~chapter 1~

44 1 1
                                    

Deserie's POV

"Deserie,ang sakit sakit kasi eh!"pagmamaktol nitong babaeng nasa harapan ko. Hay nako. Kung bakit siya umiiyak? Niloko lang naman siya ng kanyang pinakamamahal na lalaki. Sa kanya na nga umiikot ang mundo nitong babaeng to!

"Wendy,tumigil ka na nga jan sa kakainom mo! Tara na,umuwi na tayo"sabi ko habang inaayos ang damit ko. Ginusot kasi ng babaeng to kanina nung hinila niya ako papunta dito sa isang tindahan. Oo tindahan,di pa kasi kami pwedeng pumasok dun. Bata pa kami. Kaya eto,umiinom siya ngayon sa tindahan namin. Oo tindahan namin. I mean,tindahan ng tita ko. Pfft!

"Ayoko! Gusto kong makalimutan yung sakit na binigay nila sakin! Huhuhu!"ang kulit ng babaeng to! Ang tigas ng ulo!

"Sa tingin mo ba makakalimutan mo siya gamit ang alak? Hindi Wendy. Eh kung gawin mong busy yung sarili mo para hindi mo na siya isipin! Nako! Jusko Wendy!"sabi ko at kinamot ng malakas ang ulo ko. Naiinis na ako!

"Waaahhh!!! Huhuhuhu!"Umiyak naman siya ng malakas at uminom ng alak.

Hinila ko na siya at inalalayan. Masyado na din kasing madami ang nainom nito! Nag paalam na muna ako kay tita at nagsimula ng maglakad.

Malapit lang naman ang bahay namin sa tindahan ni tita kaya mabilis kaming nakarating sa bahay.

Nang makarating kami sa bahay,dinala ko muna si Wendy sa kwarto ko. Ihiniga ko siya sa kama ko.

"Ang bigat mo Wendy,sa susunod wag na wag ka ng iinom ha?"sabi ko habang nakapameywang. Jusko! Itong babaeng to.

"Deserie,dito muna ako matutulog sa kwarto mo please? Dun ka na lang sa guestroom. Sige goodnight"aba! Di pa nga ako pumapayag eh! Tapos tinulugan pa ako. Aba demanding!

"Oy Wendy,wag na wag mong susukaan yang bedsheet ko ah"sabi ko bago umalis. Kwarto ko yun eh,iba naman ang nahiga sa kama. Ako pa tong matutulog sa kwarto.

Ay hindi pa pala ako nakikipag kilala sa inyo. Ako nga pala si Deserie Myles Gonzaga. 16 years old. Nag aaral ako sa BLAIN Academy. Atsaka yung lasinggerang babaeng yun? Siya si Wendy Dion. Ang babaeng maingay,madaldal etc. Kaya siya umiinom kanina,kasi ganito yun.

*FLASHBACK*

Naglalakad kami ni Wendy ng may marinig kami sa may gym.

"Kleo,sabihin mo na kasi sa cheap mong girlfriend na may relasyon tayo"boses babae.

"Oo,kakausapin ko siya mamaya. Ituloy na natin"sabi naman nung Kleo daw. I know,yun ang name ng boyfriend nitong babaeng to eh.

Sa gym na yun,may naririnig kaming umuungol. Hala! Siguro gumagawa sila ng milagro.

"Wen--"hala! Asan si Wendy? Pagkaharap ko,nako! Papasok siya sa gym?

"Wendy!"tawag ko sa kanya. Pero huli na,nakapasok na siya.

Sinundan ko naman siya. Nakita ko na walang tigil ang mga luha na tumutulo sa pisngi niya.

Natigil naman sa paghahalikan yung dalawa. Kita ko sa mata nila na gulat na gulat sila.

"W-wendy?"sabi ni Kleo. Yung boy.

"Yan na ba yung gf mo?"Sabi nung malanding girl. Di na lang ito pinansin ni Kleo at nakatingin lang kay Wendy na hindi pa tumitigil sa pag iyak. Umiiyak siya pero pinipigilan niya lang humikbi.

"Kleo? Bakit? Bakit mo nagawa sakin to?"sabi ni Wendy habang lumuluha.

"Wendy I can ex--"

"I dont need your fvcking explanation?! Sapat na yung nakita ko Kleo,na hindi mo ako mahal! Walang hiya ka! Kayo! Minahal kita ng buong buo,tapos ano? Eto igaganti mo sakin? Ang lokohin ako? Na itago na may karelasyon kang iba?"dun na tuluyang humikbi si Wendy. Naawa na ako kay Wendy.

"Babe,hayaan mo na yang cheap mong gf,i-break mo na. Ang tagal eh"sabi naman nung maharot na girl. Kung di lang ako nag titimpi kanina ko pa to pinag sasapak at sinabunutan. Ang harot!

"Hindi,ako na ang makikipag-break"deretsang sabi ni Wendy.

"Wh- W-wendy?"

"Good! Makakaalis na kayong dalawa"di ko na talaga kaya!

Lumapit ako dun sa babae at sinapak ito.

"Ikaw babaeng maharot! Wag na wag mo kaming gaganunin ha?! Kala mo naman kagandahan! Bwisit! Mag sama kayo ng lalaking manloloko na yan! Bagay naman kayo eh! Isang malandi at isang manloloko. Oh diba? Perfect combination?! Mag sama kayo!"sabi ko at tinalikuran siya. Nakakainis talaga yung maharot na yun!

"Wendy tara na"sabi ko at hinila siya. Baka makapatay pa ako ng maharot na babae dito.

"Wendy wait"sabi ni Kleo

"We're over"sabi ni Wendy na may pagka cold ang boses niya.

At dun kami tuluyang umalis sa gym na yun! Nakaka paginit ng ulo!

*FLASHBACK ENDS*

Now you all know kung bakit siya naglalasing? Hay. Kung sino sino na lang kasi yung binoboyfriend niya. Di na natuto sa una. Pang-apat na boyfriend niya na yan. As in lahat sila parang yung kay Kleo rin lang ang ginawa. Nambabae.

Nahiga na ako sa kama at ipinikit ang mga mata ko.

Goodnight.

*
**
***
****
***
**
*
**
***
****
***
**
*
*****************
*****************
*****************



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 07, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secretly in a RELATIONSHIPWhere stories live. Discover now