YOU ALREADY! (Chapter 3)

23 0 0
                                    

-KEN POV-

CHAPTER 3

First Day of School ?! OKAY NAMAN! Nung umaga nga lang badtrip na ako kasi naman yun mga “DYING FANS KUNO” nagpapaka OA na naman at take note, may kasalanan kaagad ako. As in agad agad ! nasabihan ko ba naman ng hindi magandang salita yung magandang kakalase ko. Hmmp! Nadala lang talaga ako. Sorry naman.

“Ken, anak! bumaba ka nga dito!” sigaw naman ng mama ko

“andyan na po” sagot ko naman

At dahil masunuring bata ako, bumaba naman ako at pumunta sa kusina kung saan nandoon si mama

“bakit po?”

“Pumunta ka muna doon sa bahay ng tita mo, ihatid mo yung libro na nasa kwarto ng ate mo, yung nakapatong sa kama niya, makakatulong din daw kasi ang mga libro na yun sa pagrereview ng pinsan mo” sabi naman ni mama

“Ah. Okay! Ma, magbibisekleta po ako ah! Medyo mabigat kasi ata yun”

“osige! Basta ingat sa pagbabike, tingnan mong maigi kung may mga sasakyan”

“opo ma”

Tumakbo na nga ako pabalik sa taas para magbihis, nakauniform pa kasi ako. Pagkatapos kong magbihis pumunta gad ako sa kwarto ng ate Cindy ko para kunin yung mga libro, registered nurse na kasi ang ate ko, at hihiramin naman ang mga librong ito ng pinsan ko, na nursing din ang kinuhang kurso, na kasalukuyang nagrereview ngayon para sa board exam. Medyo mabigat nga ang mga libro, apat din to noh! Medyo makapal pa yung isa.

“Ma, alis na po ako!” sigaw ko naman kay mama habang papalabas na ako ng bahay buhat buhat ko ang mga libro

“osige! Ingat ka ah” dugtong naman ni mama

Binilisan ko naman ang paglalakad kasi medyo nangangalay na ako, inilagay ko naman agad ang mga libro sa basket na nasa unahan ng bike ko, sumakay na rin ako at umalis.

Nang malapit na ako sa bahay ng pinsan ko, siguro may mga apat na bahay nalang, may humarang naman sa aking aso. TAKTE! Ano na naman ba to?! Ang laki pa ah, at yung feeling na may tumutulo pang laway si bibig niya, at galit na galit na nakatingin sa akin. Wala naman akong nagawa kundi tumigil sa pagpepedal. SHOOT! Sana naman kayanin ko to!

“RRRR.. ARRF! ARRF! ARRF! ARRF!”

Paano ba to! Wala akong alam ditto! Bumaba nalang ako sa bisekleta ko

“Oy, alis na alis! Alis! Alis!” habang pinapadyak ko ang paa ko, sabay taboy dun sa aso

 “BLAACKY!!!” Sigaw naman ng isang lalaki

Tumahimik nalang ako, tinitignan ko nalang ang lalake habang hinihila niya yung aso palayo sa akin

“pare pasensya na, at naabala ka pa ng aso ko. Napikon kasi kapatid ko sa akin eh, kaya pinakawalan niya ang aso, kasi alam niyang susundan ko to” oh!  I see

“okay lang yun, wala naming ginawa sa akin eh, salamat na rin at dumating ka” sagot ko naman

“Zian nga pala pare, bago lang kasi kami dito! Taga dito ka rin ba?”

“ah! Hindi, pupunta lang ako sa bahay mh tita ko, taga dun pa ako, mga tatlong kanto pa mula ditto” sabay turo ko naman dun sa daan na pinanggalingan ko. “ako nga pala si Ken, nice to meet you” sabay abot ko sa kamay ko. Tinanggap din naman niya at nagshake hands na nga kami

“ah! Magtatanong lang sana ako kung may malapit bang basketball court dito! Boring na kasi eh, gusto ko sanang maglaro paminsan” sabi ulet ng lalaki. WOW! Basketball? Magkakasundo kami nito

YOU ALREADY!Where stories live. Discover now