Chapter 9.2

775 59 26
                                    

Kisses' POV:

Tahimik lang ako ngayon sa kotse kasama si Joao, ewan ko ba? Di ko rin kasi sila magets ni Edward.

Nagkakatinginan sila sa mata tas boom! Sila lang din ang nagkakaintindihan.

"Ahh? San tayo pupunta?"

Binasag ko ang katahimikan na ako mismo ang nagsimula, nung marinig ko talaga yung word na "pagkain" walang ano ano, sumama talaga ako.

"Matagal tagal kana rin here in Baguio pero hindi mo pa totally napupuntahan ang mga lugar dito, at baka maging busy rin ako, kaya gusto ko makasama ka"

Para naman akong kinilig ng sinabi nya yun, napaka straight.forward nya.  Tinignan ko siya at sakto namang tumingin siya sakin, nginitian niya ko kaya agad akong napatingin sa bintana na katabi ko.

Confirmed na kinikilig ako, pero feel ko nagtataksil ako kay Edward kahit hindi kami, nababaliw na ata talaga ako for real. Maya maya lang ay tumigil yung kotse sa isang parking lot,

Unang bumaba si Joao para pagbuksan ako ng pinto, pagbaba ko ng kotse ay hinawakan niya ang kamay ko

"Today, let's pretend like its our last day seeing each other. Let's have fun"

Hindi ko maintindihan kung bat niya nasabi yun, hindi rin ako nakapag isip ng conclusions dahil distracted ako sa kamay namin.
After niyang sabihin yun ay tumakbo siya kaya napatakbo rin ako. Pumasok kami sa isang Mall at ewan ko lang kung saan niya ako dadalhin

Nagtataka ako, kasi the way he hold my hand, it is so comfortable, yung nararamdaman ko ngayon while looking at it, his hand fits perfectly with mine, like it was made for each other.

Gusto ko ilayo kamay ko kasi.parang  nagtataksil ako kay Edward aking sinisinta T_T

Hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng isang arcade, pumasok kami doon. Lumapit kami doon sa may bola, sabi niya paramihan raw kami ng masho-shoot.

"Ladies first"

Sabi niya

"Ayoko, ikaw na mauna"

Sagot ko sa kanya,

"Sige sige hahah"

Lumapit siya doon sa court at kumuha ng bola, bago siya mag shoot ay nagtanong ako

"Anong makukuha ko pag nanalo ako?"

Ibinaba niya saglit yung bola at nag isip

"Ahmm.. pili ka ng pagkain na kahit ano! Bibilhin ko para sayo"

Nakangiti nyang sabi pero sumimangot ako

"Daya ba! Sumama ako kasi given na yung ililibre mo ko ng kahit ano na pagkain na gusto ko! Yun sabi mo kanina"

Tumawa siya sa sinabi ko, at hinampas ko siya sa braso ng mahina. Ang labo nya oh!

"Aray! Grabe sya oh! Ang lakas makahampas"

"Ang hina lang nun,! "

"Haha ikaw na mag isip kung anong ipapagawa mo sakin pag natalo ako"

Yumuko ako para mag isip, ano bang magandang ipagawa sa lalaking to?
Inangat ko yung ulo ko at tumingin tingin sa paligid,

Hanggang sa may makita ako doong parang stage na may kakanta, itinuro ko yun agad at sinundan nya ng tingin ang tinuturo ko

"Kanta ka"

Masaya kong sabi at nakita kong napalunok pa siya ng laway, ang cute niya hahaha
Napalipat siya ng tingin sakin

"Deal, pag ako nanalo, ikaw kakanta"

Beautiful Stranger (SEASON 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon