Chapter 1
****
//RIELLE//
"Anak, lumabas ka na diyan kagabi ka pa hindi lumalabas ng kwarto. Ilang araw ka ba magkukulong diyan? Hindi lang siya ang lalaking nasa mundong 'to Rielle." sabi ni mama. Tama siya kagabi pa ako nagkukulong dito hindi pa nga ako kumakain wala akong ganang kumain. Maraming lalaki nga ang nasa mundong ito, pero siya lang naman ang mahal ko. Kung pwede lang dito nalang ako sa kwarto habang buhay mas okay pa.
"Ayaw ko pang lumabas, Ma." walang buhay kong sabi kay mama, sana maintindihan mo ako mama alam kong nag-aalala na kayo kagabi pa. Mukhang hindi ko pa kayang harapin ang labas ng kwartong 'to. Narinig ko ang papalayong yabag ng mga paa ni mama.
(A/N: play the song on the multimedia para damang dama)
"Maaari ba muna natin 'tong pag usapan~
Sa dami-rami na ng ating pinagdaanan~"
Bakit bigla na niya akong iniwan? May kulang ba sakin? May mali ba akong nagawa? Kulang pa ba ang inaalay kong pagmamahal sa kanya? Iniwan niya ako nang hindi namin pinag usapan.
"Ngayon mo pa ba maiisipang isuko ang lahat ng ating pinagsamahan~
Masikip sa damdamin~
Hinigop ng hangin ang lakas~
Pinaghihinaan ng wagas~"
Masaya naman tayo pero bakit biglang gumanito? Mahal naman natin ang isa't isa pero bakit iniwan mo parin ako? Hindi pa ba ako sapat kaya iniwan mo ako?
"Pwede bang pag isipan wag ka munang lumiban~
Baka sakali na ito ay masalba pa.~"
Pero huli na ang lahat, hindi na pwedeng isalba pa.
"Lumalamig ang gabi~
Hindi na tulad ng dati~"
Tama nga ang sinasabi nila, sa una lang sila magaling, sa una lang sila sweet, sa una lang sila maeffort.
"May pagasa pa ba kung susuko ka na~
Larawan mo ba'y lulukutin ko na~"
May pagasa pa nga ba? Kung ikaw na mismo ang unang bumitaw.
"Sa hirap at ginhawa tayo ay nag sama~
Damdamin mo tila'y napagod na~"
Sa lahat ng problema mo ako ang karamay mo. Kasiyahan mo, kasiyahan ko. Kalungkutan mo, kalungkutan ko. Problema mo, problema ko. Pangarap mo, pangarap ko. Pero bakit ganun? Bakit bigla kang napagod? Bakit biglang naglaho ang pagmamahal mo?