SAITii *** Chapter 17

775 29 5
                                    

----------

SAITii *** Chapter 17

Nikolai Archer's POV


[ City's Meeting Room ]



Hindi ko napigilang mapatingin sa paligid habang pinagpapawisan ng matindi ng mapagitnaan ako ng dalawang myembro ng Blackwidow, umupo kasi sa kaliwa ko si Cassandra.. habang nasa kanan ko naman si Junno na tahimik lang.



Bakit ba ako pinatawag ni Louie dito?



"What are you doing there?"



Napaangat ako ng tingin saka nakitang nakatayo sa pinto si Hikaru Daichi na kadarating lang habang matalim na nakatingin sakin. Dahan dahan akong tumingin sa paligid pero lahat sila, may kaniya kaniyang ginagawa.



"H-H-Ha??"



Napalunok ako kasabay ng paglakas ng kabog ng dibdib ko.



"That's my seat."



Taranta akong napatayo dahil sa sinabi niya. Nagkalaglagan pa mga gamit ko na naging dahilan para matalim akong tingnan ni Cassandra tapos ýung gamit na nahulog sa lapag. Umiling lang siya saka akmang pupulutin ýon ng magsalita si Hikaru.



"It's your things.. you should be the one responsible for that."



Mabilis akong yumuko para damputin ýung mga gamit ko, kinabigla ko pa ng tamaan ko si Cassandra na nagpauntog sakaniya sa mesa. Mahina siyang napamura pero 'di ko inaasahang may pwersang nahila na ako ni Hikaru patayo ng akmang hahawakan ko si Cassandra, nakalapit na pala siya sakin, susuntukin niya pa ko ng maiwan sa ere kamao niya dahil sa pagsasalita ni Junno.



"Leave him alone.. Louie invited him."



Huhuhu! Inaano ko ba silaaaa!



Matalim na nakatingin sakin si Hikaru kaya napaiwas ako ng tingin. Saka ko lang din napansing nakatingin na samin si Nixon at Patricia, sabay silang nagiwas ng tingin saka ngumisi. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang pagngisi ni Phynx habang si Cass walang pakialam lang na nililinis na ang baril niya.



May pagmamakaawa akong tumingin kay Junno dahil hindi pa rin ako binibitawan ni Hikaru, pero ni hindi manlang siya nagabalang tingnan ako.

She's Always In Trouble [Season II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon