignan ako sa mata

"Ako na magpunas, mukha naman akong bata nyan eh"

Parang nahihiya niyang sabi, natawa ako at binitawan yung towel at iniwan yun sa ulo niya,

Yumuko ako ng konti papalapit sa kanya since mas mataas ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya , nginitian ko siya...

"How I wish I could do this to you everyday, How I want to stare at you like this every minute."

Gusto kong sabihin ang mga katagang yun pero iba ang lumabas sa bibig ko,

"Goodnight"

Nginitian ko siya one last time at naglakad na papasok sa kwarto ko.
Saktong pagpasok ko sa kwarto ko ay biglang tumunog ang Cellphone ko na nakalagay sa lamesang katabi lang ng kama ko.

Naglakad ako papunta doon at naupo sa kama, tinignan ko kung sino ang tumatawag when I saw it's my father na nakatira sa US ngayon.

Sinagot ko yung tawag.

"Dad?"

Sagot ko sa tawag, but then I was left speechless when he said these words:

[Son, go back home here immediately.]

Kisses' POV:

Pagpasok ko sa room namin ni Edward ay nagtataka akong napatingin sa kanya ng naglataga siya ng kumot at unan sa sahig.

Beautiful Stranger (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon