"Bryle..."
"Mamimiss kita, sobra."
"Mamimiss din kita."
"Walang kalimutan ha?"
Pinalo ko siya, "Paano ko makakalimutan ang kaisa-isang lalaking best friend ko na nakasama ko simula bata?"
Tumawa siya, "Basta lagi mong iingatan sarili mo do'n ha?"
"Oo naman. Mamimiss ko kayong lahat. 'Wag mo nang masyadong kaisipin si Aimee, darating rin ang karma sa kaniya."
"Salamat Sky. Aral ka mabuti ha?"
I bowed my head. I hate this feeling. Hindi ako makatingin sa mga mata niya kasi naiiyak ako.
"Sky naman. 'Wag ka nang umiyak, please?" pinunasan niya 'yung mga luha ko habang siya namumuo na 'yung luha sa mata.
"Wala na akong best friend do'n. Wala nang magtuturo sa'kin mag gitara, wala nang magtuturo sa'kin mag piano. Wala na akong kasama pagbuo ng sail and castle sa sand."
"Ano ka ba? Nandito pa din ako, hindi mo lang ako makikita, but I will be always with you." May kinuha siya sa bulsa niya. "Here, lagi mong isuot 'to ha? 'Pag may problema ka, tingnan mo lang 'yan para maalala mo ang pinakagwapo mong best friend." Sinuot niya sa'kin 'yung kwintas na may nakalagay na sailboat. "Iyakin ka pa naman."
Favorite kasi namin 'yung sailboat, lalo na pag nasa beach kami, nilalaro namin yung sailboat na laruan.
"Kadiri ka! Gwapo ka diyan. Last day ko na nga dito sa Pilipinas nagjo-joke ka pa. Sige na. Isang selfie muna bago ako umalis. Pag ako naiwan ng eroplano etong sailboat na nasa kwintas na bigay mo ang gagamitin ko sige ka." And then we laughed together.
I will miss this. I will miss everything.
We hugged each other as we said goodbye.
-----------
A/N: First of all, thank you so much for reading!! Don't forget to vote and comment. Lovelove!
YOU ARE READING
A Taste of Summer
RomanceHe isn't my boyfriend. But I love the way he smiles, the way he talks, the way he calls my name, the way he looks at me, the way he laughs, the way we wander around the beach, the way were best friends. And of course, I love the way he loves me.