Kahit may sakit ako, mag-uupdate pa rin. So ito na yung update. Sensya kung lame kasi masakit sa ulo.
-------------------
Elize' POV:
Isang linggo na ring pinaghahanap si Micheal sa nakapalibot na isla ng resort subalit di parin siya makita.
Wala man lang natagpuang dinagsa o kahit damit man lang.
Tuluyan na kaming umuwi ni Seth sa manila dahil ayaw na nina papa na mananatili kami doon.
Alam na rin ng bata ang pagkawala ng kanyang daddy.
"Mommy wala pa rin ba si Daddy?" tanong ni Seth at kumandong pa sa akin.
Napabuntong hininga ako.
"Wala pa rin baby. Pray tayo kay God na sana okay lang siya.." sagot ko at hinalikan ko siya sa buhok.
Sana nga Micheal, okay ka lang kahit saan kapa naroroon.
Janice's POV:
Isang linggo ko ng inalagaan si Micheal dito sa isla. Hanggang ngayon ay di pa rin siya nagigising.
Sabi naman ng doktor okay na siya at di naman gaanong delikado ang sugat niya sa ulo.
Hmmm.... Hmmm.... Hmmm...
Napatayo akong bigla ng makita kong umuungol na si Micheal. Sintomas ito na magigising na siya.
"Micheal..." tawag ko sa kanya.
Unti unti naman niyang idinilat ang kanyang mata.
"Huh!? Sino ka? Nasaan ako?" tanong nito ng makita ako sa kanyang tabi. Babangon sana siya subalit muli siyang napahiga at sapo ang kanyang ulo.
"Aaarrrggghhhh!"
"Hey! Hinay hinay lang. Nandito ka sa isla ko. Di mo na ba ako natatandaan?" tanong ko sa kanya habang inalalayan siya upang muling umayos ng higa.
Nilagyan ko ng isa pang unan ang kanyang likod.
"Huh?! Hindi.. Di kita matandaan.. No.. Wala akong matandaan.." sagot nito na tila sarili lang ang kinakausap.
Nagitla ako sa kanyang sinabi.
Sandali tatawag lang ako ng doktor.
Agad akong lumabas at tinawag si Dr. Eroz na nasa kabilang silid lang. Di ko muna kasi ito pinauwi hanggat di pa nagigising si Micheal.
"Gising na siya couz! Subalit wala raw siyang natatandaan. Even me.." sabi ko sa doktor.
Pumasok na kami sa silid ni Micheal at inabutan naming nakaupo na siya.
"How are you, Mr. Jones? Im Dr. Eroz, cousin of Janice." sabi ng doktor at inilahad ang kanyang kanang kamay.
Napakunot ang noo ni Micheal at kita sa kanya ang pagkalito.
"Who am I?" tanong nito.
Sinuri naman siya ni Eroz kaya ako na sumagot ang kanyang tanong.
"Your Micheal Jones and im Janice..." sabi ko.
"Bakit wala akong matandaan.? Kaano ano kita?" pagtatanong niya.
"Maybe he's suffering amnesia dahil sa sugat niya sa ulo." paliwanag ni Eroz.
"Then, wala siyang maalala?" tanong ko. Tumango naman ang doktor.
Nakita ko namang matamang nakinig si Micheal sa amin. Lihim akong nagbunyi sa nangyayari.
Kung ganoon, kinampihan ako ng tadhana. Mas nagiging madali ang pag-angkin ko kay Micheal.
"Aalis na ako Janice.. Tawagan mo na lang ako pag magkaproblema." paalam ni Eroz. Ihinatid ko siya palabas.
"Walang makakaalam nito pinsan? Ikaw at ako lang.." sabi ko sa kanya.
"Sure! You know you can rely on me.. I owe you a lot." sagot ni Eroz.
Umalis na siya sa isla gamit ang speedboat kaya binalikan ko na si Micheal sa kanyang silid.
"Honey, gutom ka na ba? Ipaghahanda kita ng makakain." ako sabay yakap sa kanyang bewang.
"Are you my wife?" tanong nito.
"Yes honey.. Weve been married for five years." kung natuloy lang sana ang kasal natin..
"May anak ba tayo?" tanong uli niya.
"No. Unfortunately we have none. Halika kakain tayo. Maghahanda ako." sabi ko at hinila ko na siya papuntang kusina.
Pinaupo ko siya sa silya at saka ako naghanda ng makakain. Tila naniwala naman siya sa aking sinasabi.
"Wala ba tayong tv.. Gusto kong manood." sabi nito.
"A-ah meron pero walang signal. Malayo kasi tayo sa lungsod at walang cable dito. Mga dvd tapes lang ang madalas nating pinapanood." shit.. Baka makita niya sa balita ang pagkawala niya.
Inilagay ko sa kanyang harapan ang niluto kong agahan.
Tila gutom na gutom naman siyang nilantakan ang pagkain. Naubos niya agad ito.
"Gusto mo pa?" tanong ko.
Umiling naman siya at saka tumayo.
Naiwan ako sa kusina. Hinugasan ko muna ang kanyang pinagkainan.
Micheal's POV:
Lumabas ako ng bahay at naupo sa garden set na naroon.
Maganda ang paligid. Nakalandscape ang buong lugar at malaki ang bahay na tinitirhan namin ngayon.
Kung ganon ay mayaman kami.
Mrami pang katanungan sa aking isipan subalit sumasakit ang ulo ko pag pilit kong inaalala ang lahat.
Kung mag-asawa kami ni Janice sa loob ng limang taon, bakit wala akong maramdamang pagmamahal sa kanya?
Are we fixed to be married?
Tila may hinahanap ang puso ko subalit wala naman akong natatandaan.
Aaarrrggghhh!!!
So frustrating..
Ano ba kasi ang nangyari at wala akong maalala?
"Micheal? Are you okay honey?" tanong ni Janice at mabilis na lumapit sa akin.
Umupo siya sa harap ko at hinawakan ako sa pisngi.
Maganda siya. At sopistikada.
Subalit wala akong madamang atraksyon..
"Honey, wag mo munang pilitin ang sarili mong maalala ang lahat. Andito naman ako eh, di kita pababayaan.." sambit ni Janice.
"Anong nangyari sa akin? Bakit nagka-amnesia ako?" tanong ko sa kanya.
Napaayos naman siya ng upo at saka sumagot.
"Nasa yate tayo and very much happy sa ating 5th year anniversary ng magkagulo at may nag-amok. Nabagok ka then nahulog sa tubig. Mabuti nalang nakuha ka nila agad." mahabang sagot ni Janice.
Napaisip ako sa kanyang sinabi.
Masaya..
Anniversary..
Kung ganoon pati pala damdamin ko sa kanya ay nakalimutan ko rin.
****
Micheal and Janice at the side.
BINABASA MO ANG
Will You be My Babymaker? (Completed) + Special Chapters
General FictionCredits to AteWattyDongSaeng for my bookcover. Hiniling ng lola mo ng magkaanak ka kahit wala ka pang boyfriend. It was a big problem. Then you meet him unexpectedly. Your attracted to him he's attracted to you. Will you grab the chance and make hi...