Episode 24

395 28 62
                                    

SinB's POV


3 days later...


Tuloy ang buhay. Tuloy ang ikot ng mundo.


Hindi siya bumalik. Hindi ko na ulit siya nakita. Maski sina oppa at unnie ay hindi siya nakita.


Hindi namin alam kung nasaan siya o kung buhay pa ba siya.


Tinapos ko lahat ng preparations para sa kasal. Yung hinanda ko na surprise para sakaniya ay tinuloy ko pa din na practicin.


Bakit kamo? Malamang umaasa pa din ako. Umaasa pa din na dadating siya at magpapakasal saakin.


Kung nakikita man nina unnie na para akong zombie ay hindi sila nagpahalata. Tinulungan lang nila ako para i-finalize lahat ng arrangements para sa kasal.


Ang members naman ng Bangtan ay hanggang ngayon hindi pa din tumitigil kakahanap kay oppa.


Pero sabi sakanila ng manager nila ay hayaan na daw nila, tumigil na daw sila. Safe daw si Jungkook.


Alam siguro noya kung nasaan si oppa. Tumigil na ang Bangtan sa paghahanap. Tinulungan na lang nila ako.


"Ano ba. Hindi ka pwedeng ikasal sa sarili mo, SinB. Pag nakita ko yang Jungkook na yan itutupi ko siya sa walo" kanina pa palakad lakad si Yerin unnie sa hotel room namin. Siya ang bridesmaid ko.


Oo, araw na ng kasal. Naka-make up ako ng maganda, suot ang mala-Disney ko na wedding gown, dala dala ang boquet.


Pero ang groom ko, nasaan?


*tok tok tok*


Napalingon ako sa pinto at bumukas yun saka pumasok sina Sowon unnie.


Tinignan ko sila, pero malungkot ang mga mukha nila saka sabay sabay na umiling.


Mga nakaayos din silang lahat. Andito ang pamilya ko. Pumunta lahat ng nagsabing pupunta sila.


Perfect. Perfect sana. Kung andito lang siya.


"SinB, okay ka lang?" hinawakan ni Yuju unnie ang kamay ko at tinignan ako sa mata, halatang nag-aalala saakin.


Hindi ako sumagot dahil alam naming lahat ang totoo. Malamang hindi ako okay.


*tok tok tok*


Napatingin kaming lahat sa pinto, isa-isang pumasok ang members ng BTS. Mga naka-black and white tuxedo.


Ang gagwapo nilang lahat, mga mukha silang normal. Pero yung mga mukha nila... Mga mukha ng nalugi sa negosyo.

"I Do" [finished]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon