Chapter 18 : Invitation

7.3K 186 6
                                    

- SOPHIA'S POV -

Pagkatapos ng date namin ni Raven, akala ko ay makakasalubong namin ang mga ex namin sa restaurant na 'yon pero hindi pala dahil kaagad din silang umalis.


Napahinto ako sa pag-aayos ng bed sheet dito sa isa sa mga kwarto ng hotel. Bigla ko kasi naalala ang mga kwinento ni Raven tungkol kay Monique nang huli na malaman niyang buntis ito nang makipaghiwalay ito sa kaniya. Nagtanong pa ko kay Raven kanina habang nasa restaurant kami.


"Kailan siya nakipaghiwalay sayo?"


"Matagal na. Almost 2years, ang huling balita ko na lang sa kaniya when I knew that she's living for good in Palawan before Christmas last year."


Palawan?


It means...magkasama sila roon at matagal na kong niloloko ni Daniel? Ang walanghiya na yon, kaya pala may kutob akong hindi maganda sa kaniya.


"Like what I've said, nandito ka na..."


Sa sinabing iyon ni Raven tila gumaan ang pakiramdam ko. May something akong naramdaman na paruparo sa tiyan ko..


Kinikilig ba ko?


"Hala sige ngumiti ka pa diyan! Mukha kang baliw, Sophia."


Napatalon ako sa gulat nang biglang punasok dito si Hana. "Anong sabi mo?"


Napapoker face siya. "Ang sabi ko ngumingiti-ngiti ka diyan. Anong iniisip mo?" Tapos biglang humina ang kaniyang boses. "Siguro may gayumang binigay sayo si Sir Raven, noh?" Aniya na may panunuksong tingin. "Ano? Masarap ba ang gayuma?"


Napangiwi ako sa kaniyang sinabi. "Ano ba yang pinagsasabi mo?" Iritado kong sabi sa kaniya tapos tumawa lang siya.


"Haay~ O siya hindi na kita aasarin baka mamatay ka pa sa kilig. Hahaha!!"


Umiwas na ko ng tingin sa kaniya at pinapatuloy ko ang pag-aayos ng kama. "Bakit ka ba nandito?"


"Itatanong ko lang kung nabalitaan mo na yung tungkol sa okasyon dito sa sabado. eh gusto pa yatang magdagdag ng waitress. Gusto mo ba? Ako kasi pumayag ako at nasabi ko na rin kay Head Personnel. Plus bonus yun sa sweldo natin." Aniya.


Sandali akong napatigil sa aking ginagawa at tumingin sa kaniya. "Talaga?" Paniniguro ko.


"Oo. Ano? Gusto mo ba para masabi ko na kay Head?"


Bahagya akong napangiti, "Sige.."


Huwebes ng umaga, pagdating ko sa university ay napansin ko agad na tila masaya ngayon si Emily kausap ang ilang kaklase namin.


"Punta kayo, ha?"


"Sure, Emily. Thanks!"


Biglang napalingon sa gawi ko si Emily kaya agad siyang lumapit sa akin. "Ate Sophia!"


"Anong meron?"


Tapos ay binigay siyang puting sobre sa akin. "Buksan mo." Nakangiting aniya sa akin.


Pagbukas ko ay isa pala itong invitation at natigilan ako nang mabasa ko ito kaya napalingon ulit sa kaniya. "D-Debut mo?"


Tumango siya. "Yup! And you are one of my 18th candles, ate!"


Binasa ko ang kung kailan at saan gaganapin. Sh*t! Sa sabado na ng gabi at sa Empire's Royale Hotel gaganapin ang birthday niya?!


"E-Emily.."


"Aasahan kita--"


"Kaso may trabaho ako.."


Biglang nalungkot ang mukha niya. "Hindi ba pwedeng mag-absent ka muna?"


Sandali akong napakamot sa ulo ko. "Alam mo, masaya ako dahil inimbita mo ko, kaso dito sa Hotel ako ngayon nagtatrabaho."


"W-What?!" Gulat niya na pinalakihan niya pa ng mata. "S-Sa Hotel ng cousin ko?"


Magpepretend ba ko na hindi ko pa gaano kilala ang pinsan niya? "Pinsan mo si Mr.Raven Walford?"


Bumalik ang kaniyang malapad na ngiti. "Yes! Omo! Ganito na lang, sasabihan ko si Kuya Raven na wag ka munang pagtrabahuin."


"P-Pero Emily--"


"No buts, Ate!"


Napatulala ako napakurap. Ano bang mahalaga? Trabaho o araw ng kaarawan ng kaibigan ko?


Nabalitaan ko na wala si Raven ngayon sa Hotel hanggang sabado dahil daw sa business trip niya sa Singapore, ibig sabihin hindi makakaattend si Raven sa debut ng pinsan niya?


Matapos ang buong klase ko ngayong araw ay umuwi ako saglit sa apartment at tumuloy na rin sa hotel upang magtrabaho. Pagkatapos kong mag-ayos ay sinimulan ko ng tumungo sa Master Unit, ngayon ko na lang ulit lilinisin ang unit Raven. Pagsakay ko sa elevator ay may sumunod din pumasok dito, isang magandang babae at ang Executive Assistant Manager nitong Hotel.


"Gusto ko dito ganapin ang engagement namin ni Raven."


"Noted, madam.."


Natigilan ako sa aking narinig, pero tama ba talaga ang narinig ko? Engagement?


Nang huminto ang elevator ay bumukas ito sa sixth floor at tuluyan na silang lumabas. Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ngayon ang tumatakbo sa isip ko. Girlfriend ba yun ni Raven? Akala ko ba wala siyang girlfriend ngayon?


Pagpasok ko sa loob Unit niya ay may nakita akong isang bouquet flowers sa center table. Kinuha ko iyon at binasa ang maliit na card.


To Sophia,

This is for you. Wait for my next surprise when I came back. I love you..

Raven


Seryoso lang akong nakatingin sa bulaklak at sa card. "Sinong niloloko mo?" Sabi ko saka ko tinapon sa basurahan ang bulaklak.





#ChaTara08

All Yours Are Mine [TGKS#2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon