Anong ibig nyang sabihin?
Napalingon ako sa kanya.
"Alam ko na ang lahat" sabi nya.
Napalunok ako sa sinabi nito.
Para akong napako sa kinakatayuan ko,
Lumapit sya sa akin ...
"Vic" humawak sya sa kamay ko.
"Nadinig ko yung pinag-uusapan nyo ni Tita" sabi nito.
Hindi ko alam kung anong irereact ko sa sinabi nya, nabigla man ako pero nanatili akong walang reaksyon.
Yumuko na lamang ako.
"kaya ka ba sumunod?" tanong ko.
"Sumunod ako kasi nag-aalala ako sayo" humawak sya sa kamay ko. "Ayokong mapahamak ka" sabi nito.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagkatouched sa sinabi nito. Parang nawala lahat ng sakit sa sinabi nito sa akin kanina.
"Hindi ka na ba galit sa akin?"
Umiling sya.
"Hindi naman ako nagalit sayo" sagot nito. "Nagtampo lang kasi akala ko ipapamigay mo na lang din ako"
Napayuko ako.
"Vic"
bumitaw sya sa pagkakahawak sa kamay ko. Napaangat ako ng tingin sa kanya
"I wanna know" she paused for a while saka tumingin ng diretso sa aking mga mata. "Totoo ba lahat ng sinabi mo kanina?" tanong nito
Hindi agad ako nakasagot.
Ngayon ko lang narealized kung anong pwede nyang madinig sa lahat ng sinabi ko kay Mama kanina.
Fudge.
Maidedeny ko pa ba sa kanya yung nararamdaman ko?
"Mika" sabi ko. Hindi ko alam kung paano sisimulan.
"Please Vic, gusto kong malaman, gusto kong madinig sayo mismo, na sinasabi mo sa aking totoo lahat ng sinabi mo kay Tita kanina" nakikit ako ang urge sa mukha nito na malaman kung totoo nga ba yung mga sinabi ko.
Huminga ako ng malalim.
"Yes, Mika" napayuko ako. "Totoo lahat ng nadinig mo" nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Mahal kita, mahal na mahal kita" sabi ko, galing sa puso yun. Sincere ako dun.
Sobrang lakas ng ulan, hindi naman siguro bagyo pero ang lakas talaga, parang sumasabay sa nararamdaman ko para kay MIka.
Nababasa ako, nababasa din si Mika pero wala syang paki. Wala syang paki kung mabasa sya, kung magkanda dapa dapa sya masundan lang ako dito.
And I guess, she deserves to know that truth.
"B-Bakit hindi mo sinabi agad?" tanong nito.
Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.
"Bakit hinayaan mo pang masaktan ako ng sobra sa nangyare nung mga nakaraan? Bakit mo ko iniwasan? Bakit kelangan pa nating umabot dito? Bakit hindi mo na lang sinabi aga---"
"Hindi ako nagkaron ng pagkakataon Mika" ngumiti ako sa kanya. "Hindi mo naman ako hinayaang magsalita nung nalaman mong pinsan ko si Jeron eh" tumawa ako.
Napasad face naman si Mika at napayuko kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Nung nalaman kong ikaw pala yung gustong ligawan ni Jeron, aaminin ko naguluhan ako. Natakot akong maulit yung nakaraan, kasi yun agad yung pumasok sa isip ko eh. Gusto kong hindi na maulit yun. Naisip ko kung bakit ako pinaglalaruan ng tadhana. Pero naisip ko din agad na hindi na talaga mauulit yung nakaraan kasi hindi kita ipapaubaya, san man ako dalhin ng nararamdaman ko sayo pero wala akong babaguhin, sasabihin ko sayong gusto kita at papanindgan ko yun, ipaparamdam ko pa lalo sayo yun" sabi ko. "Pero natakot ako Mika eh, nathreatened ako sa lahat ng sinabi sa akin ni Jeron, nakita ko yung pictures nyo together eh, nanliit ako" tumawa ako. "Ano bang laban ko sa more than 5 years diba?"