*°°°*
Lahat ng pangyayari, pangalan, bagay, at bumubuo sa kwento ay pawang art of mind lamang. Ano mang parehong insidente na nakapaloob sa kwento ay di sinasadya o ito ay isang coinsidence.Special thanks sa pinsan ko na pinahiram sakin ang naka-baul nyang picture na cover ng book na ito at sa talented kong kaibigan (naks!) meranathe na nag layout ng cover.
*°°°*
"Tignan mo ang mga ulap ronie."
Minulat ni Ronie ang kanyang mga mata at nakitang madilim ang paligid.
"At nasan ang kagandahan ng ulap dyan?" sagot nito at nakita nyang nakapikit si Sheena. "langya! nakapikit ka tapos sasabihin mong maaliwalas ang ulap!" dagdag pa ni Ronie.
Sumagot si Sheena, "alam mo, ang magagandang tanawin ay nakikita kapag nakapikit ka. Subukan mo. dali!" sabay tingin kay ronie.
"bilis na!"
"pikit na..."
Pinikit ni Ronie ang kanyang mga mata. Ang mga kamay niya ay nasa ilalim ng kanyang ulo, nakapatong ang isang paa nito sa isa. Umuugong ang hangin mula sa punong kahoy na nasisilungan ng dalawa at biglang bumuhos ang malakas na ulan.
"uy! Sheena, umuulan na!" gulat na pagkakasabi ni Ronie habang kinakalabit ang mga braso nito.
Napatitig si Sheena kay Ronie at ganun din si Ronie.
"Ronie." wika ni Sheena.
"shsss.. wag kang mag alala. magiging okay ang lahat." Mahinahon na sabe ni Ronie.
.........
"Uy! san ka mag lalunch?"
"Mitch! sabay na tayo, uh!"
"Hoy!" pasigaw pa na dugtong ni Lara, best friend nya simula nung high school pa sila.
"Ano na naman kase yan?" tanong ng best friend nya. "love story na naman?" dagdag pa nya.
"Ikaapat na libro ko na ito Lars, support nalang please..." sagot ni Mitch.
Sa kasalukuyan, 3rd year college na si Mitch na nag aaral sa isang universidad sa maynila, pagdodoktor ang kinukuha nito pero hilig padin niya ang mag sulat, kahit sobrang pressure na ito sa pag-aaral.
Sa katunayan, ang parents ni Mitch ay napaka-supportive sa kanya. Meron silang jewellery shop na sya namang business ng kanyang mommy at isa ring doktor ang kanyang daddy. Dalawa lang silang magkapatid pero malayo ang agwat sa isa't isa, dahilan kung bat di nya masyadong mapagsabihan ng problema. Maraming taga hanga si Mitch, kung tutuusin nasa kanya na ang mga hinahanap ng mga lalaki. Di naman masyadong pormal si Mitch, may kakalugan din ito sa katawan kaya madami din ang kanyang nagiging kaibigan. Di naman famous sa paaralan at simple lang kung manamit, di active sa social networking sites at madalang gumamit ng mga mamahaling gadget. sa madaling sabi, sya ay napalaki ng mahusay ng kangyang mga magulang. Kapag breaktime sa paaralan, o kaya sa bahay nila, kapag walang ginagawa, sinisingit nya ang pagsusulat ng mga love story.
"Mitch!" tawag ni Raffy.
"Oh Raffy, san ka papunta?" tanong ni Mitch.
"Bibili sana ako ng libro sa may recto, dun sa binibilihan naten. kelangan ko kase ng reviewer sa biochemistry."
Nangaasar na sagot ni Mitch. "o tapos?" at kumikirap kirap ang mata.
"Pasama. please." pasuyo na sagot ni Raffy.
YOU ARE READING
MITCH
Non-FictionKarangyaan, kaibigan, pamilya, love life, talento, pangarap, kasiyahan. It's all a good idea of life. Pahalagahan mo, mawawala. Ingatan mo, masisira. Yakapin mo, aalis nalang bigla-bigla. Kung totoo nga ang second life, siguro legal na ngayon ang m...