Kapag nagmahal ka dapat handa ka ring masaktan. At minsan .. ay magparaya.
Eric … bumalik ka na. Please. Sigaw ng puso ko habang nakikita ko siya sa piling ni Mia, classmate namin.
Two years ko ng boyfriend si Eric. Since 4th year high school kami hanggang 2nd year college. Pareho din kami ng course, civil engineering. Actually, hindi naman dapat yun ang course ko. Pero dahil ayaw kong malayo kay eric, iyon na lang din ang kinuha kong course.
Masaya naman kami eh. Mahal na mahal namin ang isa’t-isa. Nandyan yung bibigyan niya ko ng surprise gift kahit hindi pa naman namin monthsary, ipagluluto niya ako ng pagkain,dinadamayan niya ako kapag malungkot ako. At ganoon din ako sa kanya.
Pero nang makilala namin si Mia, doon na nagbago ang lahat.
FLASHBACK…
“Hi Eric,Charity! Pwede bang maki-share ng table?Puno na kasi dito sa cafeteria eh.”sabi niya pero mas kay Eric siya nakatingin.
Napatingin muna sa akin si Eric, for my permission na pumayag ako. Ngumiti naman ako.
“Sure Mia. No problem.”
“Thanks ha?Ang bait mo naman.”
“Haha. Hindi naman Mia.” Namumula si Eric habang sinasabi yun.
Doon nagsimula ang lahat. Halos silang dalawa lang ang nag-uusap nun. Hindi ko pinansin kasi friendly naman talaga si Eric eh. At mabait naman si Mia.
Kung noon, hatid-sundo ako ni Eric, minsan na lang rin mangyari yun. Ite-text niya ako na hindi niya ako masusundo kasi male-late daw siya ng pasok, may sakit ang mama niya, may inutos sa kanya o kaya naman may practice ang banda nila. Sabi ko okay lang kasi kaya ko namang pumasok mag-isa. Nakakalungkot lang kasi nasanay ako na lagi kaming magkasabay papasok. Pero minsan na lang rin mangyayari yun. Hindi na rin kami magkasabay umuwi kasi it’s either nauuna siya or nahuhuli. Hindi na kami masyadong nag-uusap.
Hayy!! Ang lungkot naman! Isip ko habang pauwi.
“Siya ba yung girlfriend ni Eric? Kawawa naman siya.”
“Yeah. Hindi niya alam na niloloko siya ng boyfriend at kaibigan niya.”
Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang bulungan ng dalawang babae. O bulungan ba talaga ang tawag doon? Ang lalakas ng boses nila eh.
Anong ibig nilang sabihin?
Bumalik ako at tumigil sa harapan nila.
“Uhm.. Excuse me mga miss, pero pwede ko bang malaman ang pinag-uusapan niyo?”
Nagka-tinginan muna sila bago sumagot yung isang babae.
“Ahh.. boyfriend mo si Eric Tayamora di’ba?Nakita kasi namin siya sa garden, kasama si.. yung kaibigan niyo. Si Mia. Magkayakap.”
Nagulat ako sa sinabi niya. Ayaw ko sana maniwala, pero bigla nila akong hinatak papuntang garden.
“Base sa itsura mo miss, hindi ka naniniwala. Kaya ikaw na mismo ang dapat makakita.” At saka nila ako iniwan.
Naglakad-lakad ako sa may garden. At maya-maya nakita ko ang sana ay ayaw kong makita.
Sina Eric at Mia… magkayakap.
Hindi ko namalayang may tumulong luha na mula sa mga mata ko. At nailaglag ko ang mga librong dala ko. Bigla silang naghiwalay at napa-tingin sa akin.
“Charity!” gulat na sabi nila pareho.
Hindi ko na kinaya ang nakita ko kaya tumakbo na lang ako. Wala na akong pakialam kung anong iniisip ng mga nakakakita sa aking estudyante.
BINABASA MO ANG
Chance (one shot)
Non-FictionOnce the chapter in your life closes , another chapter opens .. for you to be happy