Chapter : 1.4 #WTF

310 2 0
                                    

Kaserola! Planggana! Kutsara't Tinidor Alis Buntis! Bat ganito ang feeling..

dug dug! dug dug! 💓💓💓💓💓

Naputol yon sa kadahilanang pinitik nya ko ng malakas sa noo ko.

Ah. Aray!

Hoy miss nobody anong nangyayari sayo?

Nagsilapitan ang mga basketball player na kalaro nya at ilang estudyanteng babae may gusto sa kanya actually fans nya pala. My god! Celebrity pala tong mokong na to.

Hindi ka ba mag sosorry? Eh halos Itupi na nang bola mo yung mukha ko.

Hahahaha. Hell no? Wala sa vocabulary ko yung word na yan. 😏 (paangas nyang sinabi)

Aba! Aba! Ikaw naman na mokong ka! ikaw na nga nakasaket ikaw pang may paangas at makapagyabang kala mo kung sino ka.

Baket? Hindi mo ba ko kilala?

Hmmp. Hindi? Dapat ba? Yabang mo. Mokong na to!

Hoy babaeng maraming pimples at may malaking salamin! Go ask ka lang kung sino ako! Besides kung hindi mo ko kilala
(lumalapit sya sa kin hangang sa mapasandal ako sa court ng gym)

Ako lang naman si Kyle Christian Stanford Stacy. Bat ikaw sino ka ba ha? (nagmamayabang nyang tinanong)

Hmmp. Ako si Zoey Miranda Bautista.

Zoey? Pangalan ng aso yon di ba? Aw Aw Aw (Nagmala aso)

Sabay nagsitawanan yung mga basketball players at ilang student girls na nakapalibot sa min (tiningnan ko sila. Aba mga tawang-tawa) tas bigla nyang sinabing ..

Oh baka naman nagpapansin ka lang dahil may gusto ka sa ken.

(Bulong ko sa isip ko) Tokwa! Kanina yon pero nung nalaman kong ugali mong mokong ka. Walang magkaka gusto sayo Halimaw ka! Tyanak!

Umuusok na talaga tenga at ilong ko yung feeling na mainet na sa sobrang ines. Kinekwestyon nya yung binagay na pangalan sa kin ni mama. Aso daw? Tapos sya na nga nakatama hindi pa nag sorry? Ang yabang pa. Tapos nanahimik lang ako sa gilid ginulo nya ko.

Lahat yon pumasok sa isip ko. Ang nagawa ko lang...


BOOM!

Sinipa ko yung... Alam mo na? yung ano nya... Yung ano... Yung.... Sige na nga yung pototoy nya. Inis na talaga ko eh. (At napahiga sya sa sobrang saket)

Ang bad ko ba? Quits lang kami no tinamaan nya ko ng malakas na bola sa mukha kaya, deserve nya yun no.

(Pabulong sa isip ko habang patakbo ng lumalayo mula sa maraming taong nagulat sa ginawa ko)

Oh lord first day pa lang bat ganito... San na ko pupulutin? magpapaguidance kaya yung mokong na yon?

Nakaupo ako sa isang lilim ng puno habang hingal na hingal at hindi maka move on sa mga nangyari.. Oh no! Oh no! Isang hamak na transfer wala pa kong masyadong kakilala, tapos anong tong ginawa ko.

Anong bang nagawa mo? (Babae yung boses)

Ay kabayo! Butiki! Alamang! Bagoong! Ay nako sorry tambayan mo ba to?

Hindi okay lang. (Tumalon pababa mula sa sanga ng mababang puno) Im Irica Collamar. Freshmen section 2

Section 2? Classmate kita?

Hmmp. Oo classmate mo ko. Bat ano bang ginagawa mo dito?

Ahh Ehh.. Nagtatago ako may ginawa kasi akong scandal?

Scandal? (Lumapit sya sa kin)
Oh my. Malaki pala yung ano nya yung... Hinaharap buti pa sya biniyayaan. Tsaka ang ganda nya. Straight hair na naka blonde. Oy! Di ako tomboy ha.

Oo may nakaaway ako eh?

Nako!? Napaka war freak mo naman pala... (Di nya masabi name ko)

Zoey! (dinugtungan ko)

Eh sino ba yung naka away mo?

Ahmmm. Christian Stanford ata yon ewan ang haba ng pangalan.

Ano!? Zoey as in Kyle Christian Stanford Stacy? Oh my god.

Oo yun nga! Baket? Bat parang gulat na gulat ka?

Sh*t bes... Nagkamali ka ng binangga baket yun pa... Bes patay ka talaga.

Ah... Ahh... Ehhh.. Baket? Baket naman? Sabihin mo baket?

Ganito yon yang Kyle Christian na yan. Isa sa mga gwapo at kilalang kilala estudyante dito. Ang alam ko pa since na freshmen din sya dito din binuo yung grupo nyang mga tokmol.

Mga tokmol? (Siningit ko)

Oo mga tokmol yung grupo nyang mambubully dito ngayon actually tatlo sila si Zach Robert Shin Woo isang half Korean, tapos yung isa si Bennymel Carl Smith isang half Italian at yan si Kyle Christian pure Filipino

Oh anong pinagmamalaki ng kyle na yan at kung magyabang wagas.

Bes, si Kyle Christian hindi lang sa gwapo. Sila pa yung pinakamayaman dito sa school pinsan nila ang mga Stanford. Gaano kayaman ampelyido nya Stacy. Anong pangalan nitong University?

(Hindi ako maka imik) oh my gosh halos naiihi na ko sa sinabi nya . Sila kyle Christian ang may ari ng school!!!!! Nakooooo poooooooo

Halaaaaaa... 😨😰😱😭

Panget Turns MagandaWhere stories live. Discover now