7 Thinking Of Her

2 1 0
                                    

Chapter 7 - Thinking Of Her

Ronnie.

Ano kaya nararamdaman ni Deegee ngayon? Hays. Bakit ko ba kase sinabi? Pero sabi kase ng bestfriend kong si Zam, kung mo mahal mo ang isang tao, iparamdam mo sa kanya.

Pero hindi ko kaya eh. Hindi ko alam kung paano ko gagawin. Ang gago ko pa! Naunahan pa ako nitong bestfriend ko. Hindi ko nga alam na si Deegee yung gusto niya.

Paano nalang kung nalaman niya sa si Deegee din yung babaeng sinasabi ko sa kanya? Napakabagal ko talaga. Kaya ko lang naman nasabi kay Deegee dahil pinangunahan ako ng matinding selos.

Hindi ko na kayang makita silang magkasama. Pinipikit ko nalang ang mata ko. Nung palabas kami sa OMNHS. T*ngina, nakita kong hinalikan ni Zam si Deegee. Parang gusto ko na siyang suntukin. Pero hindi ko magawa. Bestfriend ko siya eh.

Nung pagkadating nila sa room? Pucha! Nakaholdhands pa sila. Gusto ko talagang sumugod at suntukin siya. Pero hindi eh. Hindi ko magawa kase baka magalit lang sa akin si Deegee. Alam ko naman na gusto niya si Zam at hindi ako. Napakatanga ko lang lase umasa pa ako.

Kanina pa ako dito sa pool. Inagahan ko talaga. Ayan na yung kotse nila Deegee. Bumaba na si Kuya Don. Teka? Si Deegee? Nasan siya? Hindi ba siya magtetraining? Bakit?

Pagkadating na pagkadating ni Kuya Don. Tinanong ko agad siya.

"Kuya Do--"

"Nasan si Deegee?" Tanong si Zam. Pucha talaga oh. Pati ba naman dito mauunahan pa niya ako?

"Ayaw niya magtraining eh"

Ayaw magtraining? Bakit naman? Hay nako. Baka gusto niya lang mapagisa. Bukas na bukas, kakausapin ko na si Deegee. Ipaparamdam ko na mahal na mahal ko siya. Ipapakita ko na ako ang karapatdapat sa kanya.

--

Zam.

Sa lahat ng mga babaeng nagustuhan ko. Si Deegee ang pinakagusto ko sa lahat. Nakakaakit kase siya. Ang sexy sexy niya tapos matangkad pa. Ganyang babae ang mga type ko. Sa gwapo kong ito? Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa akin. Kaya sigurado ako, gusto rin ako ni Deegee. Kaya kapag naging akin na si Deegee. Sisiguraduhin kong walang ibang kamay ang hahawak sa kanya.

Eto namang bestfriend ko na si Ronnie. Kapag nagkekwento ako sa kanya tungkol sa amin ni Deegee, hindi siya nakikinig. Parang siya pa ang may ayaw sa amin. Bakit? Eh marami nga ang nagsasabing bagay kami eh. Loveteam pa kami.

Pero kahit ganyan ang inaasal niya, bestfriend ko parin siya at mahal na mahal ko yan. Hindi nga kami mapaghiwalay ni Ronnie noon eh. Noong mga bata kami, lagi akong pumupunta sa bahay nila para makapaglaro lang kami ng Xbox. Sobrang close kami noon hanggang ngayon. Sobrang saya magkaroon ng bestfriend. Kase parang magkapatid narin kayo. Kapatid na nga ang turing ko kay Ronnie eh.

Wala namang magawa dito sa bahay. Alam ko na, pupunta ako sa bahay nila Ronnie. Wala namang assignments ngayon kaya free kami.

"Huy Bestfriend Ronnie!"

"Uy, bakit ka nandito?"

"Wala ako magawa sa bahay eh."

"Sige sige, tara maglaro"

Binuksan ni Ronnie ang TV nila at doon kami naglaro.

"Sa tingin mo, gusto din kaya ako ni Deegee?"

Tumingin ako kay Ronnie, hindi siya sumasagot. Problema nito?

"Ha? Bakit mo naman natanong"

"Wala, kung ako kase ang gusto niya. Balak kong ligawan siya" seryoso kong sabi. Nanlaki ang mata ni Ronnie sa sinabi ko.

"Sigurado ka ba dyan?" Tanong niya.

"Oo naman" sabi ko. Eh pano kung hindi niya ako gusto? Ah alam ko na.

"Ronnie, pano kaya kung...... itanong mo sa kanya kung sino ang gusto niya. Close naman kayo nun diba?" Nagulat siya sa sinabi ko.

"Ha? Bakit ako? Marami namang iba dyan ah"

"Eh ikaw gusto ko eh"

"Oo na, sige na" seryoso niyang sabi.

"Thank you pare!" Niyakap ko siya.

Gabi na pala. Uuwi na nga ako. Paalam lang ako kay Ronnie.

"Uy, uuwi na ako ha"

"Osige. Bye"

Lumakad na ako palayo.

"Oy Ronnie, yung pinapagawa ko ha!" Sigaw ko tapos lumabas na.

Oo nga noh, mag kalapit lang ng bahay sina Ronnie at Deegee. Puntahan ko kaya si Deegee. Naalala ko gabi na pala baka hinahanap na ako ni mama. Wag na nga. Uuwi na lang ako.

--

Ronnie.

"Huy bestfriend Ronnie!" Bakit nandito si Zam?

"Uy, bakit ka nandito?"

"Wala ako magawa sa bahay eh" sus. Ang sabihin mo, papagusapan natin si Deegee.

"Sige sige, tara maglaro"

Naglato nalang kami ng xbox. Tahimik lang kami maglaro.

"Sa tingin mo gusto din kaya ako ni Deegee?" Basag niya sa katahimikan. Nanlaki ang mata ko sa tanong niya. Nagpanggap nalang ako na parang wala akong narinig. Pero nung nakita kong kumunot ang noo niya. Sinagot ko nalang siya.

"Ha? Bakit mo naman natanong"

"Wala, kung ako kase ang gusto niya. Balak kong ligawan siya" WTF! Ligawan?

"Sigurado ka ba dyan?"

"Oo naman" wews. Eh paano kung hindi siya gusto ni Deegee. Hayss, alam ko naman talaga na gusto siya ni Deegee eh. Wala na talaga akong pag asa. Hanggang kaibigan lang talaga kaming dalawa ni Deegee.

"Ronnie, pano kung..... Itanong mo sa kanya kung sino ang gusto niya. Close naman kayo nun diba?" Ako? Bakit kailangang ako?

"Ha? Bakit ako? Marami namang iba dyan ah" sabi ko.

"Eh ikaw gusto ko eh"

"Oo na, sige na." Sobrang saya niya nung sinabi ko yun. Napatalon pa siya sa sobrang saya.

"Thank you pare!" Sabi niya tapos niyakap niya ako. Deegee, wag mong sagutin si Zam please. Ako nalang.

"Uuwi na ako ha"

"Osige. Bye"

Lumakad na siya papunta sa pinto. Nilingon niya ulit ako.

"Ronnie, yung pinapagawa ko ha!" At sinarado na niya ang pinto.

Pucha! Si Deegee? Liligawan ni Zam? At pinapatanong pa sa akin kung sino ang gusto ni Deegee.

Bakit ba siya pa ang minahal ko? Bakit minahal ko pa yung taong alam kong hindi naman magiging akin? Hindi ko naman sinisisi ang sarili ko na minahal ko siya. Normal lang naman ang magmahal eh.

Kailangan kong makahanap ng paraan para hindi sagutin ni Deegee si Zam. Akin ka nalang Deegee. Sisiguraduhin ko na hindi kita masasaktan.

The Unexpected Love (TUL) [ONGOING~]Where stories live. Discover now