Ave's

37 1 0
                                    

"Ano bang problema mo? Kanina ka pa nakangiti dyan. Iiwan kita!" Banta ko sa kanya. Para kasing tanga eh. Simula nung umupo 'yan sa tabi ko nakangiti na.

"'Wag! Masama bang ngumiti? Masaya ako eh." Nakangiti pa rin niyang sabi.

"Bakit nga? Ano bang meron? Nakakainis ka na eh."

"Secret." Ngumiti pa ng nakakaloko ang siraulo.

"Bye na!" Akmang tatayo na ako ng hilahin niya ang kamay ko dahilan para mapaupo ako ulit sa upuan.

"Tignan mo 'to! Parang tanga talaga! Mamumwisit tapos ngayon mananakit pa!" Sigaw ko sa kanya. Nakakabanas na kaya siya!

"Sorry na. Basta dito ka lang." Jusme! Nakangiti pa rin siya niyan.

Naglaro na lang ako sa cellphone ko kaya lang hindi ako manalo-nalo.

"Tsk!" In-exit ko na 'yung laro tapos tinago ko na sa bulsa ko 'yung cellphone ko.

Napatingin ako sa gawi 'nung siraulo kong kasama. What the heck?! Nakatitig siya sa'kin!

"Hoy!" Sigaw ko sa kanya sabay pitik sa noo niya.

"Aray!"

"Ba't ganyan ka tumitig?"

"Wala lang. Masama ba?" Bakit ba hindi maalis sa mukha niyang mga ngiti na 'yan? Kapag ako na-in lov-- What the hell am I saying?!

Umiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Jusko! Ayoko! Halos isang buwan ko pa lang nagiging ka-close 'yan! Ni-pangalan ng kapatid o magulang niyan hindi ko alam! Ayokong magkagusto dyan. Ako lang ang masasaktan.

"Maganda ka pala 'no." Titig na titig niyang sabi sa'kin. Oo, nakatitig siya sa'kin pero hindi ako nakatingin sa kanya.

Hindi ko pa rin siya tinitignan. Ayoko talaga.

"Mas maganda si Megan." Sabi ko sa kanya. Masokista lang 'te?

"Yeah." Nakangiti pa rin siya habang sinasabi niya 'yan.

Parang may kumirot sa dibdib ko. Aasa lang talaga ako sa kanya.

"Nakakainis ka talaga! Bahala ka nga!" Nilayasan ko na siya. Kanina pa ako naiinis dyan eh. Hindi ko siya maintindihan.

Pumunta na lang ako sa kung saan. Lintik na 'yan! Ang sakit ah. Bakit kasi ang tanga-tanga ng puso ko? Napakabilis mahulog! Napakabilis din tuloy masaktan. Napakabilis umasa. Napakatagal naman ng sakit.

"Bakit kasi sa'yo pa? Bwisit." Ang hirap palang pigilan ang iyak 'no? Para bang naninikip na 'yung dibdib mo sa sakit tapos hindi mo malabas lahat ng hinanakit mo. Ang hirap huminga.

"Ave! Bakit ka umalis?" Masaya ka pa?! Ngiting-ngiti pa rin ang loko habang tinatanong ako niyan!

"Pake mo! Umalis ka nga!" Sigaw ko sa kanya.

Imbis na umalis, tumabi pa siya sa'kin. Napaka-sadista mo hayop ka!

"Hindi kita iiwan 'no." Nakangiti niyang sambit.

"You already did."

"Ikaw ang nang-iwan."

"Kasi ayokong masaktan..." Pambihirang luha 'to! Bigla-biglang tumutulo!

"Ave, umiiyak ka ba? Bakit?" Ramdam ko kahit papaano ang pag-aalala sa boses niya pero doon pa rin nakatuon ang atensyon ko sa hindi maalis na ngiti niya.

Minamahal KitaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon