Araw-araw ginagawa ko ang best ko para iwasan siya. Gumagawa ako ng kung anu-anong dahilan para lang hindi niya ako kausapin. Tulad ngayon.
" Si Yuna po? " tanong ni Ash sa Nanay ko.
"Ah, nandun sa loob nak, puntahan mo na lang."
"Salamat po."
"Yuna! "
Hindi ako sumagot. Sasarhan ko na sana yung pinto ng kwarto ko nang hinarangan niya iyon.
"Huy! Ano ba? Iniiwasan mo ba ako?"
"B-bakit n-naman kita iiwasan? Hindi no. Sige na may gagawin pa ako."
" Anong hindi? Ilang araw mo na akong pinagtataguan e. May problema ka ba?"
" W-wala nga, sige na umalis ka na may gagawin pa ako."
"Bahala ka dyan, pero kapag may problema ka at kailangan mong kausap andito lang ako ha." sabi niya sabay alis.
Hays! E paano kung ikaw yung problema ko? Paano ko sasabihin sayo?
Araw-araw kinukulit niya ako at tinatanong kung anong problema ko pero sinasabi ko namang wala kaya tumitigil na siya sa pagtatanong pero madalas niya akong samahan kasi daw baka may mam-bully na naman sakin. Bumalik na kami sa dati. Hindi ko rin pala matitiis ang isang to. Wala e mahal ko e.
Maraming nakakakita samin na laging magkasama at lagi din kaming napapag-usapan. May kumakalat pa nga na inaagawan ko daw si Faye e. Pero sinasabi naman ni Ash na wala lang yun, na kapatid lang ang tingin niya sa akin at halata namang mahal na mahal niya si Faye. Kahit masakit tinatanggap ko na lang.
-------
Habang nasa CR ako may dumating na dalawang babae at agad nila akong hinawakan sa magkabilang kamay. Nagpumiglas ako pero mas malakas sila kaysa sakin. May biglang pumasok sa CR, si Faye." Faye tulungan mo ko!"
"Huh? Tulungan? Nararapat lang yan sayo mang-aagaw ka!" sabi niya sabay sampal sakin.
Aray! Ang sakit nun, tingin ko namamaga na yung mukha ko.
Hindi ko inaasahan sa kanya na sasabihin niya yun. Akala ko mabait siya kasi mabait naman siya sakin dati e.
" Faye, hindi kita inaagawan, mag best friend lang kami!"
"Hindi inaagawan? E mas madalas pa ngang kayo yung magkasama kaysa sakin e. Ako yung girlfriend at best friend ka lang kaya lumugar ka. Akala ko mabait ka malandi ka din pala. " sampal naman sa kabila.
Ang sakit sakit ng mga sinasabi niya pero tinitiis ko lang. Ayaw kong mag mukhang weak sa harap niya ngayon pang alam ko na ang tunay na kulay niya.
" Bakit ka ba nandito? Hindi ka naman nababagay dito e. Isa ka lang namang basura! Nakakahiya ka! Ginagamit mo pa ang mga magulang nina Ash para lang maka-pasok dito. Alam ko namang may gusto ka kay Ash e kaya buntot ka ng buntot sa kanya at tuwang tuwa ka naman sa tuwing lumalapit siya sayo"
sinabunutan niya ako.Hinang hina na ako sa mga ginagawa at sinasabi niya pero kailangan kong magtimpi girlfriend pa din siya ni Ash.
"You are such a flirty bitch. Saan ka pa ba naman magmamana kundi sa nanay mong sipsip at hampaslupa!" sigaw niya at akmang sasampalin ako pero napigilan ko iyon at ako naman ang malakas na sumampal sa kanya.
"Sabihin mo ng lahat ang gusto mong sabihin sakin pero huwag na huwag mong idadamay ang nanay ko!" sigaw kong pabalik at sasampalin ko na sana ulit siya pero may biglang sumigaw.
"Yuna!" si Ash yun at agad na lumapit kay Faye.
Nagkunwari naman si Faye na nasasaktan at agad na niyakap si Ash.
" Yuna anong ginawa mo?" galit na galit niyang tanong.
" Sinampal niya ako babe, sinaktan niya ako tsaka sinabihan niya din ako na paghihiwalayin niya daw tayo." sabi niya at nag-kunwaring umiiyak.
"Totoo ba yun Yuna? Ha? Sumagot ka!"
"H-hindi, m-mali ang sinasabi niya. Please naman o maniwala ka sakin. "
"Totoo yung sinasabi ni Faye nakita namin." sabi nung babae na may hawak sa kamay ko kanina.
Kung galit na galit siya kanina ngayon naman ay parang papatay yung mga tingin niya.
" Anong nangyari sayo Yuna? Akala ko best friend kita? Akala ko masaya ka para sa amin tapos ganto? Bakit mo sinaktan ang girlfriend ko?" nanggigil niyang tanong habang mahigpit na nakakapit sa braso ko.
"H-hindi totoo yun, maniwala ka sakin" umiiyak kong sabi pero hindi niya ako pinakinggan.
"From now on, ayaw ko ng makita yang pagmumukha mo. At pamula ngayon hindi na din kita best friend. I really hate you!" sabi niya bago sila tuluyang umalis at nakita ko pang nag-smirk si Faye.
Naiwan ako dung mag-isa. Hindi ko na ata kaya. Ang sakit sakit na ng katawan ko pati na rin ng kalooban ko. Napaupo ako sa sahig sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ano pa ba ang mas lalala sa araw na to?
Iniwan na ako ni Ash at tinalikuran na niya ang pagkakaibigan namin. Bakit ba ako nasasaktan ng ganito? Minahal ko lang naman siya. Mali ba ang mahalin siya? Siguro nga, dahil kailanman hindi maaaring magsama ang langit at lupa.
--------
Vote, comment and share guys. Thanks😘😘
YOU ARE READING
I Hate You! I Love You!
Teen FictionMaganda to,pramis✋ One shot lang po ito. Basahin niyo thanks. Please follow me also. @heiress09