Agad naming dinala sa ospital sina Jeron at Vic.
Wala pa ding tigil sa pagtulo ang aking mga luha.
"Bf"
"Miks"
"Mika"
Sabay sabay na tawag sa akin nina Jessey, Riri at Thomas.
Lalong napalakas ang iyak ko ng yumakap sa akin si Jessey.
"Anong nangyare?" Tanong agad ni Thomas ng makakalas na ako ng pagkakayakap kay Jessey.
Nandito kami sa emergency room
Nanginginig pa din ang buo kong katawan. Hindi ko alam kung anong gagawin ko ng makita kong may dugo si Vic. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya.
Nakatingin silang tatlo sa akin pero hindi pa din ako makapagsalita, parang umatras na ang dila ko dahil sa nasaksihan ko.
"Teka anong nangyare dyan?" Hinawakan ni Riri ang kaliwang kamay ko. Napansin nitong may pula na parang violet sa wrist ko banda.
Napatingin ako dito. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang hapdi nito.
Hindi pa din ako makasagot. Napayuko na lang ako at nagpatuloy sa paghikbi.
Sariwa pa din sa utak ko kung anong buong nangyare.
"Magtapat ka nga sa amin Mika, nag-away ba si Jeron at si Ara?" Tanong ni Thomas. Nakakunot ang noo nito. Nag-angat ako ng tingin sa kanya"At yan" hawak nito sa kamay ko sabay turo sa pasa sa may wrist at sa mahabang pula na parang kinalmot sa upper arm. "Si Jeron ba ang may gawa nito? Sinaktan ka ba nya?" Salubong ang dalawang kilay na tanong nito.
Muli akong napayuko ng mapin point nito ang sagot sa hindi ko pagkibo.
"Sinasabi ko na nga ba eh!" Napahimas sa noo si Thomas.
"S-Sorry" nahihiyang sabi ko.
"Hindi ka dapat magsorry Mika" sabi ni Jeron at iginiya ako paupo. Naupo na din sya sa tabi ko.
"Kasalanan ko Thomas" sagot ko dito. "Nag-away silang dalawa dahil sa akin"
Napatikom ng bibig sa Thomas saka hinilamos ang mukha gamit ang palad.
"Naguguluhan ako" kamot ni Jessey sa ulo nya saka sya naupo sa right side ko. "Ano bang buong pangyayare?"
Huminga ako ng malalim saka nagkwento.
"Sinundan ko si Vic nung umalis sya sa bahay dahil nagtalo sila ni Tita Betchay, di ko namalayan na nakasunod pala si Jeron. Ayun hanggang sa nadinig lahat ni Jeron yung pinag-usapan namen ni Vic sobra syang nagalit sinugod nya si Vic tapos tinangka nya akong isama, sobrang galit na galit sya, iuuwi na daw nya ako. Kaya nagkaganito" turo ko sa kamay ko. "Hanggang sa mag-abot sila ni Vic, nagalit si Vic, nagsakitan sila, nagbugbugan sila, wala akong magawa" umiiyak na sabi ko. "Tapos naitulak ni Vic si Jeron sa kalsada may paparating na sasakyan tapos ayun, humabol si Vic tapos tinulak si Jeron para hindi mabundol hanggang sa sya yung nabundol. Sobrang bilis ng mga pangyayari hindi ko na maintindihan. Mabuti na nga lang at nakahinto agad yung sasakyan kaya hindi gaanong napuruhan si Vic" pagkukwento ko.
Napasapo na lang sa noo si Thomas, "sumusobra na talaga si Jeron"
"Eh kamusta na daw si Ara?" Tanong ni Riri.
"Hindi ko alam, wala pang balita, ang sabi nung nurse kanina nung nakita si Vic, pumutok lang daw yung ulo sa pagkakabagok nung bumagsak, mabuti na nga lang daw at hindi sa ulo mismo at hindi patalikod yung bagsak kasi mas delikado, sa noo kasi yung dugo ni Vic" kalmadong paliwanag ko. "Pero kinakabahan pa din ako" sabi ko. Yumakap sa akin si Jessey kaya kahit papaano ay gumaan yung pakiramdam ko.