Chapter 3 - Trip to Heaven

4.2K 208 30
                                    

"Often, the steps we take to avoid destiny leads us to it."

Sophia's POV

Kung hindi ako stressed, naiinis naman ako. Nakakabwisit lang ang pangyayari kahapon, nabwisit ako sa Alexa na 'yon at sa sarili ko. I can't believe that I lost control over myself, muntik ng nawala ang virginity ng lips ko. Ayan naalala ko na naman ang eksena kung saan dapat e hahalikan niya ako pero dakilang paasa rin pala ang doctor na yon, pinaglalaruan lang ata ako. Grace turned to stone!

'Ang sabihin mo kaya ka naiinis kasi nag expect ka lang na hahalikan ka niya.' tuya naman ng isipan ko.

Napaismid naman ako, hindi ako nag expect noh.

'Sabi mo e' tila di kumbinsidong sagot ng isipan ko.

"Aray! Shit." mura ko ng may bumatok sa akin ng malakas. Napatingin tuloy lahat ng tao dito sa canteen. Tinignan ko naman ng masama si Zen na pasipol sipol at nakatingin sa ibang direksiyon.

"Kailangan talaga mambatok?" sabi ko sakanya at binawian ko siya ng hampas sa braso niya. Lunch break namin ngayon or should I say pinagsabay na namin ni Zen ang lunch at meryenda, dahil mag 2:30 na ng hapon. Ang dami kasing out patients kanina.

"Aray ko ha. Aba babae, kanina pa ako dada ng dada dito pero 'yon utak mo nakarating na naman sa ibang dimensiyon. " nakasimangot na turan ni Zen habang hinihimas yon hinampas kong braso niya.

"May naisip lang ako noh." palusot ko naman.

"May problema ba?" concerned na tanong nito sabay hila ng upuan niya papalapit sa akin. That's what I like about Zen, oo may sira talaga yan sa tuktok pero mabait yan, di nga lang halata. Marunong siyang makaramdam kung may bumabagabag ba sa akin o wala. Yun radar nga niyan pang international e, akalain mo pati chismis sa iba't ibang departments nasasagap niya, tindi kamo.

Napaisip naman ako kung sasabihin ko ba kay Zen ang prinoproblema ko ngayon baka kasi pagtawanan niya lang ako.

"Wala noh. Kumain ka na nga lang diyan." pang iiba ko ng usapan.

"Mamili ka ng ihahampas ko sa'yo itong lamesa o upuan?" naniningkit na mata niyang tanong sa akin. Grabe naman tong babaeng ' to ang brutal.

"Alam kong may gusto kang sabihin Sophia, nasesense ko." dugtong pa niya. Ay nako, ang kulit talaga.

"Hindi mo ako pagtatawanan ha?" tanong ko sakanya, eh kasi naman e baka pagtawanan ako nito sa tatanungin ko, ang lakas pa naman nito makatawa daig pa ang nakamicrophone baka mapunta sa amin lahat ng atensiyon dito.

"Kailan pa ba kita tinawanan?" she answered which earned a glare from me.

"All the time." sagot ko naman while I rolled my eyes.

Tumawa lang siya. "Okay, depende sa sasabihin mo."

"Tandaan mo Zen nasa canteen tayo a? Utang na loob hindi mo pag aari ang canteen." paalala ko sakanya. Tumango lang siya.

"Ganito kasi yan, uhm ano-"

"Anong ano?" di makapaghintay na tanong niya, inirapan ko nga. Excited ang baliw.

"Kung patapusin mo kaya ako noh?" nakataas kilay na reklamo ko.

Tatawa tawa pa. "Sorry naman bes, excited lang naman ako e. O sya, tuloy mo."

"Bes, titigan mo mukha ko." utos ko sakanya. Nagtataka naman siyang sumunod.

"Wala ka naman pimples girl, ay nako pag ako Sophia pinagtripan mo malilintikan ka sa akin." pagbabanta pa niya. Inirapan ko lang siya ulit sabay hawak ng mukha niya at iniharap sa akin. Tinitigan ko siya sa mata at unti unti kong inilalapit ang mukha ko sakanya. Gusto ko kasing malaman kung ano ang magiging reaksyon niya sa ginagawa ko sakanya.

The Internship Syndrome Series: The Hot Resident Doctor (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon