Chapter 18: Get over

75.6K 2.5K 281
                                    

Chapter 18

Nilibot ko ang tingin ko sa paligid dahil wala akong nakikita na kahit na sino o maging ang anino rito sa loob ng mansyon nina Caleb.

"Ate Avery! " nakangiting salubong ni Baby Scarlet nang makita niya ako.

"I miss you baby, " bati ko at lumuhod ako para yakapin siya.

Hinalikan niya ako sa pisngi pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko at hinila papunta sa loob ng kwarto niya.

"Laro po tayo Ate," nagtatalon niyang wika at kaagad niyang kinuha ang mga laruan niya na nasa loob ng malaking box.

"Oo naman."

Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng kwarto niya at hindi ko mapigilang mamangha dahil sa ganda at linis.

Pwede ng ihalintulad sa kwarto ng isang prinsesa dahil halos lahat ng makikita ay puro princess maging ang drawing ng dingding.

Syempre kung may prinsesa may mga prinsipe din at 'yon ay ang kambal na si Xander at Caleb na ubod ng kagwapuhan.

"Suotin mo po 'to, Ate Avery, " aniya at inabot sa akin ang puting gown na hawak niya.

Nagtataka akong tumingin sa kanya dahil hindi ko alam na may ganitong white gown sa kwarto niya. Hindi pa naman kasya sa kanya dahil masyado pang mahaba 'to para suotin niya.

"Design ni Mommy, " nakangiti niyang wika kaya napangiti ako.

Tumayo ako at dumiretso sa cr niya at doon na ako magbihis. Tiningnan ko ang sarili ko at hindi ko mapigilang mamangha dahil sa ganda ng pagkakadesign nito.

Simple but elegant, no wonder kung bakit 'to ganun kaganda dahil si Tita Sandra ang nag design nito. Kilalang kilala si Tita dahil isa siyang sikat na fashion designer sa buong mundo.

"Kuya Xander naman! " rinig kong sabi ni Baby Scarler kaya natigilan ako ng marinig ko ang pangalang 'yon.

Sumilip ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko si Xander na kinukulit si Baby Scarlet.

Hanggang ngayon bumibilis parin ang tibok ng puso ko sa tuwing nakikita ko siya. Pumikit ako at napahigpit ang pagkakahawak ko sa magkabilang gilid ng gown na suot ko.

"Act like you don't know him," bulong ko sa sarili ko at mariin kong pinikit ang mata ko.

Lumabas ako ng banyo at natigilan ako nang magtama ang tingin naming dalawa. Nararamdaman kong naghihina ang tuhod ko kaya iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya bago pa ako matumba sa kinatatayuan ko.

Kahit na hindi ako nakatingin sa kanya ramdam ko na nakatitig siya sa akin. Nakaramdam ako ng ilang dahil sa suot ko. Siguro ang pangit ko sa paningin niya kaya nakatitig siya sa akin.

"WOW!!" manghang sabi ni Baby Scarlet at tumakbo siya papalapit sa akin.

"Para kang isang prinsesa, Ate Avery, " mangha niyang wika habang namimilog ang kanyang mata.

Namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Do I look like a princess? Ano ang dapat na itawag sa akin? "The Martyr Princess or The Princess without a Prince?"

Malakas akong napabuntong hininga dahil hindi ako isang prinsesa na kapag nailigtas lamang ng isang prinsipe ay magiging happily ever after na.

"Thank you," tugon ko at umikot ako sa harapan niya para ipakita ang kabuuan ng gown na suot ko.

"I'll be back, " rinig kong sabi ni Xander at mabilis na lumisan sa loob ng kwartong 'to.

Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko kakayanin pa na makasama ko siya sa iisang lugar.

Loving A Stoned Hearted Man (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon