Annyeong~ this chapter ay para kila Erin at Wayne muna ah? Next chapter na lang sila Makie, Timothy and Arth.
-----------------
Erin's POVKauuwi ko lang galing school at talaga namang pagod ako. Hahaha. Ang daming ginawa eh.
"Mom, nandito na ko!!" sigaw ko pagpasok na pagpasok ko sa bahay namin.
Nadatnan ko naman si mommy na nasa kusina at katatapos lang magluto ng merienda.
Huwaw!! Grahams~ ^0^
"Nandiyan ka na pala Erin. Take a seat and magmerienda ka na." -Mom
Naupo naman ako at nagmerienda na. Masarap kasi magluto si Mommy ko eh. Lalo na kapag desserts. Kaya gustong gusto nila Makie at Aina si mommy eh.
"Magbihis ka na ha. And after mo magbihis bilhin mo lahat ng ito sa grocery store." tapos may inabot na listahan sakin si Mommy.
"Mom naman!! Bakit ako po ang bibili?! Pagod ako!!" sabay pout ko pa.
Aba naman! Pagod ako sa school tapos ako ang uutusan?! Waaaaaah~ I KENNAT. I'M TIREDEU~
"Ngayon lang kita uutusan Erin ha! Umuwi muna pansamantala si Manang sa probinsiya niya kasi dadalawin niya mga anak niya kaya ikaw na muna ang uutusan ko."
"Mom!! Pagod nga po ako! Madami kaming ginawa sa school!" pagmamaktol ko.
"Naupo ka lang naman sa school niyo at nakinig. Eh ako, naglinis ako ng buong bahay natin, nagluto, and I even wash your dirty clothes."
Grabe naman maka-dirty si Mommy! Psh.
"Mommy!!!"
"Tigilan mo ko at magbihis ka na saka bumili!"
Wala na akong nagawa kundi ang ngumuso. Leche flan naman -___-
Umakyat na ko patungo sa kwarto ko saka nagbihis. Naka-white shirt lang ako at shorts na hanggang tuhod tapos ay nagsuot ako ng cap.
"Oh eto yung listahan. Wala na tayong stock ng pagkain eh." sabay bigay sakin ni mommy ng listahan ng bilihin.
"Mom, yung pera pambili?" tanong ko.
"Diyan mo na lang muna sa credit card mo kunin yung pambayad."
"WHAT?!" sigaw ko. Putek! Bakit sa credit card ko pa?! "MOMMY BAKIT SA CREDIT CARD KO PA?! HUHU." Tapos nagpapadyak pa ko ng paa.
"Tigilan mo ko Erin sa kaartehan mo ah! Sasabihin ko naman sa daddy mo na palitan na lang yung nagastos mo eh. Dali na! Bumili ka na!" tapos pinagtulakan na ko ni Mommy palabas ng bahay namin.
Hanep talaga ang mommy ko oh! Tss.
Sumakay na ko ng taxi papunta sa grocery store malapit lang dito sa village namin. Tinatamad ako maglakad kaya nagtaxi ako. Haha.
@Convinience Store
Ang haba ng listahan ni Mommy. Ang daming kailangan bilhin. Aish!Kung siya sana ang namili edi sana nakahiga at namamahinga na ako sa kwarto ko. Psh. Pero dahil sa mahal ko ang aking mommy eh ako na ang mamimili para sa kaniya. Nyahaha.
BINABASA MO ANG
My Devil Fiancee [ChorongxJungkook Fanfic]
FanfictionDate Started: March 14, 2016 Cast Park Chorong as Makie Mishael Torres Jeon Jungkook as Timothy Caleb Jung Mark Tuan as Arth Mendez Son Naeun as Kyla Javier