Chapter 8 - Kath n' DJ
Daniela.
Hay nako. Nakakatamad na pumasok. Ayaw ko na naman makita yung dalawang yun.
Wait, oo nga pala. Kailangan ko silang makita. Pagmamasdan ko pa sila. Hanggang ngayon hindi parin ako makapili. Kahit si Kuya nahihirapan sa sitwasyon ko eh. Parehas daw kase siya may tiwala kay Ronnie at Zam. Pero para sa kanya, mas mabait ni Ronnie.
Paakyat na ako sa 3rd floor.
"Akin na yang bag mo" sabi ni Ronnie. Kinuha niya ang bag kong kulay mint green at sabay kaming umakyat. Aba, gentleman naman pala tong si Ronnie. 1 point for him.
Pero sa totoo lang, naiilang parin ako sa kanya. Mahal niya ako diba? Tahimik lang kami habang umaakyat.
"Kamusta naman gising mo Miss Beautiful?" Basag niya sa katahimikan. Aba aba, agang aga pinapakilig ako nito. Tumungo ako kase baka makita niya na namumula ako.
"Ayos lang naman. Hehe"
"You're blushing, Deegee" tumawa siya ng mahina. Aish nakita tuloy niya.
Nandito na kami sa room. Pinauna niya ako pumasok oara hindi halata na nagsabay kami. Mahirap na, baka mahuli kami ng crush kong si Zam. Baka suntukin pa niya si Ronnie.
Pero... Naaawa parin ako kay Ronnie, mahal niya ako diba? Eh si Zam? Gusto niya lang ako. Ewan ko pero yun ang sabi niya eh. Si Zam, ang pagkagusto ko sa kanya ay parang pag tae, sobrang hirap pigilan pero may kulang eh. Walang spark pagdating sa kanya. Kay Ronnie naman, hindi ko maintindihan kase pag nakikita ko siya, nagiislowmo ang lahat. Lord, bigyan mo naman ako ng sign kung sino ba yung dapat kong piliin.
Umupo na ako sa upuan ko. Napatingin ako sa gilid ko. Si Zam? Nasan na siya? Absent ba siya? Bakit? May sakit ba siya?
Ang dami kong tanong. Hay nako, alalang alala na ako sa kanya. Pag mamaya sa training hindi ko yun nakita, baka may sakit siya o kaya umalis at may pinuntahan. O kaya trip lang niyang hindi pumasok. Hayss
Nagring na ang bell at recess na namin. Bumili lang kami ni Ronnie ng makakain tapos niyaya niya akong maglakad lakad. Nag-usap lang kami tungkol sa mga bagay bagay.
"Oo nga pala. PRISAA Meet na natin next week. Sasali ka ba sa swimming?" Sabi ni Ronnie.
"Ha? Ano yung PRISAA?" Tanong ko sa kanya.
"Uhm, labanan yun ng mga private schools" ahh ok, sasali ba ako? Of course! Kase kung hindi baka hindi ako makalaro ng city meet, baka hindi ako makalaro sa MIMAROPA! Even Palarong Pambansa! Well, hindi nga naman sure kung makakapag Palarong Pambansa ako, or MIMAROPA.
"Ahm, ikaw? Sasali ka ba?" Tanong ko.
"Oo naman"
"Sige, sasali na din ako"
Sa pag-uusap namin hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa backstage. Napatigil kami dito at napatingin kami sa isa't isa.
.
.
.
.
.AKWARD!
Bakit nga pala kami nandito? Naalala ko tuloy yung nandito kami. Nung nagtapat siya saken. Nung sinabi niya na mahal niya ako.
"Deegee" hinawakan niya kamay ko. Shete, kinakabahan ako! Anong gagawin niya! "Dito ka, upo ka sa tabi ko"
Umupo lang kami sa sahig, nakasandal kami sa dingding. Hays, ano ba kaseng ginagawa namin dito.
"Si Zam ba talaga yung gusto mo?" Tanong ni Ronnie.
What? Alam niya? Alam niya na gusto ko si Zam? Grabe naman niya makahalata o kaya talagang halata na.
YOU ARE READING
The Unexpected Love (TUL) [ONGOING~]
Ficção AdolescenteSi Daniela del Mundo, isang magaling na malalangoy na hindi inaasahang maiinlove sa dalawa pang magaling na manlalangoy na sina Ronnie Gomez at si Zam Mendoza. Naguguluhan siyang pumumili sa kanilang dalawa. Sino kaya ang pipiliin ni Daniela? Ano ka...