♡ Chapter 44 ♡

153 12 1
                                    

A/N: Hi guyss, long time no read. Hahaha. Sorry dahil matagal akong hindi naka UD dahil unang una, busy ako nun. Pangalawa, tinatamad ako minsan. At pangatlo, nakalimutan ko yung plot dito, haha. Pero wag kayong mag aalala, tatapusin ko na toh. Nakakahiya kasi sainyo eh, lol.

Atsaka yung picture sa MM, kinikilig aketch. Hahahaha

***

|| Irene's POV ||

"Ano?! Boyfriend?! Ikaw?! Nababaliw kana ba?!" sigaw ko sa kanya saka binato ko siya ng unan sa tabi ko.

"Irene, ano ba. Hindi ako bingi para sumigaw ka, atsaka hindi ako nababaliw dahil sinabihan kong boyfriend mo ako. Nababaliw ako ng dahil sayo *winks*" ngumisi pa siya kaya lalo akong nainis sa kanya.

Magsasalita na sana ako ng maramdaman kong parang may kumirot sa ulo ko kaya agad akong napahawak dahil sa sobrang sakit nun.

"Aray! Bwisit, ang sakit!" Agad namang lumapit sakin yung V na yun atsaka inalalayan ako.

Inis kong inilayo yung kamay niya sakin atsaka sinamaan siya ng tingin.

"Wag kang lumapit saking alien ka! Ikaw yung dahilan kung bat sumakit tong ulo ko! Aray!" Sabi ko sa kanya kaya kumunot yung noo niya sakin.

"Anong ako? Wala nga akong ginagawang masama sayo eh"

"Anong wala?! Pinapainit mo yung ulo ko, bwisit ka! Tawagin mo yung doctor! Wag kang patanga tanga diyan! Araaay!" Nataranta naman siyang lumabas para tawagin yung doctor.

Napaupo ako sa higaan habang nakahawak sa ulo ko at nakapikit pa. Sht, bat ba sobrang sakit ng ulo ko? Parang paulit ulit na tinutusok ng kutsilyo yung ulo ko. Ano ba talagang nangyari sakin?

Bago pa makadating yung doctor atsaka si V, unti unti nang bumibigat yung mga mata ko, hanggang sa nawalan nalang ako ng malay.

*****

|| Seulgi's POV ||

"Unnies, pano na toh? Kasalanan kasi natin toh eh" naiiyak na sabi ni Joy kaya agad siyang niyakap ni Jungkook.

"Shh, hindi niyo kasalanan toh. Wag kanang umiyak, kanina kapa umiiyak eh"

"Hindi Jungkook oppa, kasalanan talaga namin toh. Sinabihan kasi namin si Irene unnie ng malandi eh" - Yeri.

"Oo nga, kung hindi namin sinabi yun, malamang hindi tatakbo si unnie atsaka hindi siya masasagasaan"

Huminga naman ako ng malalim atsaka humilig sa balikat ni Jhope. Kasalanan talaga namin toh. Bat ba kasi nasabi namin yun?

Hinalikan naman ni Jhope yung ulo ko saka hinawakan yung kamay ko.

"Okay lang yan, makakaalala din si Irene noona. Hindi nga lang ngayon, pero atleast makakaalala pa din naman siya diba?" Sabi niya kaya sumang ayon yung ibang boys.

"Oo nga, wag kayong mag alala. Makakaalala din si Irene" nakangiting sabi ni Jin samin.

*****

|| Mark's POV ||

"Ano ba Eunji?! Pwede bang tumahimik kana?!" Inis na sigaw ko sa kapatid ko kaya napatigil siya sa pagsasalita at nagulat siya.

"What? Kuya Mark? Pinapatahimik mo ako?" Maarteng sabi niya kaya napairap ako at umupo sa upuan.

"Tapos iniirapan mo na ako?! Dont tell me, nagkagusto kana dun sa malanding yun?!" Sigaw niya kaya napatayo ako at dinuro siya.

"Wag na wag mong tatawagan siya ng ganun dahil hindi siya malandi! Kung meron mang malandi dito, ikaw yun!" Sinampal naman niya ako sa sinabi ko.

"How dare you kuya?! Ako malandi?! Eh mas malandi pa nga yun eh, hindi lang malandi. Mang aagaw pa!" Pinigilan ko yung sarili ko na saktan siya dahil kapatid ko parin siya kahit na anong mangyari.

"So totoo ngang nagkakagusto kana dun sa babaeng yun?! Ano bang ginawa niya sayo?! Linandi kaba ni--"

"LINTEK TUMAHIMIK KA! HINDI NGA SABING MALANDI SI IRENE. AT OO, GUSTO KO NA SIYA. NOON PA!" Sigaw ko na ikinagulat niya.

Hindi siya nagsalit kaya nagsalita nanaman ako.

"Sinunod ko yung mga gusto mo kasi mahal na mahal kita kasi kapatid kita. Kinaya kong saktan si Irene para lang sayo. At yung plano mo ngayon, pumayag pa din ako kasi hindi kita hahayaang masaktan dahil yun ang pinangako ko sa magulang natin bago sila nawala. Pero ngayon at dahil sa plano mo, naaksidente si Irene. Naaksidente yung babaeng mahal ko ng dahil sayo! At ngayon dahil sa nangyari, hindi na ako susunod sayo at hindi kita mapapatawad nang dahil dun!"

Tiningnan ko siya ng matalim bago lumabas sa bahay namin. Kailangan kong pumunta sa hospital kung san naroon si Irene.

*****

|| V's POV ||

"Kailangan hindi niyo muna pinapainit yung ulo niya kasi nakaka apekto yun sa sugat ng ulo niya. At iwasan din yung pagstress kung sakali, at lalong lalo nang wag niyo munang ipa alala sa kanya yung nangyari o kung sino kayo agad. Dahil sasakit ulit yung ulo niya at mahihimatay siya. Mas mabuti pang, dahan dahanin niyo munang ipaalala sa kanya" sabi ng doctor sakin kaya napatango ako.

"Sige po doc, salamat uli" ngiti ko, tumango namna siya saka lumabas na.

Huminga naman ako ng malalim atsaka tumingin kay Irene na ngayon ay mahimbing ang tulog sa kama.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan yung kamay niya saka hinalikan ito.

"Sorry talaga Irene, napakagago kong lalaki at nangyari ito sayo. Sana mapatawad mo ako" sabi ko sa kanya at sinubsob yung ulo ko sa kamay niya.

Narinig kong bumukas yung pinto kaya napa angat naman agad yung ulo ko atsaka tumingin sa pinto kung sino ang pumasok, at biglang uminit yung ulo ko sa nakita ko.

"Mark, anong ginagawa mo dito?" Mariin na sabi ko habang nakatingin sa kanya ng masama.

*****

Look Into My Eyes 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon