Time to let go (ONESHOT)

339 12 16
                                    

“Wag ka kasing kabahan. Isipin mo na lang na mag-eentrance exam ka sa MARS University.”

“Baliw ka din ih! Sasabihin mong wag ako kabahan tapos iisipin ko pa na entrance exam edi lalo na ako kinabahan niyan.” Nginitian niya lang ako matapos ko sabihin yun.

Kausap ko kasi ngayon ang boyfriend kong si Greg. Meron kasi akong exam  ngayon sa calculus at sa tuwing mag-eexam ako sa Math lagi akong nakakaramdam ng kaba. Hindi ko din alam pero imbis na sa resulta  ako kabahan, sa mismong oras pa ng exam.

Matagal na kami magkarelasyon ni Greg, mga 1 year and a half na. Di naman ganun katagalan pero tinatry naming na maging masaya sa  isa’t isa. Minsan kasi mas madalas kaming magkalabuan. Babaero kasi itong boyfriend ko at mahigit sampung beses niya na akong ginagago. OO! Sobrang sakit kapag ginagawa niya yun pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na patuloy pa din siyang mahalin. Isang sorry niya lang napapatawad ko na siya kaagad. Masasabi kong isa akong malaking tanga pero yun naman ang katotohanan pag-dating sa pagmamahal, ang magpakatanga. Kahit ilang ulit ka ng saktan ng mahal mo di mo pa din siya kayang iwan. Di mo kayang I let go ang nararamdaman mo sa kanya. Natatakot kang mawala siya sa’yo kahit harap harapan ka ng ginagago.

After ng exam ko sa Calculus dumiretso na ako ng Cafeteria para naman makapag-merienda na ako. Mabilis kong natapos ang exam, mga 1 hour lang. 2 hours and 30 minutes kasi ang binigay na oras sa’min para sagutan lahat.

Pag-punta ko sa Cafeteria bumili na agad ako ng makakain. Matapos ay naghanap ako ng bakanteng upuan. Habang naghahanap ako nakita ko si Greg na may nilalandi na namang babae, ayos na sana na makita ko siyang nakikipaglandian pero kukurot yung puso ko ng makita kong si Camille, pinakamalapit sa’kin sa mga magpipinsan at pinagkakatiwalaan ko, ang kalandian ng gago kong boyfriend.

Nagdilim ang paningin ko kaya naman walang pakundangang nilapitan ko silang dalawa napansin ako ni Camille at halatang kinakabahan siya. Hinila ko sa buhok si Camille.

“CJ! Ano ba?! Nasasaktan ako bitawan mo nga ako?!” sabi ni Camille habang sinasabunutan ko siya.

“Ikaw! Ikaw pa naman ang pinagkakatiwalaan ko sa pamilya natin pero tulad ka lang din ng iba nating pinsan, AHAS KA! AHAS!!!!!”

“CJ! Tama na nga yan!!” sabay inalis ni Greg ang kamay ko sa buhok ni Camille. Nakita ko pang nagtago sa likod ni Greg si Camille. “Wag ka ngang gumawa ng eskandalo dito.”

*PAAAAAAAAAAAK!*

Sinampal ko siya, hindi ko na kasi alam kung paano ko ilalabas ang galit ko. “GAGO KA GREG! GAGO KA!” sabi ko habang sinusuntok ko ang dibdib niya. “Hindi ka pa nakuntento sa mga haliparot na babae dito sa campus pati pinsan ko pinatos mo pa.” umiiyak na ako dahil sobrang sakit lang na pinsan ko pa ang lalandiin niya. Kung sino pa ang may alam ng tungkol g lahat lahat sa’min ni Greg .

“Tama na, Cj. Tama na…” sabi ni Greg sa mahinang boses. Seryoso na ang mukha niya at nakatingin lang sa’kin. Lahat ng nasa cafeteria ng school naming nakatingin sa’min.

“Gago ka Greg! Gago ka!!!!!”

“SABING TAMA NA!” sigaw niya. Pinigilan niya ang braso ko at tiningnan niya ako habang nanlalaki ang mata niya.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa nailabas ko na ang lahat ng gusto kong sabihin, “ANG GAGO MO AT ANG TANGA TANGA KO LANG! ANG TANGA KO KUNG BAKIT SA’YO PA AKO NAHULOG! ANG LAKI KONG TANGA PARA HINDI KO MAKITA NA ANG INAKALA KONG MAHAL AKO AY ISANG DEMONYO! ALAM MO BA KUNG GAANO KO KATAGAL TINIIS ANG LAHAT HA? GREG? ALAM MO BA NA … NA SA ILANG BESES NA GINAGAGO MO AKO HINDI KO MAGAWANG BITAWAN KA?! HINDI MO BA ALAM ANG SALITANG MASAKIT?!” Hanggang sa napahagulgol na lang ako ng iyak.

Time to let go (ONESHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon