Skyla POV
Nasa table ko ako ngayon.
Si Kit.. nasa meeting with some foreign people.
Hindi niya ko pinasama.
Anung klase akong secretary diba? Pero sini swelduhan parin ako nun hahaha.
"Sky.. pupunta ang ibang officemate natin sa bar mamaya gusto mo rin bang sumama?" Biglang sulpot ni Diana.
"Naku.. Di ko sure Diana e.. kasi—"
"Anu ka ba Sky.. minsan na nga lang tayo lalabas e. Saka ito na yung time para makilala mo pa yung iba nating officemate. Masyado kang tutok dun sa office ni Sir Kit e" patuloy nito.
Papayag ba ako? Pero payagan kaya ako ni Kit? Bahala na nga.
"Sige na nga."
"yey! Sige mag ayos ka na rin at mamaya lalabas na tayo.."
Bago ako aalis dito dapat makapag paalam muna ako sa bakulaw..
To: Papa Henderson <3
-Aalis ako kasama ang ibang officemate ko.
Then send!
Sinundo na ako ni Diana at sabay-sabay kaming nag si alisan.
Sa Ando's bar kami pumunta.
Sabi nila Diana paboritong bar daw ito nila Kit.
Tss. Kaya pala.
"May boyfriend ka ba Sky?" tanung saakin ni Jeff ka
"huh.. uhm.. meron.." sagot ko naman
"sayang type pa naman kita."
"ilang months na kayo?"
"3 weeks palang."
"sayang talaga! edi sana pala noon palang pinormahan na kita hahaha"
"ayieee~" kantyaw nila.
Hindi ako uminom kahit pilit sila ng pilit hindi kasi sanay ang tiyan ko sa alcohol.
"OMG!! Andito sila Sir.." tili ni Bettina
a-andito sila kit? Hala!
"Oy.. bakit biglang sumama yang mukha mo hahaha" tukso ni Diana
"Wala.."
Nakita ko na umupo siya sa isang grupo ng lalaki na may kasamang mga babae rin.
Humanda saakin ang Henderson na yan kapag nanlandi iyan puputulin ko ang dapat putulin.
"Alam niyo bang yan si Sir Kit.. dito yan kumukuha ng mga babaeng nakakasiping niya sa gabi" biglang bukas ng usapan ni Jeff
Nakakainis bakit kailangan siya ang pag usapan.
"talaga? Edi sana ako yung mapili niya ngayon.. hahaha" ang bitch talaga nitong si Bettina.
Hanggang ngayon kaya may nakakasiping parin siyang babae? Dapat ako na diba?
Aish. Erase.erase.
"Oy.. Sky okay ka lang ba talaga?"
"Oo" sabay hablot ng shot glass kay jeff at ininom yung laman.
Aish. Ang pait
"Akala ko ba di ka iinom?" Jeff
"hehe. Nag bago isip ko (*U*)V"
"OMG palapit si Sir Kit dito!"
"Dito pala kayo pumunta.." wika nito
"hi sir.. halika join us" malanding wika ni Bettina
Sarap sabunutan nito.
Umupo si Kit sa tabi ko. Napapagitnaan nila ako ni Jeff.
Uminom rin siya ng alak.
Amoy na amoy ang alcohol sakanya.
Maya-maya naramdaman ko yung pag pulupot ng kamay niya sa bewang ko. Pero ang bakulaw patay malisya.
"Hoy sir! May boyfriend yang tutuklawin mo hahaha" sigaw ni Diana
Nakakahiya. Nakita niya pala yun.
Napangiti naman si Kit sa sinabi ni Diana..
"Gwapo ba ang boyfriend mo Ms. Albert?" tanung ni kit.
Tatanung pa siya.
"Ehem.. oO"
Ngumisi naman ng pagka laki-laki ang bakulaw. Aba! Lalaki ang ulo niyan.
"Ayieee~ pakilala mo saamin ha." Kantyaw ng mga ka officemate ko
Hindi pa nag sawa ang mga ito ay nag pa libre pa sila kay Kit ng inumin.
"Wag masyadong uminom ha" wika bigla ni Kit
Tapos..
Tumayo naman na rin si Kit at bumalik sa mga kaibigan niya.
Tapos naramdaman ko may nag vibrate sa bag ko sign na may nag text
From: Papa Henderson <3
-Labas ka. Uwi na tayo
"Ahm.. guys uwi na ko." paalam ko sakanila
"Asus. Ang sabihin mo sinusundo ka na ng bf mo hahaha" kantyaw ni Diana
Hindi nalang ako sumagot at agad na lumabas ng bar.
*beep*
Galing sa sasakyan sa harap ko.
"tatayo ka nalang ba dyan Mama Henderson?"
Napangiti ako.
"Salamat sa paghatid.. mag ingat ka ha" paalam k okay Kit
"Opo. Good night"
Bago siya umalis sa harap ko ay ninakawan niya muna ako ng malalim na halik.
BINABASA MO ANG
Henderson Series :Kit Henderson
RomanceA Rich Casanova Guy. A Walking Megaphone Woman. Just like other stories.. of a RichXPoor But i want to put more twist and twist here. Bahala kayo if you wanna read this.