-ZEYYA’S POV-
CHAPTER 4
~You & Me, sitting on a tree! K-I-S-S-I-N-G!~
Asdfghjklqwertyuiopzxcvvnnbghdth..
Okaay! Time for school ^___^
“GOOOOOD MOOOORNIIIIING” Sabi ko sa sarili ko habang tinataas ang kamay na parang nagstrestrech.
SMILE-SMILE-SMILE ^_____________^
Naligo na ako, nagbihis at bumaba Na!
“Good Morning Mama!” batik o kay mama na naghahanda ng mesa
“Good Morning” sagot naman ni mama.
“Anak, sabay ka muna sa kotse nina Noreen ah! Hindi kita mahahatid ngayon, nasira kasi ang kotse” sabi naman ni papa.
“ah! Okay po” sagot ko naman.
“Ma, sina kuya po?”
“ tulog pa! 9AM pa kasi pasok nila” sagot naman ni mama
“ah! Okay”
Wala na pala ang isang kuya ko ditto, nasa Maynila siya kasi nagrereview siya para sa board exam. Nursing course nun eh, pang bakla ba?! Hindi namaaan! Pero bilib ako sa kuya ko, syempre maliban na sa gwapo siya, madiskarte din. Hindi na masyadong naggagastos sina mama sa kanya, may side line kasi siya ang PAGMOMODEL! Bongga diba? Naririnig ko nga may nililigawan yun, classmate daw niya pero hanggang ngayon hindi pa niya pinapakilala. Makakapaghintay naman kami eh, si mama lang talaga ang atat.
Natapos na akong kumain, nagsuot ng sapatos at nagpunta na ako sa bahay nina Noreen.
“Good Morning po” sabi k okay tita na nanonood na TV.
“Goodmorning din Hija! Sasabay ka kay Noreen?”
“opo! Nasiraan po kasi kami ng kotse” sagot ko naman
“Oh! Upo ka muna, hintayin mo muna si Noreen, kinukulit pa kasi ang Papa niya, magpapadagdag daw ng pera”
“Ah. Okay po”
Bakit kaya magpapadagdag ng pera si Noreen? Hmmm.
“Ma, alis na po ako. Zey? Tara na?” –Noreen
“Tara na! alis na po kami tita” –ako
At sumakay na nga kami sa kotse nina Noreen, kung sa amin si Papa ang nagdadrive sa kanila naman may sarili silang driver. Sila ang mayaman eh. Hahahaha
Pagbaba namin nakita naman namin si Amor at Dwight kasama si… Ken?! Okaay! Magkababata nap ala sila.
“Amor! Dwight!” sigaw naman ni Noreen. Aaayyy! Required sumigaw?! Hndi makapaghintay?
Tumakbo naman si Noreen papunta sa kanila, siyempre nakitakbo nalang ako. FUN RUN?!
“Goodmorning” nakangiti kong sabi sa kanila
“Goodmorning din” sagot naman ni Amor, nginitian lang naman ako ni Dwight! Ang tahimik talaga ng taong to. Pagtingin ko naman kay Ken, wow! Ang gwapo! NAKANGITI siya ng… nakakaloko?!
Ngumiti nalang din ako sa kanya ng may pagtataka.
“Sige na pala, una na ako. Pupunta pa kasi ako sa locker ko eh. Una na ako girls, bye pare” sabi naman ni Ken na tumakbo na. WEIRD!
“BYE” sabi nalang naming lahat
~FLAG CEREMONY~
WOOOOH! Sa wakas natapos din. Takbuhan naman ang mga studyante papuntang classrooms nila. Ayy! EXCITEDMUCH?! Haha. habang naglalakad kami ni Noreen biglang..