HSP Ch. 17

546 8 1
                                    

HSP Ch. 17

// ALEX's POV //

"Oh, eh ano nang meron sa inyo ni Nathan?" Tanong ko dito kay Kira na ngayon ay kumakain ng dalandan. Gulay, napaka takaw. Ano bang problema nito?

"Hah? Meron samin? Hmm.. Wala naman." Walang gana niyang sabi habang ngumunguya.

Nagulantang ako sa sagot ng babaeng 'to. Ano bang sumapi sa kanya?! May nangyari sa kanila tapos wala naman pala silang relasyon? Grabe, isa 'tong kahibangan!!

O baka naman yung isang Nathan ang ka-relasyon niya?? Tama, tama. Na-ikwento niya yun sakin nung mga oras na kinilig raw siya nung una niya 'yong makita. Tss. -__- Babaeng 'to.

"Pero may relasyon kayo nung isang Nathan?"

"Wala rin." Ngayon, tinignan niya na 'ko. Napailing lang ang ulo ko sa kanya. Hindi ko na talaga malaman kung bakit nagkakaganito itong si Kira eh. Parang wala naman atang nagaganap na away sa pagitan nila ng nanay niya. Tapos ayos naman siya kahit wala ang tatay niya. Tsk! Ano ba talaga?! Gulong gulo na ako! >___<

"HAH?! Eh bakit--" Pasigaw ko sanang itatanong yan pero nung malaman kong medyo dapat patago pala yung sasabihin ko, bigla ko na lang hininaan ang boses ko, "Bakit ka nagpagalaw sa kanila?"

Tumigil siya sa pagkain ng dalandan at tumingin sa kin na para bang ikinasira ng pagkatao niya. May karapatan ako magtanong! Dahil ako pa lang pala ang nakakaalam! Gulay, hindi ko talaga maintindihan.

"Hindi ko rin alam, Alex. Basta gusto ko si Acosta, gusto ko rin si Nathan. Ewan ko Alex, ewan ko." Mahaba niyang sagot sagot na may kasama pang iling-iling.

Anong hindi niya alam? Porket gusto niya? Ibibigay lahat?? Hindi pupwede 'yon! Kapag gusto ang isang tao, ibibigay niya lahat? Ano bang makukuha niya sa pagbigay ng Virginity niya?! Eh wala naman. Sa totoo lang yung lalaki pa nga ang naka-jackpot dahil siya ang nakauna. Pero iba pa rin yung pumangalawa sa gumalaw kay Kira. Pero yun na din yun!! Ah!! Kainis! Gusto ko manapak na lang ng kahit sino!! >:[

"ANO?!? Ano ba talaga Kira, niloloko mo ba ako, o sadyang nagpapakatanga ka lang?"

Hindi na siya sumagot at pagkatapos yumuko na. alam ko na susunod.

At eto na, unti-unti nang nagsipatakan ang mga luha niya sa kumot, "Sorry Alex. Hindi ko talaga alam. Ewan, basta. Hindi ko kasi mapigilan. Pasensya ka na. Ang dumi dumi ko." Sabi niya habang humihikbi.

Ano bang dapat kong gawin sa babaeng 'to? Naaawa ako sa kanya at naiinis rin. Bakit kasi kailangan niyang ibigay ang lahat samantalang gusto pa lang naman niya yung tao?

"Haaaaayyy, ganito na lang Kira. Relax ka lang, relax. Wag ka munang mag-isip at baka ma-stress ka na naman, ok?" Yan na lang ang payo ko sa kanya. Wala rin akong maisip. Tumahan na siya at humiga ulit sa higaan niya rito sa loob ng clinic. Sasabihan ko na lang yung mga teacher namin na nandito siya para hindi siya mapagalitan. Haaay, ako ang naiistress dito kay Kira eh.

***

// Kira's POV //

"Anak, wag ka na munang pumasok. Tignan mo oh," Sinalat niya ng kanyang kamay ang noo ko, "Mainit ka. May lagnat ka pa. Pahinga ka na lang." Nginitian ako ni mama at umalis ng kwarto para kumuha ng lugaw.

-___- Ilang linggo na ang nakalipas pagkatapos kong mahimatay at nananatili pa ring misteryo kung sino ba talaga ang nagdala sa'kin sa clinic nung araw  na nahimatay ako. At eto, eto ako ngayon. Nilalagnat, masama ang pakiramadam. Kainis! Ayoko ng ganito! 3 araw na akong nilalagnat! Kainis talaga! >O<

♀♂  High School Parents  ♂♀Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon