9 Partners

5 1 0
                                    

Chapter 9 - Partners

Daniela.

Oh. My. Goodness. Sh*t.

Wala na, wala na yung first kiss ko. Napapunta na kay Ronnie. Kay Ronnie na nagpapaslow motion ng mundo ko. Si Ronnie na hindi ko maintindihan ang feelings ko sa kanya. Si Ronnie na..... Si Ronnie na.... Mahal ko na ata.

Shete. Hindi ko alam kung paano ko to sasabihin kay Kuya, kay Mommy, kay Daddy. Huhuhu.

"Huy ano ba? Tara na!" Sabi ni Kuya. Hays oo nga pala, may training ngayon. Hala makikita ko na naman si Ronnie. Ano kayang mangyayari? Hays.

Sumakay na kami sa kotse namin. Nasa pinakanglikod kami dahil dun gusto ni Kuya eh. Sasabihin ko na ba sa kanya? Sige, sasabihin ko na. Pabulong para hindi mapakinggan ng driver at sabihin pa kay mommy.

"Kuya..." Tawag ko sa kanya.

"Oh?"

"May sasabihin ako"

"Go"

Lumapit ako sa tenga niya at saka sinabi....

"Kuya, may first kiss na ako"

"ANO?! WHAT THE FU--" tinakpan ko bibig niya. Aish sobrang ingay. "Sino ha? Sin--"

"Shhhhh"

"Sino nga?" Pabulong niyang sabi.

"Ronnie" nanlaki ang mata siya. Gulat na gulat siya sa sinabi ko.

"Oh yeah" sabi niya. Oh yeah? Bakit? Problema nito

"Bakit ha?"

"Wala wala." At tumawa ng malakas. At napatingin sa akin saka siya ngumiti na parang may binabalak. Hala.

--

Nandito na kami sa pool. Nandito si Zam. Hay nako, bakit  ba hindi pumasok yunh baliw na yun.

"Yow, Kuya Don!" Sabi ni Ronnie. Tumingin siya saken at kinindatan niya ako. Shete, nakita ba yun ni Kuya?

"Uy pareng Ronnie! Tara sa bleachers, may papagusapan tayo" sabi ni Kuya at tumingin sakin sabay ngiti na parang may binabalak. Shete ka talaga Kuya!

"Deegee!" Sigaw nina Shane, Alexa at Ate Ely at tumabi sila saken. Sabihin ko kaya sa kanila?

"Hey guys, I have something to tell"

"Ano yun! Ano yun! Ano yun!" Sabay sabay nilang sabi. Hays, mga excited eh.

"May first kiss na ako eh" nanlaki lahat ang mata nila sa sinabi ko.

"Oh. My. Gosh" sabi ni Nikki

"Weh?" Sabi ni ate Ely

"What?!" Sabi ni Shane.

Sabay sabay nilang lahat sinabi yang lahat. Hindi sila makapaniwala.

"Guys, kalma" sabi ko.

"Ok ok. Sino yon? At paano?" Sabi ni Ate Ely.

"Si Ronnie" ganun parin ang mga reaksyon nila. Pero mas lalo silang nagulat.

"Paano?" excited na sabi ni Shane.

"Eh kase, nag aacting lang naman kami ng mga scenes sa Barcelona tapos......tapos......."

"Tapos ano!?" Ano ba to. Excited na excited sila.

"Tapos....yun na"

"Oh. Em. Geeeeeeeee!!!!!!!!!!" Sigaw ni Shane.

"Shhh!" Sabi ko. Sinabi ko sa kanilang lahat yung buong nangyari.

"Don't worry! I also had my first kiss when I was grade 7" sabi ni Ate Ely.

The Unexpected Love (TUL) [ONGOING~]Where stories live. Discover now