"Sometimes, demons are disguised as angels. Oh, how many there are!"
-Everly Hutch, Founder and CEO of Hutch Incorporated.
-----------------------------------------------------------
Everly Hutch looked over at the gathering from his high tower.
Mula sa balkonahe ay nakikita niya ang mga pangyayari sa paligid---- ang mga nagkikintabang magagandang gown ng mga kababaihan, ang mga kalalakahihang nagpapasiklaban ng kanilang mga yaman at ang mga katulong na paroo't parito upang pagsilbihan ang mga nakatataas.
This was supposed to be a charity event but never has the gap between the rich and poor become more evident.
Ang mga mayayaman ay lalong nagpapasikat, habang ang mga mahihirap ay patuloy na bumababa ang paningin sa kanilang sarili.
Damn, this was not what he thought when he first established this event, but age and experience has a way of defining a person. Dati, wala siyang pakialam sa mga ganitong bagay, ngunit ngayon, mukhang kahit ang mumunting pagkakaiba ay hindi na maganda ang dating sa kanyang konsensiya.
Pinilit niya ang sariling kalimutan ang kanyang nagpupumilit na konsensiya at itinaas niya ang kanyang kopita sa kanyang anak at kanang kamay na si Geno bago ininum ang alak na laman niyon.
His son looked at him oddly before smiling, his head cocking to the side, then took hold of his own flute and drank its contents.
Sometimes, he wonders of his late wife's selfish and power-greedy attitude took hold in his son. Kadalasan kasi ay nakikita niya itong tinititigan siya ng kakaiba na parang pinag-aaralan ang kanyang kahinaan. Na parang isang araw, magigising na lamang siya na wala na sa kanya ang kapangyarihan, at napasailalim na siya ng sarili niyang anak.
The thought bothered him so much that he decided to forgo it for tonight. Magpapakasaya muna siya habang nandito sa lupa. Alam niya kasi na oras na mamatay siya, ang tanging lalagpakan ng kanyang masamang kaluluwa ay ang impyerno. Hindi siya takot na masunog. Sa katunayan, hinihintay niya na ang pagkakataong iyon, ang pagbayaran ang mga kasalanan na ginawa niya at gagawin pa lang.
"Did you see your sister?" pagdaka ay tanong niya dito. Sinubukan niyang apuhapin ang bulto ni Moira sa kumpol ng mga tao ngunit dahil medyo nanlalabo na din ang kanyang mga mata kaya't nahirapan siyang gawin iyon. Isinama pa ang dami ng tao at imposible nang mangyari na mahanap niya ang anak-anakan.
He felt Geno's displeasure by the rigid way he held his spine up. "How many times do I have to remind you father," his son emphasized the word 'father' as if reminding him who his true heir is, "...that she is not my sister?"
Napabuntong-hininga siya.
Hindi niya alam kung bakit mainit ang dugo ni Geno kay Moira gayong wala naman itong ginagawa na makakasama sa pamilya o sa kabuhayan nila. The girl doesn't even show the slightest desire to have a portion of the company's share. Basta may pagkain ito, may kaunting pera at hindi mamamatay sa gutom, ayos na dito.
That's why he like her. So refreshing. So pure. And he will do everything just to protect her. Even give up his life.
Minsan iniisip niya na baka ganun siya kay Moira dahil itinuturing niya itong anghel. Ang kanyang kaligtasan. Na baka kapag magawa niya itong protektahan, magiging ligtas na siya sa impyerno.
It was a very insane thought, but everytime he's with her, he forgot his sins, his true self.
"She is not, Geno. Now, let's not fight over this. Paulit-ulit na lang. Just tell me where she is." medyo naiirita niyang saad.
BINABASA MO ANG
Montereal Bastards 4: To Seduce A Bastard (COMPLETED)
General Fiction"I don't even know what kind of game you said." he stated matter of factly. "Ang mechanics ng game ay ganito, magsasalitan tayong magsalita ng mga bagay na hindi pa natin nagawa. Halimbawa, 'Never have I ever played hockey'. Ganun ka-simple!" "Gan...