Chapter 9
"What did you say??!!! How come he is with you? Why did you accept the project? Okay ka lang ba? Wala ba siyang ginawang masama sa iyo? Pupunta na ba ako jan para saklolohan ka?"
"You are exagerating Trey. First, mukhang hindi na niya ako natatandaan. At wala sa isip ko ang paghihiganti ngayon dahil may project akong dapat tapusin at lalong hindi ako makakapaghiganti dahil wala naman ang sasakyan nya dito."
"Seryoso ka talagang gagalusan mo lang ang sasakyan nya? Un lang talaga paghihiganti mo?"
"Bakit? Kulang ba un?"
"Well, sa ginawa niya sa iyo medyo mababaw ang definition mo ng salitang 'revenge'. Iniisip ko kasi na mas grabe doon ang gagawin mo at ayaw mo lang sabihin sa akin."
"Naisip ko nga rin na maghiganti ng mas mabigat kaso ewan ko... At wag kang mag alala nasa mabuti akong kalagayan."
"Mas maganda na ang nag iingat Mandy. Sa panahon ngayon wala ka nang taong mapagkakatiwalaan. Isipin mo muna sana ang gagawin mo bago mo suungin. Kilala kita. Padalos-dalos. Agressive. Hindi nag -iisip minsan."
"Kaibigan ba kita o ano? (T.T)"
"Nagsasabi lang ako ng obvious. Matalino ka sa trabaho pero may pagkatanga sa lovelife. Naalala mo ba nung nagkaroon ka ng crush sa kapitbahay natin noong grade 5? Sinusulat mo pa ang "Mandy love Jason" dun sa dahon ng rosal sa parke. O kaya nung kumukuha ka kuno ng santol dahil sinusundan mo sya sa taas ng puno para makausap lang. Ano inabot mo dun? Edi nahulog ka. Kamuntik ka pang mabalian ng buto."
"Bata pa ako noon. Matanda na ako ngayon."
"Noong 3rd year tayo. Diba sinisipat sipat mo yung estudyante sa may katabing building natin dahil gwapo? Sa kakatingin mo ayun nahuli ka ni Sir Plotino at pinatayo ka sa taas ng table mo. Ang masama pa lumingon si crush-crush at hindi mo alam kung paano tatakpan ang mukha mo sa kahihiyan."
"Bakit ba!!!! E sa masungit tlaga yung matandang hukluban na teacher na iyon. Biruin mo nasa gilid na ako ng pader at nakatago sa likod mo makikita pa akong hindi nakikinig sa tinuturo nya. Boring naman subject nya. Hindi pa nagpasalamat dahil hindi ako natutulog gaya ng iba nating classmate.
"O kaya noong 2nd year college na tayo. Kuntodo make-up ang ginagawa mo para lang mapansin ka ng crush mo. Hindi matapos ang araw ng hindi ka nagpopolbo. Tapos tinuturuan mo pa ng accounting subject mga friends niya para lang mapalapit siya sayo at humanga na kunwari matalino ka."
"Matalino naman ako ah."
"Un na nga e. Matalino ka. Naging close kayo ang kaso sa dinami-dami ng pwede mo magustuhan bakit sa bading pa. Kahit baligtarin mo ang mundo hinding hindi papatol sa yo yun. Hindi opposite sex ang nakikita nya kung hindi isang barbie doll na pwede nyang ayusan kapag naubusan ng model sa fashion design nya."
"Malay ko ba na bading yon. Nakita mo naman ang katawan. Macho."
"Hindi mo na kasi nakikita ang kahina-hinala kapag binuksan mo na ang puso mo. Nag-aautomatic shut down ang mata at pag iisip mo."
"Hindi ko naman crush si Euan. Kaya isip pa rin ginagamit ko at hindi puso."
"Sa tingin ko nga natatameme ka na naman ng makita siya."
"Oi grabe ka! Hindi ako ganoon." ( o_o) paano nya nalaman na ganun reaksyon ko kay Euan minsan.
"Sinungaling! Ung boses mo pinagkakanulo ka."
"Minsan lang naman."
"Gaano kadalas ang minsan?"
"Che!"

BINABASA MO ANG
The Faithful Encounter (Completed)
RomanceLove starts with coincidence, blooms with countless of effort and strengthened by choices and decisions. See how Amanda's boring office life become exciting because of a simple faithful encounter. This is a quick story na ginawa ko for a few days la...