Chapter 1: Vacation

1K 41 30
                                    

Nash's POV

Nandito ako sa airport nagbabakasyon kaming buong family dito sa manila.Sa totoo ayaw ko sumama kasi alam ko naman na mainit dito. Napilitan lang ako kasi wala akong kasama sa bahay.

''Ayon ang tita mo, tayo na at hinihintay niya tayo" sabi ni mamang

"Nanjan na ho mamang" - sabi ko

Mamang ang tawag namin sa mama naming at papang ang tawag sa papa namin..

May kapatid ako na sobrang kulit, si Nisah

Ako nga pala si Nashif Pangandamun. Nash for short.

'' Nandito na tayo'' - sabi ni tita

Grabe mas gusto ko parin yung bahay namin hehehe Ewan mas comportable ako don. Pumasok na kami sa loob at sinalubong naman kami ng kanyang Asawa at ang pinsan kong si Akisa.

''Nashif, kumusta na?''tanong ng pinsan kong si Akisa.

''Ok naman, ikaw?''

''Ok din, buti at sumama ka, kala ko hindi ka dito pupunta''

''Napilitan lang ako''

Hindi siya nagsalita

Lumabas ako ng saglit dahil walang magawa sa loob.Tumambay ako sa may upuan sa garden ng tita ko.Very open yun nakikita pa ang mga dumadaan sa kalsada.maya-maya may dumaan, mga bakla!

''Tingnan mo ang gwapo niya!''

''Oo nga, hi pogi''

Hindi ko sila pinansin. I just pretend hindi ko sila narinig o di kaya'y hindi ko sila naiitindihan..

''Ai! Ang snob naman ni pogi''

Sabi nila pero hindi ko pa rin sila pinansin nagcellphone lang ako. nagbabasa ng manga.Lumabas si Akisa.

''Onotiya sa tinda (mean:Samahan mo nga ako sa tindahan)"

''Inoto?(mean: why?)"

''Madakl a phamasaan akn (mean: madami akong bibilhin)"

''Taroo (mean: punta na tayo don)"

Pumunta na kami sa tindahan at bumili ng snacks at sprite. Pagkatapos non ay bumalik kami sa bahay at nagkwentuhan habang nagmemeryenda. Pagkalipas ng ilang oras ay napagdesisyonan kong maglakad lakad ako sa labas. naiinip na kasi ako sa bahay este sa bahay nina tita. hindi naman ako maliligaw, may sense ako sa direction hindi ako makalimutin.Iba-ibang tao ang nakakasalubong ko , may nakita akong babae, Nahulog ang mga dala niya dahil nabangga siya ng isang batang lalaki na hindi man nagsorry o tinulongan ang babae.Hindi ko mapigilan ang sarili ko na tulongan siya.

''Ayan miss, ang iba pang gamit mo''

''Thanks''

Ngumiti lang ako.. Nang aalis na ako.

''Wait! p-pwedi bang tulongan mo akong dalhin ang iba pang gamit?''

''Mmm.. san ka pala pupunta?''

''Jan Lang, mejo malapit na ako.''

" 'kay, ''

Kanina pang walang nagsasalita.. dala ko ang iba pang gamit...

''Salamat talaga ha, ang bigat pa ng mga ito, sensya rin sa istorbo'' - sabi niya

''Wala yun'' ningitian ko siya

''Hmmm.. Ano pala Ang pangalan mo?''

''Nash''

Yun ang sinabi ko.. wait.. sinabi ko! Ba't ko pa nasabi ang panglan ko? Shit naman oh!

''Ako nga pala si Maria Emily Flores''

''Mejo mahaba ang pangalan mo, ano ang itatawag ko sayo?''

''Maria o di kaya'y Emily''

Tao.. bakit ka pa makikipag-usap sa babaeng yan?! Well, wala naman siguro masama..

Bahala na...

''Andito na tayo, salamat ulit''

''walang anuman''

Aalis na ako...

''Nash! salamat ulit, ingat sa daan" ngumiti siya

Ngumiti na lang ako't umalis.

Emily's POV

Ningitian niya ako, what a smile. Mas lalo siyang gumugwapo!

Naku, Emily Malay mo chick boy yan kaya umaus ka nga.

OK OK pumasok ako sa loob. Parang baliw ako kinakausap ko pa ang sarili ko.

''Sino yun?'' tanong ng kaibigan kong si Lisa

''Yun , tinulongan lang niya ako''

''hmmm.. '' itinaas pa ang kilay ah ibig sabihin yun hindi siya naniniwala nagsalita siya ulit. ''Isa naman sa mga manliligaw mo?''

''Hindi, ngayon lang kami nagkita eh. at saka po tinulongan niya talaga akong dalhin yung mga dalako. Kasi po may bumangga sakin nihindi ngsory sakin o tinulongan . Buti tinulonggan akong lalaking yun''

mejo kong mahabang paliwanag..

''ah okay"

Nagkaroon ng konting katahimikan pero binasag niya.

"Nga pala alamo na yung ngalan ng pogi nayun ?''

''Bakit mo naitanong?''

''Malay mo , makasalubong niya ako sa daan tas nagandahan sakin''

''Ang landi-landi mo talaga''

''Ouch, ang sakit sakit mong magsalita''

Binatukan ko siya at ayun bumalik sa trabaho. hmmm magkikita pa ba kami ng boy na yun? Hindi siguro masyadong malaki ang manila at saka hindi naman ako umaasa noh. hellow, hindi mukha ang importante , its attitude. Pero gusto ko ata siyang imaging kaibigan? Ahhhh whatever.

Hindi ko pa pala naintroduce ang sarili ko noh , ako pro si Maria Emily Flores , isang saleslady ng bench . Simple girl lang ako, sensitive, may pagkataray kapag naubos ang pasinsya ko, madali akong magpatawad sa akin kapwa tao.

''Maria, kelan mo ba ako sasagutin ng Oo? oh Kay tagal ko na manliligaw sayo''

Andito na naman ang pisteng to, hindi nagsasawang ligawan ako. Siya ng a pala si Bryan, babaero yan, dami kasi siyang gf! kaya nga hindi ko siya sinagot ng oo, kasi alam ko sasaktan lang niya ako.

'' tsi ! Tama na nga yan ! Kahit ikaw lang ang lalaki sa mundo, hinding-hindi ako sayo papatol! At saka anjan naman si Lisa ah, handanang magpaligaw''

''wag mo kasing pilitin , hindi payan handang umibig pang muli''-Lisa

'' bakit ba kasi hanggang ngayon hindi kapa nakamove-on! Hindi kana niya mahal diba?''

"FYI! Hindi kami nag break up!"

''ay sorry.. "Bryan

Buti may customer kaya naputol ang usapan.

_ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _ _

How's the beginning?

thanks for reading

♠PrinceJalil

Till the endWhere stories live. Discover now