Chapter 4

5 1 0
                                    

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi pero andito ako ngayon sa kwarto ko,ang lugar na laging nakakasaksi sa mga luha ko.

Pinuntahan ko kanina si Ash sa mansyon nila pero ayaw na niya akong kausapin at sinabi niyang umalis na raw ako.

Siguro nga tama siya. Siguro kailangan ko na ngang umalis dito. Hindi talaga yata kami para sa isa't isa. Hindi niya yata talaga ako pakikinggan kasi best friend lang naman niya ako at mas mahal niya si Faye. Siguro dapat na talaga akong lumayo sa kanya para na rin kalimutan siya at ang nararamdaman ko sa kanya.

Wala na yata siyang ibang sasabihin sa'kin kundi 'I hate you'. Kahit sobrang ayaw niya sakin parati pa rin siyang mananatili sa puso ko.

Nagdesisyon na akong umalis at pumunta sa Tita ko sa probinsya,inaalok niya din kasi ako na mag-aral dun e. Bago ako umalis nag-iwan ako ng sulat para kay Nanay at para sa kanya kasama ding iniwan ko ang regalo niya sakin.

Kung gusto ko siyang makalimutan kailangan ko ding burahin lahat ng alaalang mayroon siya sa akin. Bago ako tuluyang lumisan, pinuntahan ko siya sa kwarto niya at sinilip, tulog na siya nung nakita ko.

'Paalam Ash, paalam best friend. I love you!'

--------
Ash's POV

Maaga akong gumising para kamustahin si Faye, alam kong nasaktan siya sa mga ginawa ni Yuna pero okay na naman daw siya.

I can't believe na magagawa ni Yuna yun. Pinagkatiwalaan ko pa naman siya at tinuring ko siyang parang kapatid. I hate her!

Habang kumakain ako napansin kong wala si Yuna, siguro pinanindigan nga niya ang sinabi kong ayaw ko siyang makita. Tsk. Wag na nga siya ang isipin ko. Tinapos ko na ang pagkain at agad na akong nagtungo sa school.

Hindi ko alam pero unang hinanap ng mata ko si Yuna pero hindi ko siya makita hanggang sa makauwi ako. Hayst! Ano ka ba naman Ash wag nga siya ang isipin mo.

Lumipas ang ilang linggo pero walang Yuna ang nagpakita sakin. Nasaan kaya yun? Nagpunta ako sa may corridor malapit sa room at umupo ako dun. Naalala ko lahat ng masasayang alaala na mayroon kami. Yung parati ko siyang pinagtatanggol at inaasar.

Nabigla ako nung may tumawag sa pangalan ko.

"Ash" agad akong lumingon.

Paglingon ko, tsk. Akala ko si Yuna hindi pala.

"Bakit?"

" Uhmm.. ayaw ko namang makialam sa inyo pero pwede ba kitang makausap?"

Nagtaka naman ako pero pumayag na rin ako. Pumunta kami sa likod ng building at kinwento niya sa akin ang nangyari noong araw na iyon.

"Nandoon ako sa loob ng isa sa mga cubicle at narinig ko lahat ng mga pinag-usapan nila. "

" Hindi totoo yan!Hindi magagawa sakin ni Faye yun. "

" Ikaw ang bahala pero sinabi ko lang sayo kung anong totoong nangyari. Bakit? Kilalang kilala mo na ba yang girlfriend mo? Sino ba sa kanila ang mas matagal mo ng kilala at dapat mong paniwalaan?" sabi niya sabay alis.

Dahil sa sinabi niya natauhan ako. Agad kong pinuntahan si Faye.

" Faye! Totoo ba na niloko mo lang ako? Na walang kasalanan si Yuna at ikaw yung nanakit sa kanya?!" sabi ko habang diniinan ko ang hawak sa braso niya.

Hindi ko alam pero galit na galit ako sa puntong ito.

" Aray! Ano ba babe nasasaktan ako! Bitawan mo nga ako!"

Hindi ko siya binitawan at mas lalo ko pa iyong hinigpitan.

"Ano sumagot ka!Totoo ba?!"

"Oo! Oo totoo yun pero ginawa ko lang yun dahil mahal na mahal kita. Ayaw kong maaagaw ka niya sakin!"

" Niloko mo ko. Pinaniwalaan ko ang taong sisirain lang pala ang tiwala ko at tinalikuran ko yung babaeng kailanman ay hindi ako iniwan. Ayaw ko na Faye. Let's end this. I don't want to be your boyfriend anymore."

Iniwan ko na siya at agad akong umuwi. Kailangan kong makita si Yuna. Kailangan kong humingi ng tawad sa kanya.

Pagdating ko sa bahay nila tinanong ko ang Nanay niya kung nasaan siya.

" Ay naku hijo matagal na siyang umalis. Nagpunta na siya sa Tita niya sa probinsya. Hindi ko nga alam kung bakit siya biglang nagdesisyon ng ganun e."

Sobra akong nanlumo sa sinabi niya. Kasalanan ko to e. Dapat naniwala ako sa kanya in the first place. Siya yung parating nandiyan para damayan ako. Siya yung nandiyan para unawain at pagpasensyahan ako. Siya yung lagi kong kasama sa lahat ng masasayang alaala ng buhay ko. Pero anong ginawa ko? Wala! Hindi ko man lang napansin lahat ng efforts niya para sakin. Palagi ko na lang siyang itinataboy at sinasabihan ng masasakit na salita pero hindi siya nag-give up sakin. Itinapon ko na lang basta basta lahat ng pinagsamahan namin. I hate myself! I fuckin' hate myself! I regret all those shits na ginawa ko sa kanya. Tama nga sila, saka mo lang mare-realize ang worth ng isang bagay kapag wala na. At wala na siya sakin. Hinayaaan ko lang siyang mawala sakin.

"Pero hijo may iniwan siyang sulat para sayo e. "

Binigay niya yung sulat kasama ng kwintas na regalo ko sa kanya. Binili ko tong kwintas na to kasi unang kita ko pa lang siya agad yung naalala ko. Itinago ko ang kwintas at binasa ko ang sulat.

Ash,
Alam kong pag nabasa mo ito ay wala na ako. Yun naman yung gusto mo diba? kaya lumayo na ako ako sayo. Salamat sa lahat lahat ha, pakisabi na rin sa Mommy mo. Gusto ko pa sanang tumira diyan kaya lang mukhang hindi na pwede e.

Sana ay masaya ka ngayon dahil wala akong ibang hinangad kundi ang kasiyahan mo. Mananatili pa rin akong best friend mo kahit ayaw mo pa sakin.

Bye best friend! I love you!.

Nagmamahal,
Yuna

Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. Ngayon ko lang na-realize na mahal ko pala siya, na siya pala ang mahal ko. Kaya pala lagi ko siyang hinahanap, kaya pala lagi ko siyang naiisip at kaya pala nalulungkot ako sa tuwing malungkot siya. Mahal ko na pala siya.

Ang gago ko naman at ngayon ko lang yun nalaman. Pero hindi pa huli ang lahat. I'll find her and I'll win her back. This time sasabihin ko na sa kanya kung gaano ko siya kamahal.

--------
Vote, comment and share guys.Thanks😘😘

I Hate You! I Love You!Where stories live. Discover now